Chapter 22: The Man Who Beg

811 30 2
                                    

NAGISING na ako nang marinig ang pagtilaok ng manok. Para akong baliw na kinuskos pa ang mata palabas ng kwarto. Gusto ko pang matulog ngunit dapat ko pang diligan ang mga pananim at paliguan ang mga kabayo sa kwadra. Dumiretso ako sa palikuran para maligo, nakatapis lang ako ng tuwalya papasok ng bahay pero hindi ko inaasahang magkasalubong kami ni Genesis.

"Tumalikod ka!" sigaw ko.

"Patawad, pero bagay pala sayo ang nakaganyan lang," tinaas-baba niya ang kaniyang kilay. Inabot ko ang pinakamalapit na gamit at itatapon na sana pero mabilis siyang tumalikod at diretsong tumakbo papalabas.

"Nakalimutan mong may bisita tayo," bulong ni Lola.

Napasapo ako sa ulo at hindi pinansin si Lola. Sana pala binilisan ko ang kilos para masapul ko ang utak niya, napakadumi ng isip. Habang nagsisipilyo ako sa lababo ay naabutan ko si Genesis na may dalang tuwalya, maliligo na yata.

"Gusto mo bang umulit sa pagligo, sasamahan kita." Isang nakakalokong ngiti ang nasilayan ko.

"Salamat nalang, may kasabay ako parati kapag naliligo." Ngumisi ako ng mapaglaro sa kaniya. Akala niya siya lang ang marunong.

Nang marating ko ang bukirin isang magandang tanawin ang sumalubong at sinabayan pa ng isang kulubot at walang ka laman-laman na tiyan. Nahuli kasi ako dahil may ipinaligpit pa si Lola.

"Ang gwapo ng Lolo Peter mo!" puri ni Lola habang pareho naming tinatanaw ang dalawang lalaking walang damit pang itaas habang dinidiligan ang mga pananim.

"Hindi, ang malaman ang gwapo." Tinatanaw ko ang walong umbok sa tiyan ni Genesis, ulam agad sa umaga.

"Mas gusto ko nandito ang batang 'yan para araw-araw kong nakikita ang katawan ni Peter." Napalingon ako kay Lola habang pinapantasyahan ang payatot na katawan ni Lolo. Mahabaging Panginoon, ayusin niyo ang sirang mata ni Lola.

Lumapit ako sa kinaroroonan ni Genesis. "Magandang umaga," bati niya.

"Magandang umaga rin," pero yung mata ko nasa katawan niya.

Perpekto!

"Maganda ba ang tinitingnan mo ngayon?"

Hindi ko alam kung ano ang tinutukoy niya, abala parin ako sa aking mapaglarong mata. "Oo, may laman." Binilang kung muli ang umbok sa kaniyang tiyan baka kasi may lumitaw na bago.

"Sayo lang 'yan, huwag mong titigan baka matunaw. Hawakan mo nalang kaya."

Lumimilipad parin ang utak ko at bigla niyang nalang hinila ang isa kong kamay at nilagay sa kaniyang tiyan.

"Ahh!" Mabilis kong binawi ito at umatras sa kaniya. "Bakit mo hinila ang kamay ko? Tapos nilagay mo pa sa tiyan mo!" Pero kahit saglit lang 'yon dama ko ang tigas nito.

"Masama ba? Naawa lang ako sayo. Kanina ka pa titig ng titig halos matunaw na. Kaya pinahawak nalang kita."

"Hindi kaya, tinitingnan ko lang kung pwede rin akong magkaroon ng ganyan," pagsisinungaling ko. Umiwas ako ng tingin dahil abot langit ang kahihiyan na ginawa ko ngayon.

"Totoo ba 'yan? Bakit namumula ang tenga mo?"

"Lumayo ka nga, ganito talaga ang tenga ko namumula dahil sa init ng araw."

"Alas-singko pa ng umaga Claire, hindi pa nga mainit."

Napatingin ako sa langit at napapikit ako ng mariin, nakasilip pa ang haring araw, tapos ang rason ko ay mainit. Tanga!

Napansin ko ang pailing-iling niya at nakangising sumulyap sa'kin. Makaalis na nga, naglakad ako sa kabilang dulo, malayong-malayo kay Genesis. Ang lakas ng saltik sa utak, palagi nalang ako napapahiya sa harap niya.

THE ROYAL DECREETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon