Genesis Pov
BINALOT ako ng kaba at ang paa ko ay napakabigat para iangat sa paghakbang ngunit kailan ko itong gawin, nandito na kami at wala na itong atrasan pa.
"Genesis, sigurado ka na ba na gagawin natin ito?" Hinawakan ni Daru ang magkabila kong balikat.
"Ano sa tingin mo?"
"Baliw ka ba paano kung mahuli ka? Malaman nila na ikaw pala ang Prinsipe ng Royal Kingdom? Ang mas malala mamamasukan bilang hardinero? Baliw ka ba? O natuluyan na talagang kinain ka ng pag-ibig?"
"Huwag mo akong pigilan Daru. Sa hinaba-haba ng paglaklakbay natin para makapunta dito sa Valeria, ngayon pa ba ako aatras na nasa harap na tayo mismo ng bahay ng kabiyak ko. Isa pa hindi naman tayo makikilala agad, anong silbi nitong mga peke nating mga bigote."
"Sa bagay pero kasi, kahit magtagpo ang inyong mga mata ay hindi niya parin mararamdaman ang koneksyon niyong dalawa sapagkat hindi pa siya tumutungtong ng labingwalong gulang."
Kinuha ko ang dala naming maleta.
"Wala akong pake basta mabantayan ko siya kahit sa malayo lang. Gano'n ko siya kamahal na kaya kong maghintay ng isa pang taon basta't makita ko lang siya." Humakbang ako papasok sa tarangkahan at iniwan si Daru na nakanganga sa kaniyang kinatatayuan.
Sa aking pagkatok ay rinig na rinig mula palang dito ang maingay na tawanan ng pamilya. Mas lalo akong ginanahan na ituloy ang aking binabalak pandagdag na puntos para mas magustuhan ako ng kaniyang pamilya para sa kanya. Bumukas ang pinto at sumalubong sa'kin ang nakangiting mukha ng isang Ginang.
"Anong naipaglilingkod ko sa iyo iho?" Bigla akong kinain ng kaba at lahat ng salitang sasabihin ay parang nawala sa aking utak.
Putek!
"Magandang umaga po, ako po si Daru at ito naman ang aking katulong sa pag-aayos ng hardin si Genesis."
Napalingon ako sa biglang pagsulpot ni Daru sa aking likuran. Lumawak ang ngiti ng Ginang nang makilala kami.
"Mabuti naman ang napaaga ang inyong pagdating. Pumasok muna kayo." Taas-baba ang kilay ni Daru na may makahulugang titig habang papasok kami sa bahay.
"Ako pala si Alisha Parvati. May lima akong anak at ang asawa ko ay tagapayo ng Haring Herrondale." Biglang may humarang na dalawang paslit na may nakasimangot na mukha.
"Ma, si Ate Arzena ayaw magpapasok sa loob." Nagpapadyak pa sila habang pinapakalma ni Ginang Alisha.
"Pasensiya na kayo, ganito lang talaga ang ugali nila."
Ngumiti lang kami sa kaniya kaya nabaling ang tingin ng dalawa sa'min. "Sino sila?"
Lumuhod ako sa kanilang harapan at nagpakilala. "Ako si Genesis at ito naman si Daru." Kumunot ang kanilang mga noo at bigla nalang akong pinaikutan na may matalim na tingin.
"Art, Arthur." Hindi nila pinansin ang babala ng kanilang ina. Nang matapos nila akong paikutan ay nagbulungan pa talaga sila sa aking harapan na dinig na dinig ko naman ang kanilang pinag-uusupan.
"Pwede na ba siya?"
"Mapagtitiyagaan naman, ang laki ng katawan niya."
"Baka siya pa ang mabalian ng buto kaysa sa pinto."
"Bahala na, hindi naman tayo ang masasaktan, siya naman."
Hindi ko maintindihan ang kanilang pinag-uusapan hanggang sa pinatayo nila ako at tinulak papunta sa hagdanan patungo sa ikalawang palapag.
Napalingon ako kay Daru na pangiti-ngiti lang habang si Ginang Alisha na may mapatawad na ekspresyon.
"Saan ba tayo pupunta mga bubwit?" Isang matalim na tingin ang pinukol ng isang bata sa'kin.
BINABASA MO ANG
THE ROYAL DECREE
Historical FictionIt's an Era of arts and beauty, with golden crowns and throne, fancy gowns, and social standing matters the most. But behind the mask of a girl named Arzena Atria Parvati, born having a scar on her face that makes her feel unwanted, shows that crown...