SUMAPIT ang gabi at naimbitahan ako sa kanilang malaking paging. Pinapasok ako ng tagapagsilbi sa isang kwarto at inabutan ng magarang damit na isusuot. Inayusan ako ng konti para maging presentable naman. Para yatang alam na alam ni Pkenzo ang pagdating ko sa kaniyang kaharian. Kasyang-kasya sa'kin ang pinasuot nilang damit at ang sapatos na may hindi kataasang takong.
Pagdating ko sa labas ay nagsidatingan ang mga mamayan ng Peoria at isa-isang umupo sa mga bakanteng upuan. Uupo sana ako kasama ang mga tao nang hilahin ako ni Kosai papunta sa mesa kasama si Pkenzo.
"Bakit ka doon uupo? Pamangkin kita, isang kang importanteng panauhin at isang Prinsesa ng Valeria."
Napasimangot nalang ako at tinabihan siya. Umupo narin ang tatlo sa aking tabi.
Nagsimula ang paging sa isang presentasyon ng mananayaw at kantahan bago tumayo si Pkenzo at hinarap ang kaniyang mga mamayan.
"Magandang gabi, sa lahat ng aking nasasakupan. Ikinagagalak ko ang inyong pagdalo sa isang malaking salo-salong ito. Alam kong lahat kayo ay nagsisisi sa nangyari mag-iisang taon na ang nakakaraan. Alam niyo rin na ito ang hangarin ng piging na ito para humingi ng tawad at magsisi sa ginawang kawalang hustisya sa taong wala namang kasalanan at nais na makalaya tayo sa mga rebelde." Napalingon sa'kin si Pkenzo at ngumiti. Para yatang planado ang mangyayari sa gabing ito.
"Alam kong gusto niyong humingi ng tawad sa babaeng inyong sinaktan ng walang kalaban-laban. Ito na ang panahon para tayo ay humingi ng tawad sa kaniya. Nabuhay siya hindi dahil maraming mga bagay pa siyang hindi nagawa kundi maraming nagmamahal sa kaniya at may karapatan siyang marinig galing sa inyong mga bibig ang paghingi ng tawad na bukal sa inyong mga puso."
Tinulak ako ng tatlo at pinatayo kaya nasa akin na ang atensyon ng lahat. Gulat na gulat sila nang makilala ako. "Ipinakilala ko sa inyong harapan ang aking pamangkin ang Prinsesa ng Valeria si Arzena Atria Parvati!" Lumapit ako kay Pkenzo at yumakap sa kaniya bago hinarap ang maraming Peorian na ngayon ay nakayuko at hindi makatingin ng diretso.
"Alam kong nakikilala niyo na ako. Nakakagulat na ngayon ay nakatayo na naman ako sa inyong harapan, hindi duguan at nag-aagaw buhay. Tingnan niyo naman malaki po ang pinagbago ko matapos ang nangyari noong araw na iyon. May nakilala akong mga taong handa akong protektahan at alagaan sa mga panahon na ako ay nag-aagaw buhay. Inalalayan nila ako para makaahon. Tinulungan nila akong gumaling sa malaking sugat na idinulot niyo."
Mas lalong nanaig ang katahimikan sa paligid. Walang gumalaw ng konti na para bang nahihiya silang makita ako ngayon.
"Ngunit kahit anong muhi at galit ang nais kong ipakita sa inyong lahat ay hindi ko magawa. Mas umiiral ang pagmamahal ko sa inyo dahil isa rin akong Peorian na tulad niyo. Hindi man ako lumaki dito may dumadaloy parin sa ugat ko na isa akong taga Peoria. Oo, nagkasala kayo, inakusahan ang babaeng wala namang ginawang masama. Isa akong tao na anak ng Diyos, siya nga ay kayang magpatawad, ako na ba na isa lang niyang anak?" Nagsimulang nag-iyakan ang lahat, gayunadin ako.
"Mapapatawad ko man po kayo ngayon ngunit ipagpatawad niyo mahaba pa ang proseso bago ako makalimot." May mga taong lumapit at niyakap ako kadalasan ang mga paslit na tatakbong lumapit kasama narin ang kanilang mga magulang.
Nang makaupo ako ay sabay-sabay silang saad. "Patawarin niyo po kami" Yumuko silang lahat.
Matapos ang madramang pagpapatawad ay isa-isang lumabas ang mga tagapagsilbi habang hawak ang naglalakihang bandehado na may lamang mga pagkain. Nagdasal muna kami na pinamunuan ni Daru bago nilantakan ang pagkain at hindi mawawala ang serbesa sa hapag.
Naging matiwasay ang pagtatapos ng napakalaking piging sa gabing iyon na napuno ng saya at kapayapaan.
MASAYA akong kumaway sa lahat ng tao na nasa hangganan ng Peoria na namamaalam sa pag-alis ko, na baon ang kapatawaran at katahimikan sa kalooban. Tutungo na ako sa Royal Kingdom at babalik na sa aking kabiyak.
BINABASA MO ANG
THE ROYAL DECREE
Historical FictionIt's an Era of arts and beauty, with golden crowns and throne, fancy gowns, and social standing matters the most. But behind the mask of a girl named Arzena Atria Parvati, born having a scar on her face that makes her feel unwanted, shows that crown...