NANG ako ay mahimasmasan sa pagsapit ng umaga ay tumayo ako at inayos ang higaan. Ang nakakalat na mga gamit sa sahig ay isa-isa ko pinulot. Lumabas ako para makaligo, pero pagbukas ko sa pinto ay tumambad sa'kin ang tatlo na gulat na gulat sa biglaan kong paglabas. Nilagpasan ko lang sila at diretsong naglakad papunta sa paliguan.
"Claire." Umiiyak na lumapit si Lola sa'kin. "Maayos na ba ang pakiramdam mo."
Napatitig ako sa kaniya, sa mapait kong nakaraan. Kaya ko pa bang magtiwala sa tao? Hindi ko siya sinagot at pumasok sa banyo. Hindi ko pa kaya, ang isang maliit na alaala ay kulang pa para malaman ko ang lahat.
Sabay kaming kumain ng agahan, binalot ng katahimikan ang paligid at walang nangahas na magsalita sa isa sa kanila. Kanina ko pa napapansin ang pasulyap-sulyap ni Genesis sa'kin.
"May sasabihin ka?" tanong ko at pinukulan siya ng malamig na tingin.
"Aalis tayo ngayon, dapat kahapon pa pero kailangan mong magpahinga."
Mahina akong tumango at tumayo pabalik sa kwarto.
Nilabas ko ang isang maleta at isa-isang pinasok ang mga gamit at mga importanteng bagay. Kinuha ko ang pluma at papel. Nagsimula akong gumawa ng liham. Sa ganitong paraan lang ko masasabi sa kanila ang mga salitang nais kong sabihin.
"Claire, hihintayin kita sa labas."
Tinapos ko muna ang dalawang liham bago ako lumabas, tinago ko muna ang mga 'yon sa ilalim ng papag.
Paglabas ko ay nakahanda na ang dalawang kabayo, sumakay ako sa isa at siya naman sa kabayo niyang puti. Pinatakbo niya ito at sumunod naman ako. Wala akong ideya kung saan kami pupunta pero ramdam ko ang kaba na namumuo at tensyon sa pagitan namin.
"Mag-ingat kayo!" Malakas ang sigaw ng mag-asawa habang kumakaway sa'min.
Isang masukal na gubat ang aming dinaanan. Gamit ang dala kong espada, hinahawi ko ang mga dahong humaharang. Pansin ko na ito ang daan patungong talampas na nais puntahan ni Genesis.
"Claire, ano nga-"
"Huwag kang magsalita, iipon mo 'yan mamaya." Hindi ko na siya pinatapos pa, pwede namang isahin nalang.
Napatingala ako at isang nakakalasong ahas ang nasa itaas ng puno, nakapulupot siya sa malaking sanga. Isang malansang amoy ang bumalot sa aming dinaanan napansin kong mula ito sa malaking bulaklak sa 'di kalayuan.
"Mag-ingat ka."
"Kaya ko ang sarili ko."
Narating namin ang talampas ng walang kahirap-hirap. Isang napakagandang tanawin ang sumalubong sa'min at sinabayan pa ng malakas na bugso ng hangin.
"Napakaganda diba," nakangiti niyang komento.
Napakaganda nga, mula dito ay kitang-kita ang buong paligid. Natatanaw ko ang bahay namin. Nilasap ko ang sariwang hangin habang nililipad nito sa ere ang buhok ko. Naramdam ko ang dalawang kamay na pumulupot sa'kin mula sa likuran. Damang-dama ko ang kaniyang hininga sa leeg. Nagsimula na namang magrambulan ang lamang loob ko at parang nagkakarera ang puso ko sa bilis ng tibok nito.
"Namiss kita." Naramdaman ko ang paghalik niya sa ulo ko.
Oras na.
Humarap ako sa kaniya at walang emosyon siyang tinitigan. "Gusto kong maging matapat ka at katotohanan lang ang sasabihin mo."
Nakita ko ang kaniyang paglunok at halatang kinakabahan.
"Ramdam ko na mas marami kang alam tungkol sa akin, mga memorya na hindi ko maalala. Tama ba ako?" Tinitigan ko siya at pilit binabasa ang kaniyang kilos pero ang hirap niyang basahin.
BINABASA MO ANG
THE ROYAL DECREE
Historical FictionIt's an Era of arts and beauty, with golden crowns and throne, fancy gowns, and social standing matters the most. But behind the mask of a girl named Arzena Atria Parvati, born having a scar on her face that makes her feel unwanted, shows that crown...