Genesis Pov
NAGTATAGO kami sa malaking halamanan habang nakatanaw sa tatlo na naghahapunan.
"Daru, umayos ka nga!" Kulang nalang humalik kami sa lupa para hindi mahuli ng dalawang taga Zeria. Hindi ko maatim na hindi masigurado ang kaligtasan ng mahal ko.
"Kung magpakita nalang kaya tayo para hindi pa sila dumadating sa Zeria ay makasama mo na siya."
Kung pwede lang gagawin ko na ngayon ngunit may pinaghahawakan ako, ang singsing na suot niya. "Hindi pwede."
Napatitig siya sa'kin at napailing-iling nalang. "Kung hindi mo lang sana pina-iral ang lungkot mo noong narinig ang mga salitang ayaw niya sayo, edi sana nakilala ka na niya ngayon."
"Mabuti narin yata para malaman ko kung ano talaga ang gusto niya at hindi napipilitan lang siya sapagkat ako ang kaniyang kabiyak."
Tiniis namin ang lamig ng simoy ng hangin at kagat ng lamok habang nakatanaw sa tatlo na nag-uusap.
"Kailan ba sila matutulog?" Malalim na ang gabi ngunit nag-uusap pa sila. Kahit hindi namin masyadong naiintindihan ang kanilang pinag-uusapan halatang naiinis si Arzena tungkol dito.
"Takutin kaya natin para matulog na sila." Isang nakakalokong ngiti ang sumilay sa kaniyang mga labi.
Pinandilatan ko siya ng mata. Ayaw kong manginig sa takot ang aking mahal. "Huwag mong ituloy kung ano ang iniisip mo Daru," babala ko sa kaniya. Ngunit tinuloy niya parin na naging dahilan ng pagtigil ng pag-uusap ng tatlo.
Isang mahina lang naman na kaluskos ngunit halatang takot na si Arzena.
"Diba, epektibo."
Mas binilisan nila ang kanilang pagsubo at wala lang sampung minuto ay nakahiga na ang dalawang Zeria sa ilalim ng puno habang si Arzena ay makikita pa ang ilaw sa loob ng karwahe. Kailangan na niyang matulog para makakuha ng enerhiya sa mahabang paglalakbay bukas.
"Genesis, wala ka bang balak matulog?" Napatingin ako kay Daru na nakahiga na sa nilatag niyang higaan.
"Mamaya na kapag alam kong nakatulog na siya at ligtas."
Isang hagikgik ang aking narinig. "Pag-ibig nga naman binaliw ang utak ng isang tagapagmana ng kaharian."
Hindi ko na pinansin ang walang kwenta niyang sinabi habang nakatanaw sa papalabas ni Arzena. May hawak siyang kumot at kinumutan ang dalawang taga-Zeria. Ang busilak ng kaniyang kalooban. Paano kung alam niyang nandito ako, aabutan niya rin ba ako ng kumot?
"Hoy!" Sa gulat ko ay napatayo nalang na naging dahilan ng paggawa ng malakas na kaluskos.
"Daru!" Tinulak ko siya pahiga at inipitan sa pagkairita ko, ang ingay talaga niya.
Muli akong sumilip sa kinaroroonan nila ngunit wala na sa labas si Arzena. Malamang natakot kaya't napatakbo nalang papasok ng karwahe. Pinukulan ko ng masamang tingin si Daru na may ngisi parin sa labi. Tinalikuran ko siya at naglakad papalapit sa karwahe.
"Genesis, akala ko ba ay hindi ka magpapakita sa kaniya?"
"Shhh, gusto ko lang siyang makitang matulog."
Nagpatuloy ako sa paghakbang hanggang hawak ko na ang pinto ng karwahe. Sinilip ko ang loob at tumambad ang mala-anghel niyang mukha sa ilalim ng kabilugan ng buwan. Sinara kong muli ang pinto at umupo sa apakan ng karwahe. Napapangiti nalang ako habang naririnig ang mahina niyang paghilik. Kung mag-asawa na kami, kahit gaano pa yata kalakas siya humilik ay hindi ako magsasawa. Nandoon lang ako buong magdamag, binabantayan siya at naririnig ang pagsasalita niya habang natutulog.
*****
I dedicate this part
_CrovvnlessPrincess_.
BINABASA MO ANG
THE ROYAL DECREE
HistoryczneIt's an Era of arts and beauty, with golden crowns and throne, fancy gowns, and social standing matters the most. But behind the mask of a girl named Arzena Atria Parvati, born having a scar on her face that makes her feel unwanted, shows that crown...