HINDI pa lumalabas ang haring araw gising na kaming tatlo para sa mahaba naming paglalakbay. Nasa karwahe na lahat ng aming mga kagamitan hanggang sa kaniya-kaniya naming pinalo ang kabayo para ito ay kumilos na.
Napatingin ako sa singsing na hanggang ngayon ay nasa aking daliri parin. Isa ito sa mga bagay na naiwan sa'kin kasali ang kwintas sa aking leeg, ang sirang maskara at isang sulat na hindi ko naman pagmamay-ari. Napaiyak nga ako habang binabasa 'yon dahil mahal na mahal ng lalaking nangangalang Caleb ang babaeng tinutukoy niya sa sulat, si Arzena.
Ang tanga naman kasi ng babaeng gusto ba namang takasan ang kabiyak niya, ang baliw lang. May iba nga diyan na pinagkaitan ng tadhana at naging tagalabas. Kung magkikita kami kung sino ang Arzena na 'yan baka masasaksak ko siya sa puso para damangdama ang katangahan niya.
Ako kaya may kabiyak ba akong naghihintay sa'kin? Kung meron man, ako na yata ang pinakaswerteng babae sa buong mundo. Kung makikita ko siya walang pagdadalawang-isip na tatakbo ako sa kaniyang bisig. Hindi ko gagayahin ang ginawang pasakit ng Arzena na iyon kay Caleb.
Sabi ni Lolo Peter kanina, ang Peoria ang una naming pupuntahan. Nasasabik na nga ako dahil kwento nilang dalawa maka-Diyos ang mga tao doon. Sinuot ko narin ang bagong maskara na bigay ni Lolo noong nakaraan at ang balabal, maaaring matakot sa'kin ang mga tao at magtaka kung bakit may suot akong maskara.
Kahit malamig ang simoy ng hangin pinagpatuloy parin namin ang paglalakbay. Kahit sa gabi lang ang aming pahinga ay sinusulit namin iyon para lang madala ang mga prutas at gulay sa bawat kaharian. Dapat walang sasayangin na oras dahil maaaring malanta at hindi na maibenta ang mga ani namin.
Hinarang kami ng mga kawal sa aming pagdating at nang makita nila ang dala naming mga prutas at gulay, malaya kaming pinapasok.
Mapapansin na malaki ang Peoria at napakaganda nga ng kanilang kaharian. May malaking pader na nakapalibot sa buong palasyo. Marami ang mga nagbebenta ng iba't-ibang bagay at palamuti.
Bigla akong napatigil nang biglang sumakit ang ulo ko.
"Ayos ka lang?" Napalingon ako kay Lolo Peter na may pag-aalala, sumenyas lang ako na huwag mag-alala. Nawala rin naman agad ang sakit ng ulo ko.
Nasa harapan palang kami ng palengke ay maririnig agad ang mga sigawan ng mga binebenta nila at mga pakulo para makakuha ng mga mamimili. Walang mga maduduming nakaimbak sa bawat kanto. Wala akong nakikitang mga pulubi sa tabi-tabi. Magaling yata ang Hari nila dito.
Inilabas ni Lolo Peter ang kaniyang listahan ng mga mamimili na dapat niyang padalhan. Ako ang naghahatid sa bawat tindahan at hinihintay ang kanilang mga bayad.
Pero bago ako tumalikod sa isang tindera ay nagtanong ako sa kaniya. "Sino po ang kasalukuyang Hari?"
"Hindi mo alam?" Umiling naman ako. "Si Haring Pkenzo, dating Warden ng bilibid," napatango-tango naman ako at nagpasalamat.
Nakakabilib ang pamamalakad niya sa kaniyang kaharian. Ilang simbahan pa ang nakikita ko, gusto ko sanang pumasok ngunit baka hinahanap na ako ni Lolo.
Napatingin ako sa isang masikip na daanan na napakapamilyar sa'kin at nakita ko na yata dati. Anong nangyayari saakin? Taga dito ba ako noon?
Tinahak ko ang daan at hinayaang kainin ako ng kuryosidad. Natanaw ko sa 'di kalayuan ang isang bahay na maganda, hindi naman malaki ngunit mas maganda sa barong-barong na bahay namin sa bundok at malaki ang kanilang lugar para sa mga alaga nilang mga hayop. Nahagip ng mata ko ang tatlong tao parang magkapatid na abala sa pagpapakain ng kanilang mga bebe. Bigla akong napangiti habang nakatanaw sa kanila.
Nagulat ako nang mapalingon sa aking kinatatayuan ang batang lalake, nagtama pa talaga ang aming mga mata. Mabilis akong umiwas at naglalakad papalayo.
BINABASA MO ANG
THE ROYAL DECREE
Historical FictionIt's an Era of arts and beauty, with golden crowns and throne, fancy gowns, and social standing matters the most. But behind the mask of a girl named Arzena Atria Parvati, born having a scar on her face that makes her feel unwanted, shows that crown...