TUMIGIL kami sa isang burol pagsapit ng gabi para magpalipas ng gabi, delikado kapag magpatuloy kami sa paglalakbay mahirap pa naman ang daan patungo sa susunod na kaharian.
"Anak, simula noong tayo ay naglakbay ay napansin naming ang kakaiba mong kinikilos," komento ni Lola.
Naka-upo kami sa damuhan habang nilalasap ang masarap na simoy ng hangin ng gabi.
"Marami lang po akong iniisip," depensa ko.
Mahina siyang umiling. "Kahit ilang buwan ka palang sa'min alam ko na ang iyong kakaibang ugali. Kaya huwag kang magtangkang magsinungaling." Kilalang-kilala na talaga niya ako.
Sinandal ko ang aking ulo sa kaniyang balikat. Naramdaman ko ang kaniyang paghaplos sa buhok ko.
"Lola, pwede bang sa inyo nalang ako. Isa pa, wala namang naghahanap sa'kin. Parang matatagalan pa bago ko maalala ang nakaraan ko. Kahit mawawalay ako sa inyo, hindi ko naman alam saan ako tutungo. Walang direksyon kung na saan ang tahanan ko at kung sino ang totoo kong pamilya."
"Pag-uusapan namin 'yan ng Lolo Peter mo, pero sa isang kondisyon."
Napatayo ako sa gulat at galak. "Ano po iyon?"
"Sa oras na malaman mo ang iyong pagkatao huwag kang magdadalawang-isip na lumisan at bumalik sa kanila." Nadismaya ako sa kondisyon na kanyang iginiit, hindi ko maiwasang mapasimangot. "Halika ka at umupo kang muli."
"Lola naman, bakit sa lahat-lahat ng mga kondisyon 'yan pa ang naisip niyo?"
"Alam mo na hindi kami ang totoo mong pamilya. Wala kaming itinagong kahit ano sayo. Kahit sino man sa'tin, kahit ano mang dilubyo ang mangyayari ang una mong hahanapin ang ay ang iyong pamilya. Ang mga taong pareho ang dugong nananalaytay sa'yo. Iba ang pakiramdam kapag kasama mo sila, iba ang saya ang mararamdaman kapag nakikita mo ang totoo mong pamilya." Napatitig ako sa mata ni Lola, at hindi nakatakas sa paningin ko ang lungkot sa kaniyang mata. "Kahit nakalimutan nito," turo niya sa ulo ko. "Ngunit ang puso kailan man ay hindi nakakalimot," turo naman niya sa dibdib ko. "Kaya pag-igihan mong maalala ang mga bagay sa iyong nakaraan kahit gaano man ito kalupit o kasakit dahil bawat ulan may bubukas na liwanag."
NAGING mabilis ang aming paglalakbay papunta sa Zeria, nakapasok na agad kami sa kanilang hangganan. Sinalubong kami ng mga bulto-bultong mga mandirigma na nagsasanay at nagbabantay. Ito lang yata ang pinakakaibang kaharian na nakita ko. Kahit sa mga sandata ay nananatiling daw silang eksperto, lalo na sa pakikipaglaban kwento ni Lola.
Napatingin ako kay Lolo na napakalaki ng ngiti nang makitang halos maubos na ang ikatlong karo namin. Maraming bumili, ang haba nga ng listahan ng mga pangalan. Ako ang naatasang tulungan si Lolo, wala kasi Lola Carmela. Umalis siya kani-kanina lang dahil may bibilhin siyang ilang halamang gamot na dito lang makikita sa Zeria.
Naabutan na kami ng dilim, kaya naghanap kami ng matutuluyan. Nakahanap kami ng maliit na nagpaparenta ng kwarto. Pero mataas ang singil kaya nagdadalawang-isip sila Lolo at Lola. Kanina ko pa naman napapansin ang panay na paghawak ni Lola Carmela sa kaniyang braso at si Lolo naman sa kaniyang likod. Hindi naman kasi malaki ang kita namin ngayon dahil ang ibang suki ay inutang nila ang mga ani at sa susunod pa na balik naming magbayad.
"Huwag nalang Binibini di-" Hindi ko pinatuloy ang sasabihin ni Lola at idinukot ang pera na dala ko.
"Kukunin na po namin," saad ko at inilatag ang bayad sa may-ari.
"Anak, masyadong mahal. Isa pa, saan galing ang perang 'yan?"
"Lola Carmela, alam kong pagod na kayong dalawa kaya pumasok na po tayo sa loob at magpahinga."
BINABASA MO ANG
THE ROYAL DECREE
Historical FictionIt's an Era of arts and beauty, with golden crowns and throne, fancy gowns, and social standing matters the most. But behind the mask of a girl named Arzena Atria Parvati, born having a scar on her face that makes her feel unwanted, shows that crown...