NAPAKAGANDA ng palasyo, at bukas sa lahat ng mamamayan. Ang paligid ay puno ng mga rosas at puno. Ito ang unang pagkakataon na makita ito. Dumaan kami sa likurang bahagi ng kastilyo at sinalubong ng ilang tagasilbi.
"Halatang pagod po kayo, pumasok kayo sa loob at magpahinga," suwestiyon ng isang tagasilbi.
Hindi naman umiling ang dalawa at pumayag. Halatang pagod narin sila sa mahaba naming paglalakbay. Hindi ako makapaghihintay na makita ang loob nito.
Napatingin sa'kin ang tagasilbi. "Lolo Peter may kasama pala kayo," ngumiti siya sa'kin.
Pinapasok nila kami sa loob, bawat kanto may bulaklak na rosas, maaaring paborito ng Reyna. Pinatawag nila ang manggagamot para matingnan ang braso ko.
"Malapit ng gumaling ang braso mo basta ipagpatuloy mo lang pagmasahe nito at hindi paggamit sa pagkarga ng mabibigat na bagay." Tumango ako at binigyan ng ilang gamot bago umalis.
Pinahiga ko sa kama ang dalawa para makapagpahinga. Kwento ni Lola kanina ay matagal na silang nagpapadala ng mga prutas at gulay sa kaharian, panahon pa raw ng dating hari. Nang makatulog na ang dalawa kinuha ko ang pagkakataon para maglibot sa kaharian. Patingin-tingin lang ako sa mga nakasabit na mga larawan sa dingding. Minsan ay nakakasalubong ko pa ng mga kawal ngunit hinayaan lang nila ako. Inaabutan pa ako ng ilang tagasilbi ng pagkain.
Napatigil ako sa isang kanto ng pasilyo nang makita ang isang larawan. Biglang sumakit ang ulo ko at nagsimulang makaramdam ng hilo, kasabay ang mga boses na naririnig.
"Ginagawa namin ito ng iyong ama sapagkat ayaw naming maging tagalabas ka. Sinong magulang ang magiging masaya na ang kanilang anak ay namumuhay na mag-isa sa labas ng kaharian? Alam mong hindi madali ang mabuhay na nag-iisa, dapat may kasangga ka sa bawat hamon. Lalo na walang mga awa ang mga tagalabas nagrerebelde sila sa Royal Kingdom. Ayaw naming maging isa ka sa kanila at kusang aatake sa sarili mong kaharian."
"Ipinagmamalaki kita anak, lumaki kang isang mabuting anak."
"Kahit walang pasalubong basta bumalik ka lang at ligtas, ayos na po sa'kin."
"Kung ano man ang tumatakbo sa iyong isipan ngayon ay sana hindi 'yan ang magiging hadlang para makamit mo ang iyong kaligayahan at kapalaran."
"Walang kabiyak na itataboy ang kanilang kalahati Arzena ,kung ano ka man ay tanggap ka niya sapagkat kayo ay tinadhana."
Napapikit ako habang napasandal sa isang poste. Bumuhos na naman ang aking luha at parang pinupunit ang dibdib ko sa sakit.
May biglang humawak sa balikat. "Ayos lang po ba kayo?" Paglingon ko ay isang tagasilbi lang pala.
Mabilis na pinunasan ang aking mga luha. Mabuti nga at nakatakip ako ng balabal at hindi niya makikita ang mukha ko. Hindi ko pa naman suot ngayon ang maskara.
Pareho naming tinitigan ang isang pamilya na nasa larawan. Halatang sila ang pamilyang namumuno ngayon sa buong Valeria, dahil narin sa suot nilang mga korona. Pinatili kong nakatayo ng maayos habang iniinda ang sakit na nararamdaman.
"Naalala ko ang pamilya ko sa kanila," pagsisinungaling ko. Ang tanong may pamilya ba ako noon? Kung meron man, bakit walang naghahanap sa'kin?
"Napakabuti nilang pamilya kahit ako ay saksi sa kanilang kabutihan. Lalo na ang kanilang anak na babaeng na malapit ng mag-isang taong namayapa."
May konting lungkot akong nararamdaman sa sinabi niya."Mababakas agad sa kanilang mukha ang pagiging mabuting pinuno at may paninindigan. Sino ang babaeng tinutukoy mo?"
"Siya si Prinsesa Arzena Atria Parvati ang pinakadakila at pinakatapang na prinsesa na nakilala ko. Kung dumating lang ng maaga ang mga sundalo marahil nailigtas na siya at nasa larawang 'yan," bigla siyang napaiyak na ikinakunot ng noo ko.
BINABASA MO ANG
THE ROYAL DECREE
Historical FictionIt's an Era of arts and beauty, with golden crowns and throne, fancy gowns, and social standing matters the most. But behind the mask of a girl named Arzena Atria Parvati, born having a scar on her face that makes her feel unwanted, shows that crown...