Chapter 10: The Kingdom of Peoria

853 33 3
                                    

NASA aming harapan na ngayon ang Peoria. Hindi ko akalain na ganito ang sitwasyon ng kanilang kaharian, ibang-iba sa inaasahan ko. Walang kawal sa hangganan at walang malaking pader na magbibigay ng proteksyon sa kanila. Masyadong bukas para sa mga taga-sentro. Mas ikinagulat ko ay siksikan na ang mga tao. Kahit yata hayop mahihiyang tumira dito, masyado ng malaki ang kanilang populasyon sa kapasidad ng sinasakupang ektarya ng kaharian.

"Sa dami namin ay nawawalan na ng kontrol si Haring Gregor. Nag-uubusan narin ng pagkain at nagmamahalan ang presyo ng mga paninda. Idinulog na ito sa Kataas-taasan ngunit wala kaming nararamdamang aksyon sa problema."

Tiningnan ko ang paligid mas mahirap pa sa daga ang kanilang sitwasyon. Bawat kanto may pulubi at may nangyayaring-away at hindi pagkakaintindihan. Ang mga basura ay nakakalat at mga kababaihan ay halos ibenta na nila ang kanilang katawan para magkapera lang.

"Italukbong niyo po ang inyong ulo baka mabiktima ka ng mga masasamang tao dahil hindi ka taga dito."

Dali-dali kong nagtalukbong at nakayuko kaming naglakad papasok. Maririnig ang iyak at sigawan ng mga kababaihan at bata. Nangingibabaw ang mga galit at nakakatakot na boses ng mga kalalakihan.

"Ate Arzena bilisan natin para marating natin ang bahay namin. Kahit umaga ay hindi ligtas sa labas." Patakbo kaming dumaan sa isang iskinita.

Hindi ito ang Peoria na hinahangad ko noong mapuntahan. Ibang-iba ito sa larawan na sinasabi ni Papa sa'kin. Si Papa ay lumaki dito sa Peoria at parehong taga dito ang sina Lolo at Lola. Ngunit nang magtagpo ang landas nila ni Mama ay nagmakaawa ang pamilya nito na lumipat sila sa Valeria. Sa lubos na kabaitan at pagmamahal nila kay Mama ay nilisan nila ng payapa ang Peoria.

"Nandito na po tayo."

Nasa aking harapan ang isang maliit na barong-barong na gawa sa kahoy. Nakausli na ang ibang bahagi nito at sa isang malakas lang na hangin maaari itong liparin. Tanaw dito ang mga alaga nilang hayop at halaman. Malayo-layo ang tinitirhan nilang bahay sa mismong Peoria dahil may mga puno at kahoy na sa 'di kalayuan.

"Kuya!" Mabilis na tumakbo si Ravi sa kanilang bahay.

"Addie!"

Addie? Sino siya?

"Sino si Addie?"

Napalingon siya ng marinig ang aking tanong. "Nakalimutan ko po lang sabihin sayo. May nakababata pa po akong babae, walong taong gulang palang po siya." Kinatok niya ang pinto at muling tinawag ang kanyang mga kapatid. "Kuya! Addie!"

"Wala yatang tao dito Ravi."

"Ravi?" Napalingon kami sa pinanggalingan ng boses.

Nakita ko ang isang binata na kasing edad ko lang kasama ang isa pang paslit na bata na babae. Galing sila sa kakahuyan at may dalang panggatong. Tumakbo sila at agad na niyakap si Ravi.

"Ayos ka lang ba? Pinakain ka ba nila ng maayos? Nasaan sila para mapatay ko?"

Kinuha niya ang itak na nakasabit sa kaniyang bewang at palingon-lingon sa paligid hanggang magtama ang mata namin. Halatang gulat na gulat pa siya nang makita ako.

"Kuya Ravi, mabuti naman po at walang nangyari sa iyo." Napunta ang tingin ko sa batang babae na umiiyak habang yakap-yakap kapatid.

"Ravi, sino ba itong kasama mo? Ito ba ay kasama sa mga masasamang taong dumukot sa iyo?" Tinutok niya sa'kin ang itak na kaniyang hawak, napaatras ako agad sa ginawa niya.

Pumagitna si Ravi. "Kuya, nagkakamali ka. Si Ate Arzena nga ang nagligtas sa'kin kaya nakabalik ako dito," paliwanag niya sa kaniyang kapatid.

"Gano'n ba." Ibinaba niya ang itak at napakamot sa ulo. "Pasensiya ka na Binibini," paumanhin niya.

THE ROYAL DECREETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon