Chapter 28: The Father of the Rebellious

711 28 6
                                    

PINIHIT ko ang siradura at pumasok sa isang madilim na silid. Nangingibabaw ang isang hikbi at iyak nang ako ay tuluyang makapasok.

"Arzena, bakit mo kami iniwan? Bakit hindi mo hinintay ang pagdating nila? Bakit mo naranasan ang gano'n? Kung nandoon lang sana ako marahil napatay ko silang lahat sa ginawa nila sayo. Kung alam ko lang na gano'n ang kahihinatnan mo sana hindi kita hinayaang lumisan, edi sana buhay kapa, edi sana kasama ka pa namin ngayon at edi sana nakita mo pa ang anak ko kapag lumabas na siya. Bakit ang unang namamatay ay ang mga taong may busilak na kalooban? Bakit ba kasi hindi ka makasarili? Bakit mas inuuna mo ang iba kaysa sa iyong sarili? Diba tinuruan ka namin noon ni Sandra kung paano alamin ang taong totoo at nagpapakatotoo lang? Lalo na ang mga taong hindi katiwa-tiwala. Kainis, ang sakit labis ang pangungulila ko sayo."

Isang napakasakit na hikbi ang umalingawngaw sa buong kwarto. Napakuyom ako, parang isinaksak ang buo kong katawan sa iyak ni Claudia. Bumuhos sa aking isipan ang mga alaalang nakasama ko siya at si Sandra. Noong una ko silang nakilala, unang gabi ng aming paglalakbay, pagtuturo nila sa'kin kung paano makipaglaban at iba pa. Ngunit ang mas tumatak na aral na natutunan ko ay kung paano lumaban sa buhay sa sarili kong paa.

"Arzena, sana isipin mo na mahal na mahal kita. Miss na miss ka na namin. Kung pwede lang ibalik ang nakaraan at muli kang makasama gagawin ko." Sa dami-dami ng panahon at oras sa ganito pa talaga siya umiyak kung kailan masasaksihan ko.

Huminga ako ng malalim, ito lang ang kaya kong gawin para maibsan ang kaniyang kalungkutan at sakit na dinadamdam niya. Kinapa ko ang bulsa at nilabas ang isang bagay na lagi kong dala saan man ako magpunta, ang dati kong maskara. Pinalitan ko ang aking maskara na suot sa dati, ang orihinal na maskara na suot palagi ng dating Arzena. Pinindot ko ang buton ng ilaw. Natingin ako sa kabuuan ng kwarto. Wala itong pinagbago noong huli ko itong tinulugan. Dumapo ang tingin ko kay Claudia na ngayon ay nakaupo na sa kama habang nakatitig sa'kin.

"Claudia," tawag ko.

Kinusut-kusot niya ang kaniyang mata ng ilang beses hanggang siya ay tumili ng napakalakas. Tumakbo siya at sinunggaban ako ng yakap. "Kahit panaginip lang ito sana 'di na ako magising." Umiiyak na siya sa balikat ko. Tinugon ko ang kaniyang yakap, sila ni Sandra ang mga taong nagmahal at naging totoo sa'kin.

"Hindi ka nanaginip, ako talaga ito," giit ko sa kaniya.

Kumalas siya sa yakap at sinampal ng ilang beses ang kaniyang sarili hanggang pinigilan ko na ang kaniyang kamay.

"Totoo ka nga, Arzena!" Bumuhos ang kaniyang mga luha habang pinagpapalo ako sa braso. "Walanghiya ka, alam mo bang napakasakit sa'kin ang nangyari sayo."

"Totoo ka ba talaga?" Hinawakan niya ang dalawa kong pisngi at mabusisi akong tinitigan. Mahina akong tumango na mas lalong ikinalaki ng kaniyang ngiti.

Inalalayan ko siya paupo sa kama. Malaki ang kaniyang tiyan at marahil ilang araw nalang lalabas na ang munting anghel ni Claudia.

"Bakit ngayon ka lang? Hindi nga ako naniwala nang mabalitaan kong buhay ka raw ngunit hindi naman sigurado." Sumimangot siya ngunit nawala rin agad. "Wah! Namiss kita!" Malakas ang sigaw niya na maririnig pa yata sa labas at sinakal-sakal pa ako. Hindi talaga mawawala sa kaniya ang pagiging sadista.

"Parang mamamatay pa ako sa sakal mo."

"Huwag mo ng gagawin iyon ulit ha?" Paninigurado niya tanong at ako ay ngumiti ng malapad. "Ang tagal mong bumalik."

"Patawad, nawalan ako ng alaala pero unti-unti naming bumalik."

"Akala ko nakalimutan mo na ako."

"Nakalimutan naman talaga kita, kanina ko lang naalala ang lahat nang marinig ko ang mga hikbi at salita mo," sagot ko.

Mabilis niya akong binatukan. "Kinalimutan mo nga ako." Nagsimula na naman siyang umiyak ng malakas at tinapunan ako ng unan. "Kahit sarili mong kaibigan kinalimutan mo!"

THE ROYAL DECREETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon