PAGKAPASOK ko sa loob ng opisina ay tinuro niya ang upuan sa kaniyang harapan, naging matalim ang kaniyang tingin sa'kin na ikinataka ko.
"Walang lalabas na kahit ano sa iyong bibig tungkol sa nangyayaring kaguluhan sa labas. Ang tanging alam lang nila ay nasa kamay ng mga rebelde ang Peoria. Hindi nila alam na naghihirap na ang kahariang ito. Wala silang alam na hindi na kumikilos ang Hari." Pagkakaupo ko ay 'yan agad ang sinabi niya. At hindi ko maiwasang makaramdam ng galit.
"May karapatan silang malaman ang nangyayaring krisis sa sarili nilang kaharian, Pkenzo. Kahit ano mangtago mo sa kanila may panahon din na lahat ng sikreto nabubunyag at isa pa hindi lang sila isang preso kasali rin sila sa kahariang ito. At matanong nga kita, nasaan ang kanilang pamilya na sinasabi nilang dinala mo ito sa ligtas na lugar?" Tinaasan ko siya ng kilay at napansin ko agad ang pag-iwas niya ng tingin.
"Nasaan sila Pkenzo?" Muli kong tanong kanina pa ito bumabagabag sa'kin. Hindi nga binabanggit sa mga ito ang kalagayan ng kanilang pamilya. Imbes na sagutin ako ay tinalikuran ako ng higante at naglakad papalabas.
"Huwag mo akong talikuran Pkenzo! Sagutin ang tanong ko," sita ko sa kaniya.
"Arzena, hindi lahat ng sikreto ay kailangang ipaalam at hindi lahat ng stratehiya kailangang ibunyag dahil lahat ng katotohanan ay may tamang oras at panahon. Kaya imbes na mangialam ka sa pamumuno ko unahin mo munang kilalanin ang iyong sarili at baka may mga bagay ka pang hindi mo alam."
Napatikom ako sa kaniyang sinabi at sa inis ay pumanhik ako sa silid akalatan. Walanghiyang Pkenzo na iyon masyadong mautak. Siya lang ang nakakatalo sa'kin sa argumento. Imbes na alahanin ko ang ginawa ni Pkenzo ay nilunod ko nalang ang sarili sa mga libro.
Napatigil ako nang mapadako ang aking tingin sa isang bagay na tinatakpan ng puting tela, hinawi ko ang ibang libro para malapitan. Tinanggal ko ang takip na at isang napagandang larawan ng Hari at Reyna ang bumungad sa'kin mababakas na matagal na ito. Magkahawak ang kanilang kamay at nakasuot ng korona. Ngunit napatitig ako sa leeg ng Reyna at napaatras nang mapagtanto ang suot niyang kwintas. Napababa ang tingin sa sarili kong leeg, nakasabit dito ang kwintas na parehong-pareho sa suot ng Reyna. Anong ibig sabihin nito? Bigay ito ni Papa sa'kin pero magkatulad ang kwintas ko sa suot ng Reyna.
"Sana magustuhan mo ang regalo ko. Galing pa 'yan sa Lola mo sa tuhod noong nabubuhay pa siya. Gusto niyang ibigay ko ito sa bunso kong babae."
Sa gitna ng aking pagtataka ay biglang yumanig ang paligid. Ang mga libro ay bumagsak sa kanilang mga kinalalagyan. Patakbo akong bumaba, nakita ko si Pkenzo na may pag-aalala sa kaniyang mukha.
"May problema ba? Anong nangyayari?"
"Boss magpapasabog na naman sila!" Nakarinig ako ng sigaw mula sa isang preso. Napansin ko ang pag-iba ng timpla ng mukha ni Pkenzo.
"Lahat kayo, sa rami nila ay hindi natin sila kaya bilisan niyo ang inyong kilos at dalhin ang importanteng bagay at tayo ay lilisan na."
Napanting ang aking tenga sa kaniyang anunsyo. Habang ang iba ay magmamadaling kunin ang kanilang gamit ay hinarap ko si Pkenzo. Hinarang ko siya sa pasilyo.
"Bakit tayo aalis?"
"Pakiusap lang Arzena huwag ka munang magtanong. Mamaya ko nalang sagutin kung ayaw mong mamatay dito ng maaga."
Kinuha ko ang mahahalaga kong gamit at ilang libro na sa tingin ko ay mahalaga para basahin. Sinundan ko ang nakahilerang mga preso. Hinanap ko ang Warden ngunit hindi ko siya mahagilap. Dumaan kami sa isang maliit na pasilyo papasok sa isang kwarto. Mula dito sa pasilyo malalaman agad na maliit ang kwartong iyon. Higit limampu ang dami namin kaya imposibleng magkakasya kaming lahat diyan.
BINABASA MO ANG
THE ROYAL DECREE
Historical FictionIt's an Era of arts and beauty, with golden crowns and throne, fancy gowns, and social standing matters the most. But behind the mask of a girl named Arzena Atria Parvati, born having a scar on her face that makes her feel unwanted, shows that crown...