KABIYAK pala ng Heneral ng Zeria si Claudia kaya walang pag-aalinlangan kaming pinapasok sa kaharian. Agad kaming pinasakay sa isang karwahe, nadaanan pa namin ang ibang bahagi ng kanilang kaharian. Napakaganda nito, kakaiba ang kanilang bahay dahil gawa sa mga bato at kahoy. Lahat ng tao may dalang mga sandata tulad nila Claudia at Sandra. Iilan lang ang nakikita kong nakasuot ng pambabaeng damit, halos ay nakasuot ng damit pandirigma. Dito pantay-pantay ang trato ng bawat isa, wala silang pake ano ang kasarian mo basta kaya mo ang trabaho ng lalake tatanggapin ka agad. May nakita akong babae kanina na nakasuot ng pang kawal, at may isang Ale rin na may kandong na isang sako ng bigas. Pinagpala sila ng lakas at tapang.
Dinala kami sa isang malaking mansyon na gawa sa kahoy, at napakaganda ng pagkakadisenyo nito mula sa labas hanggang loob. Bakas ang karangyaan at yaman sa bawat sulok nito. At hindi mawawala ang mga sandatang nakasabit sa mga dingding.
"Umupo kayo, masaaya ako sa pagtanggap sa inyo sa aking pamamahay na matagal ko ng pinagawa para sa aking kabiyak." Lumingon ang Heneral kay Claudia at nagtukaan na naman sila. Pinapasakit nila ang mata ko, harap-harapan talaga.
"Ako si Heneral Flynn, ikinagagalak ko kayong makilala," yumuko siya at tinanggal ang kaniyang sombrero.
"Si Sandra kapatid ako," pakilala ni Claudia sa kaniyang kapatid.
"Ako ay labis na nagagalak na makilala ang pamilya ng aking mahal."
Mahal? Tumaas bigla lahat ng balahibo ko sa katawan. Hindi ako makalunok kapag may magsasabi sa'kin ng ganyan.
"Ako si Arzena Parvati, galing ako sa Valeria," pakilala ko at yumuko.
"Maaaring ikaw ang anak ni Ginoong Parvati. Minsan ko na siyang nakasama sa isang pagpupulong."
Tanyag din pala si Papa sa labas ng Valeria.
Pinakain muna nila kami ng tanghalian at binigyan ng kwarto para magpahinga. Nilibot ko ang tingin sa kabuuan nito, hindi mawawala ang mga sandatang nakasabit. Wala man lang makitang palamuti. Sa wakas makakatulog na rin ako sa malambot na kama, sa ilang araw ba naman na sa lupa ako natutulog, at gigising na masakit ang likod.
Biglang pumasok sa isipan ko ang aking pamilya, miss na miss ko na sila. Kamusta na kaya sila? Bukas na bukas din ay gagawa ako ng liham para makibalita sa kanilang kalagayan.
Binuksan ko ang malaking bintana ng silid at sinalubong ng malamig na hangin habang nagkikislapan ang butuin at buwan sa kalangitan. Matatanaw dito ang ilaw ng sentro ng Zeria dahil sa mga nagkikislapang ilaw ng mga lampara sa bawat sulok ng kanilang lugar at sa 'di kalayuan matatanaw ang palasyo. Ang bilis ng pagdaan ng araw, at heto ako ngayon nasa kaharian ng kanluran.
NABULABOG ako sa isang maingay na tili at talon sa kama. May humila ng kumot sa aking katawan at hinablot ang unan.
"Ano ba!"
Dinamba ako ng dalawang katawan kaya muling akong napahiga sa kama.
"Tumayo ka na diyan, marami tayong gagawin sa araw na ito," narinig ko ang boses ni Claudia sa tenga ko.
Nakaramdam ako ng pagkagaan nang umalis sila sa pagkakadagan sa'kin. Sumandal ako sa ulunan ng kama at masamang tingin ang pinukol sa dalawang nakatayo sa harapan ko na may malaking ngisi sa mukha, lalo na si Claudia.
"Kay aga-aga nangbubulabog kayo ng tao."
Tumili si Sandra at lumapit sa'kin, nagsimula siyang mag-sign laguage. Napatayo ako sa gulat nang maintindihan ang nais niyang sabihin. Ano na ang nagyayari sa panahon ito? Ang mga kababaihan ngayon ay kay bilis maniwala sa mga kalalakihan. Oo agad, hindi man lang pinag-iisipan, nagmamadali?
BINABASA MO ANG
THE ROYAL DECREE
Historical FictionIt's an Era of arts and beauty, with golden crowns and throne, fancy gowns, and social standing matters the most. But behind the mask of a girl named Arzena Atria Parvati, born having a scar on her face that makes her feel unwanted, shows that crown...