SA kalagitnaan ng gabi, lahat ay tulog kaya naisipan kong pumunta sa kastilyo. Tahimik ang buong kaharian ngunit bawat kanto may nakabantay na rebelde. Ingat na ingat akong nagtatago sa dili para hindi nila mahuli. Tanging maaari ko lang daanan ay ang likurang bahagi ng kastilyo, malakas ang kutob kong hawak nila ngayon ang Hari.
Nasa kaligitnaan ako ng pagtatago nang makita ko ang isang papel na nakadikit sa dingding, nakalarawan ang mukha ko na may suot na maskara at nilagay sa bawat dingding ng mga bahay at tindahan. Malaki ang patong ng buhay ko kung sino man ang makakahuli sa'kin. Tumataginting lang naman na sampung gintong salapi.
Tanaw ko na mula dito ang kastilyo, maaaring nandiya sa loob ang pinuno nilang walanghiya. Pagbukas ko sa pinto ng palasyo bumungad sa'kin ang kusina. Gulat na gulat ang tagapagsilbi nang makita ako, siya ang humarang sa'kin noong una kong pagpunta dito. Tinakpan ko ang kaniyang bibig.
"Anong ginagawa mo dito? Nakakalat na nga sa buong Peoria ang mukha mo, may balak ka pang bumalik dito. Magpapakamatay ka ba?"
"Teka lang naman, kailangan ko lang maka-usap ang Hari."
Dumapo ang tingin ko sa kaniyang mukha ko, mapapansin na may sugat siya sa kaniyang mata at bibig.
"Nasa pinakamababang bahagi ang Hari, sabihin na nating kinulong siya ni Pinunong Darwood sa piitan ng kaharian."
"Ano!"
"Hoy, anong nangyayari diyan!"
Mabilis akong napatago sa ilalim ng mesa pagkarinig ng malakas na sigaw sa labas ng pinto. Bumukas ito at tanging paa lang ng rebelde ang tangi kong nakikita.
"Bakit ka sumisigaw? Alam mong natutulog na ang pinuno," sita niya.
"May nakita lang pong daga sa mga plato kaya napasigaw ako. Huwag kayong mag-aalala wala na po at lilinisin ko ulit ang mga plato." Nakumbinse niya ang kawal at naniwala naman ito kaya umalis na lamang. Lumabas ako sa pagkakatago at hinarap ang nakakunot na noo ng katulong.
"Mapapahamak ako sayo kapag magtagal ka pa dito."
"Paano ko makakausap ang Hari? Nasa kamay niya ng tugon ng tatlong kaharian para makalaya ang Peoria sa kamay ng mga rebelde."
"Delikado kung pupunta ka sa piitan, makikilala kanila at nasa bente ang rami ng bantay doon hindi pa kasali ang rebeldeng nakabantay sa pasukan papunta sa ilalim. Pero pwede namang magpanggap ka." May kinuha siyang bagay sa kabinet at hinarap sa'kin. "Ito nalang ang tanging paraan." Hawak niya ang isang kasuotan na gaya ng sa kaniya.
Magpapanggap akong katulong at magdadala ako ng tubig sa Hari.
Isinuot ko ang tagpagsilbi na uniporme at tinanggal ang maskara.
Nagulat pa siya ng makita ako na wala iyon. "Paano ka nagkaroon ng peklat?" Nasa katandaan na siya ngunit chismosa parin.
Ngumiti ako sa kaniya. "Mahabang kwento." Isinuot ko ang pantakip sa mukha na karaniwang sinusuot ng mga tagasilbi para takpan ang kanilang bibig, gamit nito hindi ako makikilala.
Hawak ko ang isang baso ng tubig at pitsel habang papalabas sa kusina. Hinarang agad ako ng rebelde nang makita ako. "Saan mo 'yan dadalhin?"
Yumuko ako bilang pagbibigay ng respeto. "Sa Hari po Ginoo, hindi ko siya nadalhan ng tubig kanina."
Bumaba ang kaniyang espada sa pagkakaharang at inihatid ko sa isang pinto na may nakabantay din. Hinayaan nila akong makapasok sa loob. May na daanan pa akong ilang rebelde hanggang sa nakaabot ako sa isang kulungan, pagsilip ko ay nasa loob ang Hari. Binuksan ito ng nagbabantay hanggang ako ay nakapasok. Nilapag ko ang dala kong tubig sa isang maliit na mesa at nilapitan ang Hari na kasalukuyang natutulog. Mahina kong tinapik ang kaniyang balikat kaya nagising siya.
BINABASA MO ANG
THE ROYAL DECREE
Historical FictionIt's an Era of arts and beauty, with golden crowns and throne, fancy gowns, and social standing matters the most. But behind the mask of a girl named Arzena Atria Parvati, born having a scar on her face that makes her feel unwanted, shows that crown...