Chapter 23: With Him

785 26 2
                                    

NAKARAMDAM ako ng uhaw sa kalagitnaan ng gabi kaya lumabas ako ng kwarto. Madilim at walang ilaw nang ako ay maglakad papunta sa kusina. Nang makakuha ay nilagok ko ang isang baso ng tubig, nakalimutan ko kasing maglagay tubig sa gilid ng kama.

Napatigil ako nang makarinig ng kaluskos. Nilibot ko ang aking tingin sa kusina. Imposibleng gising pa sila, gabi na kaya. Tumunog ang pagbukas ng pinto at napasulyap ako sa sala. Isang pamilyar na tindig ang nakita ko, si Genesis. Mabilis akong yumuko at gumapang sa ilalim ng mesa. Anong ginagawa niya sa gitna ng gabi sa labas? Napatakip ako ng bibig nang makita ang kaniyang paa na papalapit sa kusina. Ngunit lumiko ito papasok sa kaniyang kwarto. Doon lang ako nakahinga ng maluwag, muntik na. Pero bakit ako nagtatago? Napakamot nalang ako sa ulo.

Nakita ko ang isang maliit na butiki na nasa ilalim din ng mesa, nakatingin ito sa'kin na parang nagtataka kung bakit nakikigaya narin ako sa kaniya. Gagapang na sana ako pabalik nang marinig ang pagbukas ng pinto. Dali-dali akong bumalik sa ilalim ng mesa. Muli kong nakita ang paa ni Genesis na ngayon ay nasa kusina na. Anong ginagawa niya dito? Nakaharap siya sa mesa at hindi kumikilos. Gusto ko ng matulog. Bakit hindi pa siya bumabalik sa loob ng kaniyang kwarto?

Bigla siyang kumilos na nakapaalerto sa'kin at pinaikutan ang mesa. "Wala yata siya dito." Tumalikod siya at naglakad papalayo.

Lalabas na sana ako nang bigla siyang tumakbo pabalik. Kapa-kapa akong siniksik muli ang katawan sa ilalim ng mesa. Kainis naman ng lalaking ito, pinapahirapan ako. Teka, bakit ba ako nagtatago sa kaniya?

"Claire, alam kong nandiyan ka."

Nakagat labi ako sa inis, alam niya na nandito ako hindi nalang nagsabi kanina pa edi sana nakabalik na ako sa kwarto ko at mahimbing na natutulog.

"Claire, huwag ka ng magtago. Lumabas ka na."

Paano kaya niya nalaman na nandito ako? Oo nga pala, kabiyak ko pala siya. Nagbuntong hinga ako at gumapang papalabas ng mesa.

May kamay na humila sa'kin, at sa isang iglap nasa harap ko na si Genesis habang ang dalawa niyang kamay ay nasa bewang ko. Nakangiti ito ng malapad habang nakatitig sa'kin.

"Mas lalo kang gumanda habang nakasuot ng pantulog na damit," komento niya.

Naramdaman ko ang pag-init ng magkabila kong pisngi. Tinaas niya ang kaniyang kamay, gamit ang kaniyang hintuturo at lumapat sa aking noo. Gumapang ito sa aking ilong, pababa sa bibig. Mabilis kong dinilaan ang tuyo kong labi bago pa huminto ang kaniyang daliri doon. Parang nasusunog ang balat ko sa kaniyang hawak. Idinikit niya ako sa pader at nilapit ang kaniyang sarili. Ang puso ko ang lakas ng kabog na anumang segundo sasabog nalang bigla.

Nanatili ang tingin niya sa labi ko at unti-unting lumapit.

"Huwag mong gawin kung ayaw mong manghiram ng mukha sa kabayo," babala ko na ikinatigil niya at napangiti.

"Paano ako titigil kung matagal ko ng hinintay ang pagkakataon na ito," sabi niya. "Gusto mo bang mahalikan dito sa kusina?" tanong na ikinatigil ng buo kong sistema.

"Ayaw ko," walang pagdadalawang-isip kong sagot.

"Magaling akong humalik, Claire," pagmamalaki niya na may ngiting demonyo.

"Halikan mo muna ang kabayo ko bago mo makuha ang halik ko." Sinuntok ko siya ng malakas sa kaniyang panga na ikinadapa niya.

"Aray ko, Claire naman." Napahawak siya sa kaniyang panga.

"Lumayo ka kung ayaw mong masuntok sa ikalawang pagkakataon," banta ko. Itinaas niya ang isa niyang kamay na senyales na suko na siya.

"Huwag kang magbiro ng gano'n, mababaliw ako," giit ko na ikinatawa niya.

THE ROYAL DECREETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon