SUMAPIT ang hating gabi at muli akong nagtungo sa palasyo. Walang ilaw sa paligid ngunit halatang may nakabantay na rebelde. Pagpasok ko sa kusina nandoon si Emila, gulat na gulat siya sa muli kong pagbalik.
"Bakit ka nandito? Pakiusap lang Arzena umalis ka na." Napansin ko ang ilang butil ng luha sa kaniyang pisngi.
"Hindi, kailangan kong makausap muli ang Hari, Emila," pakiusap ko sa kaniya ngunit siya ay umiling at tinulak ako papalabas. Napansin ko ang bagong gasgas at sugat sa kaniyang mukha at kamay.
"Pinatay mo si Haring Gregor, Arzena."
Napatulala ako sa narinig. "Ako pintay ang Hari?" Nagtataka kong tanong sa kaniya.
Siya ay napahikbi bago ako sinagot. "Nilason mo ang Hari, kaninang umaga lang namin namalayan na wala na siyang buhay. Ang tanging ang huli niyang ininom kahapon ang tubig na ibinigay ko sa iyo. May panahon kang lagyan ng lason ang tubig habang ikaw ay patungo sa kaniyang kulungan!"
Sinampal niya ako ng ilang beses sa kaniyang galit ngunit hindi ko magalaw o makapagsalita man lang sa ibinato niyang akusasyon sa'kin. Patay na si Haring Gregor?
"Ganyan ka ba talaga? Wala kang puso! May gana ka pang bumalik at magpanggap na inosente sa ginawa mong krimen. Wala kang utang na loob sa kabutihan na ipinakita ng Hari sa iyo!" Tinulak niya ako ng napakalakas habang ako ay sinusumbatan na wala namang katotohanan.
Tumayo ako at hinawakan ang kaniyang braso. "Hindi ko kayang patayin ang Hari, hindi ko siya pinatay!"
"Huwag kang mangsinungaling Arzena! Kitang-kita ng dalawa kong mata ang walang buhay na Hari habang nasa gilid niya ang basag na basong pinag-inuman niya!"
"Maniwala ka sa'kin." Napaiyak na ako habang nakikiusap sa kaniyang maniwala sa'kin.
"Maniwala? Ikaw lang ang tanging tao na ipinasok ko sa piitan at ikaw lang ang nagdala ng pitsel ng tubig sa kaniyang kulungan!"
Biglang bumukas ang pinto, pumasok ang ilang rebelde at sinundan pa ng kanilang pinuno na ngayon ay nakangiting nakatuon sa'kin ang tingin. Hindi ko maigalaw ang paa ko para tumakbo paalis. Naramdaman ko nalang ang dalawang rebeldeng sapilitan akong hinila.
"May tapang ka pang bumalik dito matapos ang pagpuslit mo. Akala mo ba hindi ko alam ang kilos mo?" Hinila niya ang buhok ko at nilapit sa kaniyang nakakatakot na mukha. "Akalain mo nga naman mismong daga pa ang nagtungo sa kampo ng kaniyang kalaban. Hindi mo man lang ako pinahirapan."
Muli akong napatingin kay Emila ngunit umiwas lang siya ng tingin. Sa unang pagkakataon napagtaksilan ako sa taong tinuring kong kakampi.
Pinasok nila ako sa parehong kulungan kung nasaan nila ikinulong ang Hari. Iginapos nila ang dalawa kong kamay at paa gamit ang kadena. Humarap sa'kin si Darwood habang nakangiting matagumpay.
"Tingnan natin kung saan ang tapang mo."
Kinuha niya sa isang rebelde ang napakahabang latigo.
Pinaluhod ako ng dalawang kawal at kinalas ang suot kong damit sa likuran."Walangya ka!"
"Iyan ang nararapat sayo!"
Sa isang iglap naramdaman ko ang napakalutong na sakit na tumama sa likod ko. Sinabayan ng malakas kong sigaw ang tawanan ng mga rebelde.
"Palagi itong nangyayari sa mga taong bumalik sa kanilang krimen, pinaparusahan hanggang malagutan ng hininga!"
Paulit-ulit nilang nilatigo ang likod ko. Hindi pa sila nakontento pinasok pa nila ang ulo ko sa isang malaking timba ng tubig at nilunod ako ng paulit-ulit. Inihian pa nila ako na hindi ko inaakalang mangyayari sa'kin.
BINABASA MO ANG
THE ROYAL DECREE
Historical FictionIt's an Era of arts and beauty, with golden crowns and throne, fancy gowns, and social standing matters the most. But behind the mask of a girl named Arzena Atria Parvati, born having a scar on her face that makes her feel unwanted, shows that crown...