Chapter 26: Way Back Home

707 33 1
                                    

SA mahaba-habang paglalakbay narating ko sa wakas ang Valeria. Nasa hangganan parin ang mga mandirigma, nag-eensayo sila nang makaapak ako doon. Napadapo ang tingin ko sa isang kubo, tumigil dito at bumaba sa kabayo. Napakapamilyar nito na parang nakita ko na dati. Kumatok ako ng ilang beses bago bumukas ang pinto. Isang matandang lalake ang lumitaw, nakasuot siya ng uniporme ng mandirigma ngunit halatang mas mataas ang kaniyang tungkulin. Tinitigan ko siya ng ilang segundo bago naalala na siya ang matandang lalaking nakita ko noong dumaan kami dito kasama sila Lolo at Lola.

"Ano ang maipaglilingkod ko sayo Binibini?"

Ibinaba ko ang suot kong balabal at nagtama ang aming tingin. Puno ng gulat at pagtataka kaniyang mukha nang makita at makilala ako.

"Arzena," bulong niya.

Napangiti ako ng mapait na kahit itong matanda ay kilala ako bilang Arzena.

"Pumasok ka." Malawak niyang binuksan ang pinto para sa'kin. "Hindi ko akalaing buhay ka at nakatayo sa harapan ko," nagagalak niyang sambit.

"Halata pong kilala niyo ako. Saan po tayo nagkita noon?" Kumunot ang kaniyang noon at nagtataka sa aking tanong.

"Hindi mo ako maalala?"

"Nawalan ako ng alaala ilang buwan na ang nakakaraan." Napaupo siya sa malapit na upuan habang hindi makapaniwala sa sagot ko.

"Kaya ba ngayon ka lang nagpakita?"

"Opo, dahil kahapon ko lang naalala ang mapait kong karanasan sa Peoria ngunit hindi pa lahat."

"Ako si Heneral Peterson," pakilala niya. "Paalis ka ng madaan kami dito. Walang pagkain at sugatan. Iilan nalang sa amin ang nakatayo ngunit hindi ka nagdalawang-isip na bumaba sa iyong karwahe para kami ay tulungan. Ginamot mo ang aking mga mandirigma sa gamot na iyong dala. Nagpadala ka ng liham sa iyong ama para sa'min at pinaalam ang aming kalagayan. Napakalaki ng iyong naitulong na ngayon kami ay nakabangon na."

Habang nagkwekwento siya unti-unting nagiging malinaw ang senaryo na iyon. Kahit may kirot akong nararadaman isanawalang bahala ko ito. Kailangan kong makaalala agad, dahil may taong naghihintay sa'kin.

"Sino ang kasama kong dalawang babae?" Napahawak siya sa kaniyang baba at inalala ang tinutukoy ko.

"Ahh! Sila ang makakasama mo sa iyong paglalakbay. Sa aking palagay ay taga-Zeria sila na naging kawal ng palasyo."

"Sino ang magulang ko?"

"Isa kang Parvati, Arzena. Pamilya mo ang namumuno ngayon sa buong Valeria."

Naalala ko ang unang pagkikita ko sa Hari noon sa pamilihan. Kaya pala bumuhos nalang bigla ang luha ko dahil siya ang aking ama. Noong nasilayan ko ang Reyna, hindi ko iyon makakalimutan na nahihiya akong lumapit sa kanya pero dama ko ang saya nang siya ay masilayan.

"Isa kang Prinsesa."

Kunot noo ko siyang pinukulan ng tingin sa kaniyang sinambit. Paano nangyaring ang pamilya ko ang namumuno ngayon? Paano nangyaring isa akong prinsesa?

"Sino ang dating Hari ng Valeria?"

"Si Herrondale at napaalis sa pwesto."

"Paano naging Hari at Reyna ang mga magulang ko?"

"Wala ako sa pwesto na sabihin sayo ang dahilan kung bakit sila nasa trono ngayon. Maraming nangyari sa ilang buwan na wala kz. Makakasagot lang niyan ay ang iyong mga magulang."

"Hindi pa ako handang makita sila. Alam mo ba kung saan kami nakatira noong hindi pa sila ang namumuno?"

Binuksan niya ang isang kahon at kinalkal ito, at isang liham ang kaniyang inilatag.

THE ROYAL DECREETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon