SABAY kaming nagtungo sa hapagkainan para kumain. Katabi ko si Art sa kanan at sa kaliwa ay si Arthur. Nasa napakahaba kaming mesa na magkakasya ang benteng tao sa laki. Nasa ibaba ko si Locker na kanina pa sunod ng sunod sa'kin, parang takot mawala ako sa paningin niya. Dumating si Mama at Papa kasabay ang tatlong taong pamilyar ang mga mukha na parang nakita ko na dati.
Bigla akong napahawak sa ulo sa pagkirot sa bigla nitong pagkirot.
"Ayos, kalang Arzena?" Agad na nakalapit si Ate Athena at hinawakan ako sa braso. Nakatingin na silang lahat sa'kin.
"Sumakit lang bigla ang ulo, pero wala naman ito." Pagsisinungaling ko. Ayaw kong mag-alala sila sa kondisyon ko.
Nakaupo na kaming lahat at isa-isang nilatag ang pagkain. Ang mata ay nakatitig sa tatlong taong hindi ko maalala, malakas ang kutob kong bahagi sila ng aking nakaraan.
"Anak kung nagtataka ka kung sino sila. Sila ang anak ng Tito Lincoln mo."
Nagtama ang tingin namin sa batang lalake na kanina pa ako tinititigan.
"Nasaan na po si Tito? Diba ilang taon na ang dumaan na hindi na siya dumadalaw sa'tin?"
Ngumiti ng mapait si Mama. "Nakaraang buwan lang ay nabalitaan namin ang nangyari sa iyong Tito. Matagal na itong pumanaw na hindi man lang natin napag-alaman. Naiwan ang tatlong batang ito. Napagdesisyunan namin ng iyong ama na kupkupin sila at tumira ngunit hindi pa naman sigurado dahil nasa kanila parin ang desisyon," paliwanag niya.
Pamilyar talaga sila.
"Gusto naming makilala mo si Raven," turo niya sa pinakamatanda. "Si Ravi at Addie." Napapikit ako ng mariin nang muling sumakit ang aking ulo ngunit para na itong nabibiyak. "Siya si Arzena, isa sa mga anak namin na inakala naming patay na."
"Ate Arzena." Napatigil ako at napatitig kay Ravi na ngayon ay patakbong lumapit at dinamba ako ng yakap.
Sa isang iglap napalayo ako sa kaniya habang hawak-hawak ang kumikirot kong ulo. Muli kong naririnig ang mga boses. Ang mga sinapit ko sa Peoria.
"Ahhh!" Napasigaw ako asa sakit.
"Arzena!"
"Ate!"
Naririnig ko ng konti ang kanilang mga boses ngunit nangingibabaw ang mga boses sa nakaraan.
"Ahhh!"
"Tawagin niyo ang manggagamot!"
Tinakpan ko ang dalawa kong tenga.
Isang yakap ang akong naramdaman at sinundan pa ng dalawang tao.
"Ate nagmamakaawa po ako tumigil na kayo."
"Patawad po sa ginawa ko sa inyo. Patawad po at tinapunan kita ng punyal, Ate tigil na po."
"Arzena, bumalik ka na. Iyong Arzena na nakilala namin sa Peoria. Patawarin mo kami at tinalikuran ka sa gitna ng delubyo na iyong naranasan."
"Ate, diba iinom ka pa ng kape na gawa ni Kuya Raven. Diba gustong-gusto mo iyon?"
"Ate, huwag na po kayong sumigaw at umiyak."
"Ate!"
Ang mga boses na narinig ko ay napalitan ng hikbi at iyak ng tatlong taong nakayakap sa'kin. Parang namanhid ang buo kong katawan at hindi ko maigalaw ang aking kamay para itugon ang kanilang yakap.
Kumalas sila sa yakap habang lumuluha. Hawak nila ang kamay ko at hinaplos ito para patahanin ako. Doon ko lang napansin na kanina pa umiiyak.
Hindi ko na maalala kung paano nila ako nadala sa kwarto. Ngunit nanatili akong nakatulala. Iniisip ko kung paano ko mapapatawad at mapagkakatiwalaan ang mga taong minsan na akong iniwan sa ere. Kung pwede lang sanang kalimutan ang nakaraan ko sa kanila para mapatawad sila gagawin ko.
BINABASA MO ANG
THE ROYAL DECREE
Historical FictionIt's an Era of arts and beauty, with golden crowns and throne, fancy gowns, and social standing matters the most. But behind the mask of a girl named Arzena Atria Parvati, born having a scar on her face that makes her feel unwanted, shows that crown...