MAAGA palang ay nasa bukirin na kami, magsisimula na naman ang pagtatanim para may aanihin sa mga susunod na buwan. Nagbubungkal ako ng lupa at nilalagay ang maliit na halaman ng pakwan. Sana mamumunga ito ng madami at kasing tamis ng asukal ang magiging resulta. May ilang halaman ng pakwan kasi ang nasira kaya kailangan magtanim muli. Bago pa naman kami naglakbay ay naglagay na ng pataba ng lupa si Lolo at inararo ito.
"Claire!"
Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses at si Lola Carmela lang pala. Sumenyas siya sa'kin na lumapit sa kaniyang kinatatayuan. Paglapit ko ay inabot niya ang isang timba at pangmingwit ng isda.
"Nasa gubat ang Lolo mo kaya ikaw nalang muna ang mamingwit ng isda para sa ating hapunan mamaya," utos niya.
"Sige po."
"Umuwi kana bago pa lumubog ang araw. Para maluto ko ng maaga. Huwag kang maliligo baka magkasakit ka naman at uuwing parang basang sisiw."
Napakamot ako sa ulo at ngumiti kay Lola.
Mula dito sa'min maglalakad ako ng tatlongpung minuto bago marating ang malaking ilog. Maraming isda doon at madalang lang na makakakita ka ng tao na umiigib ng tubig. Pasipol-sipol ako habang binabaktas ang daan. Tanging maririnig lang ang mga awit ng ibon at mga kaluskos ng ardilya sa mga puno.
Napaangat ang tingin sa kalangitan, makulimlim ang langit at maaaring uulan dahil sa malaking ambon na papalapit. Mas binilisan ko ang lakad at wala pang tatlongpung minuto narating ko na ang ilog. Nilagyan ko ng pa-in ang pamingwit at itinapon ito sa ilog. Ilang saglit nagsimula itong gumalaw kaya hinila ko ito ng ubod ng lakas para mapunta sa gilid.
"Sineswerte ka nga naman," giit ko habang nakangiting pinasok sa timba ang malaking isda. Mapaparami na naman ang kain ko nito.
Muli kong tinapon ang pamingwit na may pa-in, hindi rin nagtagal ay nakahuli na naman ako ng malaking isda. Sobra na ito para sa aming hapunan mamaya. Inayos ko ang mga dala at nagsimulang naglakad pabalik. Hindi pa ako dumadating sa bahay ay nagsimula ng bumuhos ang ulan. Napatakbo ako sa malaking puno at nagpasilong Malakas ang ulan maaari itong magtagal, maabutan pa ako ng gabi kung hihintayin ko pa itong tumila. Mahirap pa naman hanapin ang tamang daan kapag gabi. Tumakbo ako pauwi at hinayang mabasa ang suot na damit.
Pagdating ko sa bahay ay dali-dali akong dumaan sa likurang pinto, doon kasi ang lutuan namin. Napatingin ako sa kwadra nang mapansin nadagdagan ang aming kabayo, kulay puti ito at halatang alagang-alaga.
"Nandyan ka na pala. Bakit ka nagpaulan?"
Patakbo akong pumasok sa loob. Ngunit napatulala ako nang makaramdam ng kakaiba sa katawan, at pagkabog ng dibdib ko. Nabalutan ako ng pamilyar na sensasyon.
"Bakit ka nagpaulan? Magkakasakit ka na naman, hindi ka pa nga gumagaling," sermon ni Lola.
Bakit ko nararamdaman ang ganitong pakiramdam?
"Pumasok ka sa loob at magpatuyo. May bisita tayo."
Nanlaki ang aking mata sa gulat, hindi maaaring...napatakbo ako papunta sa sala.
Kitang-kita ng dalawa kong mata ang pamilyar na tindig. At walang iba kundi ang estrangherong kabiyak ko. Lumingon siya sa'kin at isang malaking ngiti ang sumilay sa kaniyang mga labi. Napatakip sa bibig, siya nga at hindi ako nananaginip. Mas lalo siyang napangiti nang makita ang reaksyon ko sa mukha. Lintik na ngiti na iyan, aatakihin pa ako sa puso. Wala itong suot na pang-itaas at kitang kita ilang umbok niya sa tiyan. Palihim ko itong binalingan ng tingin, walong umbok. Basa ang buhok nito at may ngiting pamatay.
Labis yata akong pinagpala!
"Claire, nandyan ka na pala. Bakit basang-basa ka?"
Nabaling ang tingin ko kay Lolo na nandito rin pala sa sala. Hindi ko namalayan na nakalapit na pala ang lalaki sa'kin at nilagay sa balikat ko ang hawak niyang tuwalya.
BINABASA MO ANG
THE ROYAL DECREE
Historical FictionIt's an Era of arts and beauty, with golden crowns and throne, fancy gowns, and social standing matters the most. But behind the mask of a girl named Arzena Atria Parvati, born having a scar on her face that makes her feel unwanted, shows that crown...