Special Chapter

767 29 1
                                    

Genesis Pov

MAAGA palang ay gising na ang buo kong sistema dahil ngayon na talaga ang tamang oras hindi ko na kaya pang patagalin ito.

"Genesis handa na ang kabayo." Napalingon ako kay Exodus sa pinto ng aking silid habang nakasandal. Hindi kami natulog sa mansyon ng aking kaibigang si Flynn matapos ang kanilang kasal kahapon para hindi tumakbong muli si Arzena. Hindi ko nga inakala na nandito rin sila kasama ni Ama.

"Halika na, nasaan si bunso?" tanong ko.

"Nasa labas na at naghihintay sa'tin." Nakaakbay kaming lumabas ng nirerentahan naming bahay dito sa Zeria.

"Nagagalak akong makitang muli ang aking kababata, ilang taon narin ang dumaan noong huli ko siyang nasilayan."

Nakakainis talagang marinig galing sa kaniya na magkakilala sila ng aking kabiyak. Kung hindi lang sana ako ipinadala sa Peoria maaaring kaibigan ko narin si Arzena na mas mapalapit ako sa kaniya na hindi na niya kailangan pang tumakbo palayo.

"Nakasimangot ka naman, huwag kang magselos kahit may gusto ako sa kaniya hindi ko naman isisiksik ang aking sarili kung hindi naman ako ang kaniyang kabiyak. Baka nasa paligid nga lang ang aking kabiyak at naghihintay lang na magtama ang aming mga tingin."

Ginulo niya ang aking buhok, kahit ako ang panganay para yatang ako pa ang bunso sa aming tatlo. Nakasandal sa karwahe ang nakasimangot na mukha ni Ezekiel.

"Ang tagal niyo lalo na ikaw," turo niya sa'kin. Sinipa ko siya sa paa ngunit nakaiwas ang bubwit.

"Sisipa na ngalang bigo pa!" Papatulan ko pa sana ng sikuhin ako ni Exodus. Pasalamat siya nandito si Exodus kung hindi naku, mawawala talaga ang kagwapuhan niyang namana sa'kin.

Hindi palang kami nakakaabot sa mansyon ay tanaw na ang nakahilerang mga karwahe sa harap at kilalang kilala ko kung sino ang nagmamay-ari.

"Bakit nandito ang Reyna ng Zeria? Maaga pa para bumalik siya agad galing sa kasiyahan na nagtapos kaninang madaling araw."

"Maaaring may mahalaga silang pag-uusapan ni Ama."

Pagpasok namin ay sinalubomg agad kami ni Flynn. Ngunit ang malawak kong ngiti ay nawala ng makita ang hindi magandang timpla ng kaniyang mukha.

"May nangyari ba?"

Hindi siya makasagot at umiwas ng tingin. Hindi ito maaari, patakbo akong natungo sa kaniyang silid kung saan ako dinala kagabi ng aking mga paa. Wala kahit anino man lang niya doon.

"Sino ka?" Napalingon ako sa taong nasa pinto na walang iba kundi si Claudia na namumugto ang mata.

"Ako ang kabiyak ni Arzena. Nasaan siya? Saan siya nagtungo?" Nag-iwas siya ng tingin.

"Genesis!" Biglang lumitaw si Tatiana ang Prinsesa ng Zeria.

"Sumunod ka may mahalagang pag-uusapan."

Tinungo namin ang silid-aklatan at nakaupo si Ama at ang iba sa mahabang mesa.

"Patawad kaibigan dahil hinayaan namin siyang umalis at nagtungo sa lugar na nasa kamay ngayon ng mga rebelde," giit ni Flynn

Napanting ang aking tenga. "Ano ang ibig mong sabihin?"

"Kararating lang ng Reyna at binalita ang nangyari ngayon sa Peoria at huli na dahil nakalabas na sa hangganan si Arzena."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa masamang balitang ito. Mabilis akong lumabas ngunit may humarang sa'kin.

"Ama."

"Ibalik mo siya dito Genesis, ibalik mo siya ng buhay." Tumango ako bago naglakad papalayo.

Pagsakay ko sa aking kabayo ay ang paglabas ng aking dalawang kapatid. "Kailangan mo ng kasama?" Sabay nilang tanong.

"Kung kaya niyong habulin ako."

Mabilis kong pinatakbo ang kabayo at hindi man lang sila hinintay. Nasa kagubatan na kami papuntang Peoria nang marinig malakas na sigaw.

"Ahhh!"

"Arzena!"

"Sigurado ka bang si Arzena iyon?"

"Malakas ang kutob kong siya iyon."

Sinundan namin ang boses hanggang sa nadatnan nalang namin siyang walang malay na nasa ilalim na ng puno habang pinulupot ng malaking ahas ang kaniyang katawan. Kinuha ko ang aking espada at walang pagdadalawang-isip na pinatay ito. Natapon ang ulo ng ahas, hindi pa ako nakontento at binagsakan ito ng malaking bato. Nilapitan ko ang walang malay na katawan ni Arzena. Hinawakan ko ang kaniyang pulsuhan at mahina ang pagtibok ng kaniyang puso.

"Isang mapanganib na ahas ang kumagat sa kaniya na may dalang nakakamatay na lason." Napakuyom ako sa isiniwalat na impormasyon ni Ezekiel.

"May alam ka bang paraan upang makuha ang lason?"

"May nabasa akong halamang gamot ngunit hindi ako sigurado kung may ganoong uri ng halaman dito. Mag iikot ako sa paligid."

Sa kaniyang pag-alis ay lumapit sa'kin si Exodus. "Kukuha ako ng tubig at panggatong ikaw nalang muna ang magbabantay sa kaniya. May alak ako dito gamitin mo para masipsip kahit papaano ang lason."

Arzena nagmamakaawa akong lumaban ka at huwag mo akong iwan sa ganitong paraan.


SA paglipas ng ilang araw ay unti-unting umayos ang kaniyang kalagayan.

"Genesis," lumingon ako sa kararating na si Exodus.

"May masamang balita, nagkawala ang dalawa nating kabayo at may dumating na sulat."

Inilabas niya ang liham. "Galing ito kay Ama at nais niyang umuwi tayo agad sa madaling panahon."

"Bakit?"

"Hindi niya isinambit sa liham."

"Paano tayo makakauwi ng mabilis kung isa nalang ang naiwang kabayo. Kailangan nating dalhin si Arzena."

"Hindi natin siya madadala."

"Nais mong iwan siya dito habang nag-aagaw buhay!" Hindi na ako nakapagtimpi sa walang kwenta niyang sinabi.

"Hindi naman sa gano'n, pero wala na tayong ibang paraan pa." Hindi na ako nagdalawang-isip na masuntok siya sa mukha hanggang sa nagpalitan na kami ng suntok.

"Tumigil kayo!" Inawat kami ni Ezekiel at pinalayo sa isa't-isa.

"Genesis, mas mabuti iwan natin siya dito. Huwag nating ipilit ang taong gustong lumayo. Isa pa kung mahal kaniya siya mismo ang lalapit sayo. Magugulat siya o mas lumala ay mas lumayo ang kaniyang loob sayo kung ipipilit mo siyang dalhin pauwi na hindi niya gusto. Malakas naman ang kutob kong bukas o susunod na araw ay babalik na ang kaniyang sigla at gigising."

Hindi ako nakapagsalita sa sinabi ni Ezekiel.

"Ayaw kong umapak siya sa Peoria."

"Magiging ligtas naman siya kung susulatan mo ang Hari na abangan ang kaniyang pagdating."

Wala na akong nagawa naghanda ng umalis ngunit bago lumisan ay inayos at inihanda ko ang lahat ng kailangan ni Arzena mula sa pagkain at gamot. Inihanda ko narin ang mga panggatong para hindi siya lamigin.

"Genesis halika ka na."

Lumapit ako kay Arzena at hinalikan siya sa noo.

"Babalikan kita, mahal ko."

THE ROYAL DECREETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon