Taong 1839
KASING-AGA ng sikat ng araw ang pambulabog ni Mama sa aking silid. Hindi alintana na maaari niyang magising ang kambal sa lakas ng kaniyang boses. Sinabayan pa ng mga tagasilbi na todo suporta sa kabiliwan niya.
"Arzena, ilang araw nalang!" Para yatang siya pa ang magiging legal kaysa sa'kin. Tumatalon pa siya habang kinikilig.
"Alisha, ang aga pa para gisingin mo si Arzena." Nakatayo si Papa sa pintuan habang umiiling sa kabaliwan ng kaniyang asawa.
"Hindi ka ba masaya na magiging legal na ang ating anak at makikilala na niya ang magiging kabiyak niya habangbuhay?" Masamang tingin ang tinapon ni Mama sa kaniya.
"Masaya ako, pero ang sa'yo parang ikaw pa ang maglalabingwalo sa inakto mo."
Nilapitan niya si Papa at tinulak ito papalabas ng kwarto at padabog na isinara. "Ngayon saan ako magsisismula?" Ngiting matagumpay at malademonyo ang makikita sa kaniyang mukha na ikinataas ng mga balahibo ko.
Nakasimangot akong nakaupo sa harap ni Mama habang abala siya sa pag-aayos ng mga gamit. Mas nagagalak pa siya kaysa sa sa'kin, may isang linggo pa naman bago ako maglalabingwalo. Matagal na niyang hinihintay simula pa noong ako'y lumabas sa mundong ibabaw. Ilang milyong beses na niyang ipinaalala ang darating na araw sa buong buhay ko.
"Kailangan na magkaroon ka ng dobleng pag-aaral sa maayos na pagkilos at iba pa. Magpapadala ako ng liham sa iyong guro mamaya." Napairap nalang ako ng palihim sa sinabi niya.
Simula noong ako ay magkaisip palagi niyang pinapaalala ang mabuting kilos at ayos ng isang babae. Pinapangaralan kung paano maglakad paulit-ulit nalang. May patpat pa siyang dala palagi para pampalo kapag nagkamali ako. Kapag nagbibihis kailangang higpitan ang paha o corset para gumanda raw ang kurba ng katawan. Ang hirap kayang huminga.
May sesyon ako araw-araw na lalagyan ng ilang libro ang ulo at maglalakad sa buong mansyon. Sinong taong baliw ang gagawin 'yan? Palagi niyang pinapalo ang hita ko kapag nagkakamali ang posisyon sa pag-upo at ang pagkaway sa tao ay may maayos at tamang paraan din.
"Magkakaroon tayo ng pang-araw-araw na pag-aaral sa maayos na kilos sa hapagkainan, doon ka kasi burara." Mas lalo akong napasimangot habang nakatingin sa kaniya.
Ang tinuro niyang maayos na kilos sa hapagkainan, hindi ako sanay sarap magpakamatay. Ang pakiramdam na takam na takam ka ng kumain, tapos itataas ang isang paa at ipapatong. Pero kapag nandiyan siya halos manginig ang paa ko para lang hindi tumaas at pumatong sa upuan. Minsan narin niya akong tinali kapag nasa hapagkainan para masanay raw ang katawan na hindi nakakuba kapag kumakain. Dapat pa na nakatikom ang bibig ko kapag ngumunguya. Gusto ko may tunog at bumubuka para lasap na lasap.
Ang mga kubyertos na nakalapag sa mesa ay iba-iba ang klase at haba. Minsan nalilito ako kung alin ang gagamitin doon, pwede naman na kutsara at tinidor lang, iyan naman ang pangunahing ginagamit. May arte pang dala kailangan talaga may serbiliyeta sa kandungan, pwede namang sa kamay nalang ang gamitn, tapos kailangan pa na may arte pagpunas, sarap kitusan ni Mama ang daming naiisip.
"Pagsasabihan ko narin ang Papa mo na ipapaalis na kita sa pag-aaral mo sa pangangabayo. Hindi naman iyon masyadong mahalaga lalo na sa mga kababaihan. Marami ka ng kasalanan sa rancho, hiyang-hiya na ako sa guro mo." Kasalanan ko bang ang daming kaartehan ng tunay na babae
"Ayaw ko."
"Wala ka ng magagawa, desisyon ko ang masusunod." Mas lalong tumaas ang nguso ko kaya tinapik ako ni Mama. Pangangabayo pa naman ang pinaka paborito ko.
Kapag nag-eensayo sa pangangabayo, dapat ang mga babae ay hindi pwedeng patakbuhin ang kabayo. Dapat naglalakad lang ito para ipakita ang pagiging mahinhin. Minsan naiinggit ako sa mga lalaki, may karera pa silang nalalalaman kaya lumalabag ako at nakikisali sa kanila. Paano nalang kung may digmaan? Dapat parin ba na mahinhin paring kumilos sa kalagitnaan ng awayan ng magkabilang kampo? Malamang dapat alam mo rin paano patakbuhin ng mabilis ang kabayo.
BINABASA MO ANG
THE ROYAL DECREE
Historical FictionIt's an Era of arts and beauty, with golden crowns and throne, fancy gowns, and social standing matters the most. But behind the mask of a girl named Arzena Atria Parvati, born having a scar on her face that makes her feel unwanted, shows that crown...