ANIM na buwan na ang lumipas matapos daw nila akong makitang duguan at kakagaling lang sa paglibing ng buhay. Ikinataka lang nila kung bakit nakaahon ako, wala namang tao sa paligid para muli akong kunin sa ilalim ng lupa. Isang buwan na walang malay at dalawang buwan na nakaratay lang sa higaan.
Nasa kamay ako ng dalawang mag-asawa na nakatira sa bundok. Hindi nila alam kung anong gagawin nila sa'kin pero ginawa nila ang kanilang makakaya para magamot ako.
Hanggang ngayon ay patuloy paring humihilom ang mga sugat ko lalo na sa ulo na may malaking tama. Sabi ng manggagamot na maaaring ito ang dahilan bakit nawalan ako ng alaala ngunit sinisigurado naman niya na hindi naman daw ito panghabangbuhay. Maaari pang bumalik ang mga alaalang iyon.
Patuloy paring pinapagaling ang kaliwa kong braso kung saan natamaan daw ng palaso. Hindi ko nagagamit ang kanan kong kamay at magagaan lang ang pwede nitong dalhin. Mga ilang buwan pa bago ito tuluyang humilom.
Humaba narin ang buhok ko, paggising ko kasi matapos ang isang buwan na walang malay ay parang pareho kami ng buhok ni Lolo Peter, ang nagkaiba lang ay namumutiktik na sa puti ang buhok niya.
Sa pagising ko ay ilang araw din akong umiiyak at nagkulong sa kwarto. Hindi ko maintindihan ang sarili. Palagi ko silang tinatanong kung kilala ba nila ako? Kung ano ang aking pangalan ko? Ngunit hindi nila masagot.
Wala akong maalala sa nakaraan ko. Maraming mga tanong na naglalaro sa aking isipan, patagal nang patagal sila ay padami nang padami. Ang mas ikinataka ko ang malaking peklat sa aking mukha. Giit nila ay nasa mukha ko na ito nang matagpuan nila. May aksidente bang nangyari sa'kin noon kaya nakuha ko ang bagay na ito? Mas lalong pinapasakit nito ang ulo ko kaya pinayuhan nila akong dalawa na huwag munang isipin ang mga bagay-bagay sa nakaraan at isipin nalang ang kasalukuyan.
Marami akong nalaman sa kanila at mga bagong aral na parang nasa aking utak noon at ngayon ay bumabalik na. Ikwenento nila sa'kin kung paano naging matagumpay ang paglusob ng mga sundalo ng tatlong kaharian sa Peoria. Walang nasugatang sibilyan at sa huli tuluyang nabawi ng Royal Kingdom ang Peoria sa kamay ng mga rebelde. Napansin din ng mag-asawa na hindi parin naging masaya ang apat nakaharian sa nakuhang tagumpay dahil narin may importanteng mga tao ang namatay.
Pinaalala nila sa'kin ang tungkol sa bansang ito at iilang aral na natutunan nila noong hindi pa sila naging tagalabas.
Malayo ang kanilang tahanan sa mga tao at sa apat na kaharian. Sabi ni Lola Carmela, magulo ang buhay ng apat na kaharian. Ang mga tao ay naghahangad parate ng kapangyarihan, gahaman sa mga salapi at nakakalimutan na ang magpsalamat sa Diyos. Naging maayos na raw ito matapos ang digmaan. Inalis ang mga kurakot na tao sa kaharian at pinalitan ng mas marangal at may paninindigan sa buhay. Ilang buwan narin na naging payapa ang buong bansa. Ang laki ng pagbabago at naging bukas ang apat na kaharian sa mga tagalabas at naging pantay ang tingin ng bawat isa sa kanila. Minsan napapangiti ako sa kwenento niya tungkol doon, parang may malaki silang parte sa'kin.
Tinanaw ko ang malawak na lupain, mula nang magising ako ay hindi na ako nagbalak pang hanapin kung sino talaga ako. Masaya naman ako sa dalawang taong nag-alaga sa'kin.
"Claire, bumaba ka na dito at para mapitas na natin ang mga prutas!" Rinig kong sigaw ni Lolo Peter sa ibaba ng puno.
Binigyan nila ako ng pangalan na ikinagalak ko sa unang pagkakataon, na hindi ko na iisipin kung ano ang totoo kong pangalan.
"Saglit lang po!" Tuluyan ng bumaba sa napakataas na puno.
Isang malakas na batok ang natanggap kayo Lolo pagharap ko sa kaniya.
"Kanina ka pa namin hinahanap, nandyan ka lang pala," reklamo niya at naglakad papalayo. Hinabol ko, siya at yumakap sa kaniyang braso.
"Nagpapahangin lang naman Lo," paliwanag ko.
BINABASA MO ANG
THE ROYAL DECREE
Historical FictionIt's an Era of arts and beauty, with golden crowns and throne, fancy gowns, and social standing matters the most. But behind the mask of a girl named Arzena Atria Parvati, born having a scar on her face that makes her feel unwanted, shows that crown...