"Ako si Arzena Atria Parvati Renialdi, ang Kataas-taasang Reyna Royal Kingdom."
"Ako si Genesis Caleb Renialdi, ang Kataas-taasang Hari ng Royal Kingdom."
Ngumiti kaming nagtitigan ni Genesis bago kami sabay na nag anunsyo.
"Nais naming ianunsyo ang pagwala at pagbago sa batas ng ating bansa. Lahat ay may kalayaan ng hanapin ang kanilang kabiyak kailan man nila gusto sa oras na tumuntong ng labing-walo. Wala ng paghahatol at pagpapalabas sa mga taong pinagkaitan ng tadhana. Lahat ng tagalabas ay maaari ng bumalik sa kanilang dating kaharian."
Nagpalakpakan at naghiyawan ang lahat ng tao.
Nakangiti akong napalingon sa aking Hari habang hawak ang aking kamay. "Nagawa narin natin."
"Masaya ako sa desisyon nating dalawa." Ngumiti kami sa lahat ng tao, ang matagal nilang hiling ay natupad na rin.
"Sana sa ginawa nating pagbabago ay hindi makakadulot ng malaking digmaan."
"Alam nating ito ang makakabuti sa lahat lalo na sa paparating nating tagapagmana."
Hinawakan niya ang malaki kong tiyan at ilang buwan nalang maisisilang ang bagong tagapagmana ng susunod na henerasyon.
"Kamahalan, nakahanda na po ang silid para makausap siya."
Pareho kaming napalingon ni Genesis nang dumating ang Mayordoma.
"Susunod kami."
"Paano kun-"
"Makinig lang tayo sa kaniya," pigil niya sa'kin.
Mahina akong napatango at naglakad kami papunta sa tinuturong silid. Sa pagbukas ng pinto, siya ang una kong nakita. May kadena ang kaniyang paa at kamay habang nakaupo. Buhay nga naman, kahit sinaksak niya ang kaniyang sarili walang epekto ito para bawian siya ng buhay. Kailan pa niyang pagbayaran ang lahat ng kaniyang ginawa.
"Maraming salamat at pumayag kanang paunlakan kami para makausap ka."
Gusto kong magsalita at sigawan ang babae na nasa harapan ngunit ayaw kong maging dahilan ito ng hindi namin pagkakaintindihan ni Genesis. Sa aming dalawa ako ang mainitin ang ulo, siya naman ang palabiro at kalmado lang.
"Alam kong gusto niyong humingi ng kalinawan kung bakit humantong sa ganito ang lahat." Lumingon siya sa'kin at sa isang iglap nakaluhod na siya sa aking harapan.
Hindi ko inaasahan na ganito ang una niyang gagawin.
"Patawad sa aking kataksilan."
"Emila."
"Alam kong kulang ang kapatawan na hinihingi ko sayo dahil ang nararapat sa'kin ay kamatayan. Kung iyon man ang hatol ay lubos ko itong tatanggapin. Ngunit sana marinig niyo ang mga dahilan bakit ko nagawa ang mga bagay na 'yon."
Pinunsan niya ang kaniyang umaagos na luha bago nagsalitang muli. "Ang aking pamilya ay lumaki sa labas, kahit ang Peoria ay hindi pa tumatanggap ng mga tagalabas ng mga panahon na iyon. Labis ang aming paghihirap at gutom na naranasan. Ang aking mga magulang ay pinatay ng dating Hari ng Zeria dahil nagnakaw siya ng prutas. Isa bang kasalanan na ang nais lamang nila ay mapakain ang buo pamilya na kumakalam ang sikmura?"
Pareho kaming hindi makasagot ni Genesis.
"Nang mawala silang dalawa, bilang pinakamatandang babae kailangan kong itaguyod ang mga batang kapatid. Ang Kuya ko ay walang ginawa kundi sumapi sa samahan na nais lang ay maging isa ang lahat at mapabago ang batas. Nang maraming namatay na sundalo sa Valeria dahil sa paglusob ng ilang mga tagalabas. Maraming nadamay at nadampot nila. Ginawa kaming alipin ni Haring Venedict, pinahirapan bilang kabayaran sa nawalang buhay na hindi naman namin kasalanan. Ngunit ang mas masakit ay magahasa ng ilang beses sa kaniyang kamay, hindi lang ako kundi mga maliliit kong kapatid na babae at mga kasamahan ko."
Napatakip ako sa aking bibig, hindi ko akalain na ganito kasakim ang totoo kong Lolo.
"Sa labis kong galit ay nilason ko siya kasama ang kaniyang pamilya. Ngunit hindi ko kayang patayin ang walang kamuwang na kambal. Tao rin naman ako at may konsensiya rin. Dinala ko sila sa isang malaking mansyon na mabubuhay sila marangya sa dalawang magkabiyak na hindi nabiyayaan ng anak."
Gano'n pala ang nangyari kaya dumating si Mama kay Lola Wehina.
"Ilang taon din kaming naghirap bago naging bukas ang Peoria sa mga tagalabas. Bago ako naging tagapagsilbi ay binenta ko pa ang aking katawan para may maibuhay sa aking mga kapatid hanggang makilala ko ang asawa ni Haring Gregor. Naging mabuti sila sa'min at hindi ko napansin nahulog na pala ako kay Haring Gregor dahil sa kaniyang kabutihan. Ilang pagkakataon ko siyang inakit ngunit mas mahal niya ang kaniyang asawa. Nagkaroon ako ng pagkakataong makakuha ng liham galing sa aking pamangkin na si Darwood na iisa-isahin nila na pabagsakin ang bawat kaharian. Naging kasama nila ako sa plano lalo na ng bihagin ang Reyna at ang mga anak nito. Pero bigo parin ako sa pagkuha ng pag-ibig ni Haring Gregor. Mas lalong nandilim ang puso ko at nagawa nagawa ang lahat ng 'yon. Kung tutuisin ako naman ang utak ng lahat ng plano. Galamay ko lang si Haring Herrondale at ang iba pa. Ang aking Kuya na siyang tumalikod sa'kin, na sa huli siya rin ang dahilan ng pagbagsak, si Pollo."
Magkapatid pala sila ni Ginoong Pollo. Napalingon ako kay Genesis na seryosong nakatingin kay Emila na nanatiling nakaluhod sa aking harapan. Nais ko siyang ipaupong muli sa kaniyang upuan ngunit hindi ko hindi ko kayang magsalita habang pinipilit na intindihin lahat ng sinabi niya.
"May panahon na nais ko ng sumuko ngunit hawak ni Herrondale ang mga kapatid. Kaya't napilitan akong gawin ang lahat para mapagbasak kayo. Hindi inaasahang matapos ang digmaan nabalitaan ko nalang na patay na sila at sinisisi ko kayo. Isa-isa kong pinatay ang bawat taong naging parte ng aming samahan, mula sa mga tagapayo ni Haring Philip at marami pang ibang taong naghahangad ng trono sa bansa at sumunod si Herrondale. Hindi siya nagpakamatay ngunit pinatay ng sarili kong kamay." Tumitig siya sa madungis niyang kamay.
"Marami na akong pinatay na tao hindi man direkta sa aking kamay ngunit ako naman ang nakaisip. Humihingi ako ng pabor na ako'y bitayin kahit sa harap nilang lahat."
Napahawak ako sa kamay ni Genesis. Hindi ko alam kung ano ang naglalaro sa isipan niya ngayon. Ayaw kong bitayin si Emila ngunit humihingi siya ng pabor. "Genesis."
Tumayo siya at inalalayan si Emila. "Hindi ko magagawa ang iyong hinihinging pabor. Alam ko rin na hindi papayag ang aking asawa," lumingon siya sa'kin, ngumiti. "Hindi solusyon ang pagbitay sayo Emila. Kung nais mong mapatawad ka ng lahat dapat mong pagsisihan at makonsensiya para makuha mo ang hinihinging katahimikan ng iyong kalooban. Ipapadala kita sa bahay nila Lola Carmela at Lolo Peter, maaari ka nilang tulungan sa maayos na paraan. May makakasama kang dalawang kawal para bantayan ka. Kung maayos ka na doon kalang bumalik dito at humingi ng kapatawan sa lahat."
Hinila ako ni Genesis matapos ang kaniyang hatol habang iniwan namin si Emila na nakasalampak na sa sahig habang umiiyak. Sana sa paraang ito mapatawad niya rin ang kaniyang sarili.
"Para akong nabunutan ng huling tinik sa aking dibdib."
Ngumiti siya. "Ayaw kong lumabas ang panganay natin na may bagay na hindi pa tapos."
Hindi na ako magugulat kung paglabas palang ng anak namin ay mas gugustuhin nitong makasama ang kaniyang ama kaysa sa'kin.
"Genesis, paano kung hindi tayo maging mabuting pinuno ng bansa?"
"Arzena, lahat ng tao iba-iba kaya maaaring hindi lahat maging masaya sa ating pamumuno. Ang mahalaga nasa tama tayong daan na alam nating makakabuti sa lahat."
Niyakap niya ako ng mahigpit sa ilalim ng buwan. Kung noon bawat tanaw ko sa kalangitan nag-iisa lang ako ngunit ngayon kasama ko na siya
"Mahal Kita."
"Mahal na mahal rin kita."
*****
June 11, 2018
BINABASA MO ANG
THE ROYAL DECREE
Historical FictionIt's an Era of arts and beauty, with golden crowns and throne, fancy gowns, and social standing matters the most. But behind the mask of a girl named Arzena Atria Parvati, born having a scar on her face that makes her feel unwanted, shows that crown...