One.

853 22 3
                                    

Prologue:

Ako nga pala ay isang Celestial Spirit. Trabaho ko ay magbantay ng mga taong nanganak sa inatasang buwan sa amin ng diyosa. Ang inatasang buwan sa'kin ay Abril hanggang Mayo.

Ako nga si Taurus. May sungay lang ako na parang toro sa aking ulo, ngunit hindi ako mukhang toro. Sa totoo lang, ang gwapo ko kaya. May bisig at mukha ako na katulad sa mga lalaki.

Mula sa pagkakaupo ko sa ulap, napatingin ako sa isang babaeng nakabestidang asul na may hawak na sanggol na natutulog sa kanyang bisig. Ngumiti ako sa aking sarili.

Parang kailanlang.

"Sino ba yang tinitignan mo?" Tanong ng babaeng katabi ko sa pag-upo.

Tulad ko, ang babaeng ito ay isang Celestial Spirit. Siya si Aquarius. Mukhang tubig ang kanyang buhok na bumabayo sa hangin. May ilang kaliskis siya sa kanyang mga braso. Dapat nasa katubigan na siya sa palasyo ng diyosa, ngunit minsan may pagkatigasin rin ito ng ulo. Lagi itong buntot ng buntot sa'kin. Kung hindi sa'kin, edi don kay Leo.

Napatingin tuloy ako sa buntot ni Aquarius. Magaling ito magteleport ngunit hindi naman ito nakakalakad. Kaya minsan natatakasan ko siya. Buntot isda kasi. Hehehe.

"Ah, siya pala yung binantayan natin noon." Nakasimangot kong tugon kay Aquarius.

Namilog ang kanyang mata at napatingin rin siya sa babae, kaya bumalik ang tingin ko sa kanya. Habang hawak-hawak niya ang sanggol ay hindi ko maiwasang mapansin ang lumiliwanag na gintong singsing sa kanyang palasingsingan. Ang ganitong uri ng singsing ay hindi nakikita ng mga tao, kundi kami lang na mga Celestial Spirits.

Ang babaeng yan ay lumabas sa tiyan ng kanyang ina na may ganyan na sa kanyang daliri. Ang may ganyan lang ay ang mga Diyos at Diyosa na nalilingkuran namin.

Suminghap si Aquarius, "Parang kilala ko yan ah... 'di ba siya ang babaeng may kakaibang tadhana?"

Tumango lang ako at nilukbutan ang aking mga labi. Naalala ko ang mga nangyari sa'kin noon. Imortal man kaming mga Celestial Spirits ngunit nakakaramdam parin kami ng sakit tulad ng mga tao. Hindi lang ordinaryong sakit ang binigay sa'kin ng babaeng yan. Nakakastress kaya siya.

"Pwede mo bang ipahiram sa'kin ang bituin niya Parang hindi ko na naaalala kasi?" Tanong niya.

Ngumuso ako. Maganda man si Aquarius pero hindi naman ganon kaganda ang memorya niyan.

"Ayoko nga." Taas kilay kong sambit sa kanya, "Ang haba kaya ng mga nangyari. Baka abutin ako ng ilang taon kakasabi ko sayo sa lahat."

Hinawakan niya ang aking braso, "Sigeee naaaa."

Ang pabebe naman nito. Naalala ko sakanya yung isang isdang nakita ko noon habang nasa mundo ako ng mga tao. Malaki ang mga mata, tas mahaba ang katawan. Parang si Aquarius lang.

"Pangako mo lang sa'kin, na kung ipapahiram ko sa'yo ang bituin niya at simulang tignan ang lahat-lahat, hindi mo na ako guguluhin."

Lumiwanag ang mukha ni Aquarius. "Talaga?"

"Ay hindi."

"Ang gulo mo naman. Sige naaa."

Nakakairita na ang boses niya kaya lumundag ako sa ilang mga ulap hanggang nakarating na ako sa bituin ng babae. Nagteleport lang si Aquarius at tumingala sa bituin. May ilang flashback siguro siyang nakita habang nakatingin rito. Tinaas ko ang aking kamay para bumalik ang mga flashback sa pinakaunang nangyari. Ang misyon ko.

"Sana maalala mo..." Sambit ko, "Ito'y nangyari labing limang taon na ang nakalipas.."

==CHAPTER ONE==

The Second DimensionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon