Twenty.

63 8 0
                                    

"Diana? Diana!"

Nagising ako dahil sa paulit-ulit na tawag ng isang pamilyar na boses sa aking pangalan. Inimulat ko ang mga mata ko.

Umaga na sa battlefield card. Hindi nakakapaso ang araw dahil nasa tapat ko lang si Zean.

He rolled his eyes at me at umupo.

"You're such a sleepyhead." Komento niya nung umunat ako saglit.

I placed down my arms again. Kunot-noo kong hinaplos ang punit sa braso ko.

Teka.. bakit walang sakit?

Tinanggal ko ang mga baging dito. I gasped in surprise.

"Zean? Bakit nawala yung sugat?" Hindi naman talaga nawala yung punit, dahil may namuong peklat dito.

Ilang segundo bago siya sumagot, "Everyone in our kingdom has the ability to heal wounds. Medyo malaki ang punit na nagawa ko, so there's that big scar right there.."

Tipid akong ngumiti sa kanya. His eyes were bright green under the sunlight.

"Salamat Zean."

Tumango lang siya. Malayo ang tingin niya, aakalain mong nag-eemote.

Bumalik na naman yung suplado na Zean. Parang walang nangyari kagabi! Sus!

"Maayos ka na ba?" Taas-kilay kong tanong.

Lumingon siya sa'kin. He looks refreshed. Naninibago ako sa kanya.

"I'm okay. Thank you."

Napag-usapan namin ni Zean na kailangan na kaming makalabas dito. Hindi ko pa ramdam ang gutom sa ngayon.

Ganito ba talaga kabigat ang mga parusa dito sa Serenity High sa puntong kailangan mo pang mapagod at magutom? Haysss.

Pagkatapos ng ilang minuto ay nakita namin si Professor Kennley. Hinatid niya kami sa exit at binigyan kaming dalawa ng libreng almusal. Seeing the food on his table made me realize how hungry I was. Late na daw kami sa first subject namin, pero buti na lang at pinag-alaman niya yung teacher namin na nasa detention pa kami.

Pagkatapos naming kumain ay pumunta muna kami sa dorm. Bumungad kaagad sa'kin ang tuta ko.

"Arf arf!" The puppy seems to know me well kahit na hindi ko siya nakasama kagabi.

Kinarga ko siya sa bisig ko at tinawanan siya. I sighed, "Hey.. na-miss kita.. Inalagaan ka ba nila?"

Tumahol ulit yung tuta.

Ano kaya ang ipapangalan ko sa kanya?

"Is it yours?" tanong ni Zean sa kusina habang kumakain ng Pringles (hindi ko alam na meron pala non dito.)

"Oo.."

"Ano ang pangalan niya?"

Shemay naman! Hanggang sa ngayon ay wala parin akong maisip na pangalan..

The soft crunch of Zean eating Pringles made me think. Hmm...

"Pringles na lang." Hinaplos ko ang malambot na buhok ni Pringles. He wagged his tail at me at tumahol.

Ngumiti ako. Yey! Siguro nagustuhan niya yung pangalan niya!

Kumunot ang noo ni Zean at tinignan niya ulit yung hinahawakan niyang lata. Umismid siya.

"Idiot."

Umiling ako at binalik sa sahig si Pringles. He whimpered.

"Babalik lang ako Pringles ha? Wait ka lang..."

The Second DimensionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon