Thirty-eight.

47 6 0
                                    

EYMIE GIL ANDURA'S POV:

Napa-"Omaighad" na lang ako dahil sa lamig na naramdaman ko sa aking likuran.

Unti-unti akong dumilat at narealize ko na humihiga pala ako sa malamig na sahig. Dumaing na lang ako nung narealize ko rin na may masakit sa may tiyan ko kaya hindi ako makaupo.

Nasan ako? And what is this odd place..

"Dianaaaa? Meredithhh?" Sigaw ko. Baka nasa Dimension card kami? Nagawa na namin 'to nung nagtraining kami kasama ng mga Sorcerers eh.

"Hey, Diana's friend. Wake up." Napakurap ako sa narinig kong boses.

Hindi lang pala ako rito? Wala pala sina Diana at Meredith?

"Gising naman ako eh." I replied kahit hindi ko pa nakikita ang mukha niya.

Pero mukhang narinig ko talaga ang boses niya.. It's been so long though..

"Urgh, gosh. Can't you see I need your help? We--"

"Hindi nga kita nasi-see eh! Teka muna! Masakit yung tiyan ko!" Pasigaw kong tugon sa mala-sopistikadong boses ni Kathrine O'Dreary.

Unti-unti akong umupo. Naramdaman ko ang kanyang kamay na dumampi sa balat ko. Hinahawakan niya ako. Tinutulungan niya akong umupo.

O.. TO THE.. M TO THE.. G!!

"Let me help you."

Taas kilay ko syang tinignan. Naaamoy ko ang plastic! Pwe!

Pagkatapos nya akong pinaupo ng maayos ay hinampas ko ang kamay niyang nakahawak sa'king mga braso.

"Argh! WHAT WAS THAT FOR?!" Halos mabingi ako sa matinis nyang boses, "If my parents will know about this, for sure--"

I rolled my eyes.

"For sure yang mukha mo!" Pasigaw kong tugon sa kanya, "Wala akong pake kung prinsesa kang hinayupak ka!"

Umawang ang bibig niya at hindi na umimik pa muli. Bakas sa mukha nyang naghehesitate siya. Edi pake ko? Sa dami-dami nung ginawa nya sa'min ni Diana at Meredith? Haysh!

Nilibot ko naman ang tingin ko sa kabuoan ng lugar. Gray ang mababatong pader. The floor had gray bricks too. Walang kahit isang furniture na makikita dito. Maliit lang ang bintana at may rehas pa.

Mukhang gabi pa.

Malamig rin rito.

Nagugutom rin ako.

Hindi ko nga alam kung nasan ako--kami.

Hindi ko maalala ang huli kong scenario sa Serenity High. Naguguluhan nga ako kung bakit ako nandito kasama si Kathrine O'Dreary..

"Hey.." She called. Hindi ko lang siya pinansin at niyakap na lang ang mga tuhod ko.

Juskolerd, mukhang naiiyak na ako. Saan na ba kasi ako?

"I'm really sorry sa mga pinanggagawa ko.. you know? I admit it's really immature--"

"Buti na lang at alam mo.."

She paused, but continued, "You people are rather lucky to be with the Zeroes, even for the bitter fact that you don't have the position to be in their level. I mean, look.. Ako naman ay isang prinsesa.. and Berthud is also a prince.. Ilang taon na rin eversince I tried my best to be close with Berthud, pero wala pa rin eh. I'm mad for the fact na kahit you don't have the position, you can still be with him, while I can't. It made me feel so worthless most of the time.." Narinig kong pumiyok ang boses niya kaya inangatan ko na sya ng tingin.

The Second DimensionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon