Nagising ako dahil sa ingay ni Eymie. Lagi kasi niyang pinapalo ang isang frying pan gamit ang isang laddle habang nagmamartsa. Kumunot ang noo ko at umupo ako sa kama. Patuloy niya paring pinapalo ang frying pan kahit gising na ako.
"Si Berthud ang nagluto ng almusal." Emotionless na sabi sakin ni Meredith habang nagtotooth-brush. Dapat na siguro akong masanay sa poker face niya, "Ikaw nalang ang hindi nakakain. Kumain ka na raw, sabi ni Berthud."
"Ah ganon ba? Salamat." Sambit ko sabay tayo para bumaba na. Pero bago ko pa naman hawakan ang door knob, may biglang pumasok sa isip ko.
Iiwasan ko pala sila, bakit pa ako bababa?
"Uhm, Eymie? Tumigil ka nga." Mukhang hindi niya ako narinig. Hanggang ngayon kasi, panay ang palo niya sa frying pan, "Eymie! Tumigil ka nga!"
At tumigil siya. Ngumiti siya sakin tsaka nagpeace sign, "Sowee. Eto na, tumigil na ako."
Nagsalita ulit si Meredith, "Diana, bumaba kana. Hinihintay ka nila."
Bumuntong hininga ako at tumingin ako sakanya.
"Hindi pwede," Sambit ko, "Samahan mo nalang ako kung ganon, please."
Tumango siya at sabay kaming bumaba. Nakita ko silang apat sa table, nakasuot na sila sa kanilang mga uniform. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila. Nung nakita nila ako, tumigil sila.
Hindi ko sila pinansin at kinuha ko ang plato ko na meron nang lamang pagkain. Umupo ako sa sofa sa living room para don nalang kumain.
"Diana?" Lumingon ako, si Coshar pala, "Bakit ka nandito-"
"Bakit, hindi pwede?" Sabi ko sabay irap.
Alam kong anak siya ng duke at dukesa, pero wala akong paki. Kailangan ko lang silang iwasan, para hindi na ako sumikat. Baka kasi yun ang laging dahilan kung bakit ako dadalawin ng mga problema. Lalo pa't bago lang ako rito.
"Uhm, alam mo.." Umupo siya sa tabi ko, "Sasamahan ka namin papunta sa classroom.. kung gusto mo.."
"Hindi, salamat na lang," Sambit ko, "Mas mabuti pa yon, para hindi na ako mamakukutya ng mga kaklase natin."
"Pero--"
"Sasama ako kina Eymie at Meredith."
Tinignan niya ako na para bang may gusto pa siyang sabihin, pero tumalikod na siya para bumalik sa kanilang table.
Patuloy lang akong kumain, tapos nagmadali akong naligo sa bathroom, tas nagbihis rin. Paglabas ko, wala na yung apat. Si Eymie na lang at Meredith. Bubuksan ko sana ang bibig ko, pero inunahan na ako ni Eymie na magsalita.
"Nauna na sila sa classroom." Sabi niya sabay hila sa aking kamay, "Dali na! Mahuhuli na tayo!"
"Pero hindi pa ako nakapagpulbos.." Mahinang sabi ko.
"Eh? Maganda ka parin kapag hindi ka nagpepersonal-hygeine diyan. Ang mature masyado!"
Nag-pout ako. Naglalakad kami sa corridor. May mga ibang estudyanteng kaedad ko na naglalakad papunta sa parehong direksyon- baka papunta rin sila sa classroom.
Nung nakarating na kami sa classy naming classroom, umupo kaming tatlo sa likod. Ako sa may bintana, si Eymie sa tabi ko, tsaka si Meredith naman sa tabi ni Eymie.
Kung kanina ay ang ingay-ingay, ngayon, nagsimulang tumahimik nang kaunti. Narinig ako ng mga bulungan. Some were even pointing at me. Yung iba naman, lumilingon tsaka balik chika sa kani-kanilang mga kaibigan. Umirap ako. Marami-rami din kami sa klase.. 40 ang estimated count ko. Meaning, most of them ay mga tsismoso't tsismosa.
BINABASA MO ANG
The Second Dimension
FantasyDiana's life revolved on the ordinary until she discovers that it wasn't after all. - Start: 2014 Published: 2016 Edited: 2019 Republished: 2020