Eight.

75 10 0
                                    

Nung nagbell na, pinasa na namin ang mga parchments. Mejo "sira" yung sulat-kamay ko sa papel kasi hindi ako sanay gumamit ng quill. Isang paragrah nalang sana, natapos ko na yung essay.

Pumunta kami nina Meredith at Eymie sa Pasillo de Grande para magbreak. Nakita ko yung Zeroes sa pinakaunang parte ng table. Kaya umupo na lang kami sa pinakadulong parte.

Ang magical talaga ng Pasillo kasi may mga nakahanda nang plato, mga utensils at pagkain sa lapag. Mostly, finger food ang makikita ngayon. Mukhang masasarap silang lahat. Kumuha ako ng tatlong club sandwiches at--sa pagkakagulat ko--may laman palang juice ang baso ko. Kaya sumipsip na lang ako ng juice sabay kain. Grabe kasi yung unang dalawang oras ng first day ko rito, ang pressured na! Idagdag pa yung Kathrine na yon.

Nakipagkwentuhan kami nina Eymie at Meredith. Pero mostly, si Eymie yung nagsasalita. Kinwento ko sa kanila ang tungkol sa mga naiwan kong kaibigan don sa Harvine. Tsaka, sinabi ko rin sa kanila ang tungkol sa suspension ko na hindi naman natuloy kasi enrolled na ako dito.

"Ahh ganon.." Sambit ni Eymie, "Ang swerte-swerte mo bes. Hahahaha!"

I cringed in silence. Mukhang mas mabuti yung suspended ako don sa bahay ni Sir Hayakuno kaysa dito.

"Alam niyo, kada-Disyembre, pwede kayong magsign-up sa Log-out-for-Christmas form ng Serenity. May tsansa kayong makabisita sa mga naiwan niyong kaibigan." emotionless na sambit ni Meredith.

"Mukhang alam mo ata lahat 'Dith eh.." Natatawang sabi ni Eymie.

Tinuro ni Meredith ang sarili niya sabay sabing, "Old student."

Mukhang nabunutan ako ng tinik sa dibdib. Yes!

"Pwede yon?" Tanong ko.

"Oo," Aniya, "Kapag yung level mo sa rank ay lagpas 54."

Malapit ko nang mailuwa ang club sandwich ko. "54?!" Pag-uulit ko.

"Maliit lang yon. Kaya mo yannn..." Tsaka tumapik si Eymie sa balikat ko, "Gagalingan dapat natin yung PPD tests para mas tumaas ang rank natin."

I sighed and smiled. May motivating side rin pala 'to si Eymie eh. Siguro 0 pa yung level ko kasi hindi ko pa nga sinanay yung mahika ko. Ang sad thing pa, hindi ko rin alam kung ano ba talaga yung weapon ko. Sa Warriors ako napadpad eh, so basically mga matatalim na weapon ang sakin.

"Anyway, ano pala ang element mo, Diana?" Tanong ni Eymie.

Inalala ko yung pangyayari don sa sorting room.. "Tubig."

Ngumiti siya,

"Nakita mo naman siguro yung kahapon sa sorting room? Fire yung sakin."

Tumango ako at ngumiti. Hindi na kailangan pang tanungin si Meredith kung ano ang sa kanya.

--

Sinundan namin ang mga kaklase namin papunta sa susunod naming klase, ang Potions. Nung nakarating na kami sa room, amoy palang, nakaka-trigger na ng antok. Tapos medyo malamig din dito sa loob dahil nasa dungeons kami.

So far, ito ang pinaka-weird na classroom kasi instead of torches, nilagyan ito ng scented candles. May mga sari-saring antique na picture frames sa dingding. Tas yung classroom, walang blackboard sa harapan. Isa lang malaking picture frame ang nakalagay. It was a portrait of a man na naka-itim na robes. Medyo sleek ang mukha niya na nababagay naman sa sleek niyang itim na buhok na hanggang shoulder level.

May tatlong long tables sa room, kaya pumunta ako sa pinakahuling table at umupo sa ikalawang upuan sa harap. Si Eymie kasi ang unang umupo eh. Umupo naman sa likod ko si Meredith. Nung na-settle na kaming lahat, biglang gumalaw ang lalaki sa frame. Nambilog ang mga mata ko.

The Second DimensionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon