Forty.

55 6 0
                                    


I woke up the next day getting a note from Kuya Nufierre na kinailangan talaga kaming sumali sa mga klase, para kahit papaano ay mabuhusan ng kaalaman ang mga utak namin.

Kagabi, sa kagustuhan ko na marinig ang pinag-uusapan nina Zean at Kuya Nufierre ay biglang nagglitch ang pandinig ko. Ewan ko lang kung bakit yun nangyari, pero infairness ah, masakit yun.

Minasahe ko muna ang tenga kong sumakit talaga kagabi--tas bumaba na ako sa kusina para makapagbreakfast.

"Pero iba ang mga subjects nila.." Ike said habang nag-uusap sila ni Zean sa kitchen counter.

"May similarity naman eh," Singit ko na ikinagulat naman nila, "Pero hindi niyo maiintindihan ang CLF, Araling Panlipunan at T.L.E."

Nagtinginan naman ang dalawa bago nagtanong si Ike, "Ano ang mga yun?"

"Subjects apart sa Math, Science, English at Filipino sa Serenity High."

"So can we join the other subjects you mentioned?" Tanong naman ni Zean.

Tumango ako, "You should, para malaman niyo ang culture at paniniwala ng mga Chumgrul."

Nagtinginan ulit ang dalawa. Ngumisi lang ako at kumuha ng isang pack ng cookies at freshmilk. Kumain lang ako.

"I think we are the only first years here." Sambit ni Zean na ngumuso kay Meredith.

"Pansin ko lang Diana, bakit hindi kayo nag-uusap non?" Tanong ni Ike habang kumakain ng instant noodles.

Bumuntong hininga ako, biting my last cookie. It's been the 4th day, at wala parin akong courage na humingi ng tawad.

Shems naman kasi!

Zean asked, "Is it personal?"

Tumango lang ako at ngumiti ng konti, "Parang ganun nga."

"It's weird you both aren't talking in this situation. Sana'y magiging okay kayo soon."

Pagkatapos naming lahat magbreakfast ay lumabas na kami. Mas lalo kaming kapansin-pansin dahil kaming lahat ay naka-Civilian.

Saktong nagsimula na ang klase sa classroom na napili ni Zean sa mga Grade 7 ay naghiyawan ang mga estudyante sa loob.

Nakita ko sina Angel at John sa loob! Napangiti tuloy ako sa kanila dahil timing na magkatabi sila! Omg!

Umupo lang naman kami sa likod dahil may nagboluntaryo na kumuha ng extra monobloc chairs.

Lumipas ang ilang oras ng klase. Si Zean lang ang mukhang interesado sa lahat ng pinagdidiscuss sa harapan, samantalang clueless naman si Ike at mukhang walang pake si Meredith.

Ako naman, kahit hindi ko 'to naging classroom ay nasisiyahan ako sa mga naging ganap dito sa buong araw.

Nagkikita lang kami sa iba kapag recess at lunch. Maraming tao sa canteen, ngunit nung sabay kaming pumasok para subukang kumain doon ay agad kaming pinauna sa linya ng mga stall.

The four of us with Zean, Ike and Meredith got to eat together in one table. Nasulyapan ko ang mga babaeng palinga-linga kay Zean. Nagpout na lang ako.

And then an idea struck me.

"Lalabas muna ako."

"You haven't finished eating yet." Mahinang angal ni Zean na agad hinawakan ang palapulsuhan ko.

I pulled my hand away from his' and smiled, "May pupuntahan lang ako saglit."

Lumabas ako sa canteen. Nang makita ko ang usual eating place ng mga kaibigan ko kada lunch ay napatigil ako sa paglalakad.

The Second DimensionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon