Twenty-nine

73 6 0
                                    

"Diana, dito na kayo ni Meredith matulog." Sabi ni Eymie sa'min habang naghahanda siya ng aming matutulugan sa kanyang kwarto. May dalawang futton syang hinanda sa sahig. Tinulungan naman namin siyang kunin ang ibang mga kumot sa kanyang cabinet. Kahit hindi ako sanay na matulog sa sahig ay excited na talaga akong makisama sa pamilya ni Eymie kasama si Meredith dito sa New Celestria.

Eymie's room looks so big and cozy. Yellow green ang pinta nito, at may iilang family pictures siyang nakasabit sa isang bahagi ng pader niya. Puti ang kulay ng mga furnitures niya. Malaki ang vintage window niya kaya kahit nag-iisnow sa labas ay pumapasok parin ang kaunting liwanag na nanggagaling sa langit.

Speaking of snow, hanggang ngayon giniginaw parin ako.

"Heto bes oh, sayo ko muna ipahihiram 'to." Inabot ni Eymie sa'kin ang isang pulang scarf. Napansin niya siguro ako na kanina pang nanginginig.

"Salamuch Eymie!" Ngiti ko sabay yakap sa kanya. She hugged me back.

"No prob!"

Luckily, mukhang apartment type ang hugis ng bahay ni Eymie dahil may negosyo pala ang mga magulang niya sa baba. It's their Andura Cafe. Ngayon, dumito muna kami sa taas dahil maraming tao sa baba, wanna know why? Nagvolunteer ang Zeroes na magtake over sa mga staffs na nagbakasyon ngayong pasko. Kaya pala kinausap ni Berthud ang mga staffs nung dumating kami rito kanina. Bago kami dumito sa taas nina Eymie at Meredith ay naka-uniporme na rin si Zean kaya mas dumami ang mga customers. Ofcourse lagi nila yon magagawa.

Nakita kong pinagpag ni Meredith ang huli nyang unan bago sya nakisali sa'min ni Eymie sa pakikipag-usap. We were talking about how we'll spend today's morning in the city.

"Oh 'Dith, ikaw pala yan." Sabi ni Eymie, "Tara sa syudad!"

"Oo nga Meredith!" Pagsang-ayon ko.

Kumunot lang ang noo niya sa'min.

"Hindi--"

"Sigeee naaaaa!" Lambing ni Eymie sa kanya, "Maghahanap tayo ng winter clothes. Tas magsoshopping tayo, tas kakain--"

Mas kumunot ang noo ni Meredith sa kanya. I think dahil ayaw parin nyang makihalu-bilo sa mga may chumgrul-related stuff kaya ganyan siya.

Nilagay ko ang aking kamay sa balikat niya, "Hindi ka naman naming hahayaan dito mag-isa Meredith eh."

"Sang-ayon ako kay Diana, 'Dith!"

I see her hesitate for a while. Kita mo talagang may rason sya kung bakit ayaw niyang sumama eh, pero kailangan.

"Sige." Lifeless niyang tugon sa'min. Nag-apir kami ni Eymie. Hindi naman pala mahirap kumbinsihin si Meredith.

Bumaba na kaming tatlo, only to be seeing the crowded cafe being managed by Zeroes.

Nakita ko sina Ike, Berthud at Zean na nagbibigay ng mga orders (at nakauniporme pa ah!). Nakita kong tumili ang mga babae sa labas ng glass window nung nakita nila si Ike na ngumiti sa kanila habang naglalagay ng mga inorderng kape saisang sulok. I see Berthud serving cups of coffee to the old women sitting in the other corner of the cafe. Si Zean naman ay mukhang nagbibigay ng mga frappe sa isang table na dalawa ang umuupo. Ang lahat sila, babae ha.

Ngiting-ngiti ako sa mga nakikita ko ngayon, "Mukhang dadami ang sales ng cafe niyo, Eymie!"

"'Namaaan. Hahaha!" Tawa niya. Lumingon sya kay Berthud, "Oy Berthud! Ganda ng buhay naten dyan ah!"

Berthud smiled at her and so to us. Mukhang lumiwanag ang mukha ni Ike nung nakita niyang hila-hila ko si Meredith.

Nakita ko naman sina Coshar at Nate na abala sa counter. Halos lahat ng nandito ay mga babae talaga. Ganyan ba talaga ka sikat ang Zeroes?

The Second DimensionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon