Thirty-six.

44 5 0
                                    

"Eymie?" I knocked on the C.R, nagbabakasakaling buksan ni Eymie ito at mag-explain.

Gusto ko kasi munang marinig ang side niya bago yun kay Meredith. Gusto ko kasing maliwanagan eh, kung totoo ba yung pinagsasabi ni Meredith mula sa kanya.

Narinig ko siyang humagulgol kaya tahimik na lang akong sumandal sa pinto.

"Hey.." Pagsusuyo kong tono, "Alam kong hindi biro ang ginawa ni Meredith sa'yo. I just want--"

"Stay away muna Diana, please." Her voice really sounds weak, "Punta kana kay Meredith."

"P-pero--"

"PLEASE!" Sigaw niya na ikinagulat ko naman.

Buntong-hininga kong hinarap ang mga boys (without Zean and Berthud, dahil nandon siya kasama ni Meredith) na kasalukuyang nakaupo sa dining table. Sinamahan ko silang umupo at umiling.

"Wala parin?" Nag-aalalang tanong ni Coshar.

"Wala."

I see Nate crossing his arms, "Hindi ko gustong makiusosyo, pero mukhang seryoso ang problema na ito."

Ginulo ni Ike ang kanyang buhok, "Kailangan natin ng impormasyon ngunit wala namang nagbibigay." Frustration was in his voice, "At ewan ko lang kung ano ang pumasok sa ulo ni Berthud, kung bakit nandon siya kasama ni Meredith."

I placed my fingers on my chin. Nakapagtataka nga. Kanina, Berthud presented to talk to Meredith. I think naging close na sina Berthud at Meredith simula nung nalason si Eymie.

Napatayo naman kaming lahat nung padabog na binuksan ni Berthud ang pinto ng kwarto. Kasama niya si Meredith na hindi manlang napatingin sa'min.

Bigla ko namang naalala ang nagawa ko sa kanya kanina. Shemay naman. Sana hindi ko na lang yun ginawa.

"GUYS! Emergency!" Mabilis na tumungo rito si Berthud at hinampas ng malakas ang mesa, "Si Zean--"

I stood up, "Ano ang nangyari kay Zean?"

Inayos ni Berthud ang kanyang salamin. Nakakunot ang noo ni Nate na mukhang desperado ring malaman kung ano ang nangyari sa kaibigan niya.

"Aksidente ko siyang nakita habang nakatingin ako sa labas ng inyong bintana, Diana," Tagaktak na ang pawis mula sa noo ni Berthud, "He's.. outside. Nandon siya sa may gubat."

Ano naman ang ginagawa ni Zean sa labas ng ganitong oras? Di ba dapat nandon siya sa tower?

Agad akong tumayo at napatungo sa labas. Hinila ako pabalik ni Coshar na malayo sa manyak ang mukha ngayon.

He looked rather serious, "Curfew ngayon, Diana."

Napatingin ako sa singsing na binigay nina Dos at Tres. Berthud only stared at me with his sad eyes behind his red glasses.

Mukhang alam na niya kung ano ang gagawin ko. Eto ang singsing na binigay sa'kin para walang makakakita sa'kin.

Para maging invisible ako.

"Diana, mag-ingat ka. " Huling sambit ni Berthud bago ako lumabas.

"Fuera de visibilidad."

Unti unti kong nararamdaman ang pagka-invisible. Mukhang nagniningning ang aking buong katawan, kada yapak ko sa malamig na stoned-floor ng walang katao-taong hallway.

I slowly opened the entrance door para walang makarinig sa'kin. I paced off the grounds habang hinahanap kung saan naroroon si Zean.

'Zeaaan!' Tawag ko sa kanya gamit ang mind-link.

The Second DimensionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon