A/N: May mga sariling POV na ang mga idol nyo sa mga susunod na chapters haha!
Sa ngayon, kay Diana muna saglit.
////|||||/////
@Warrior's training grounds.
"Diana, concentrate!" Puna sa'kin ni Professor Gubblehur nung kumalas ang aking espada sa kamay ko.
"S-sorry po."
Huwebes na ngayon, tatlong araw simula nung natulog ako sa mga balakang ni Berthud. Nagising nga akong tulala sa kwarto non. Dinala siguro ako ni Berthud sa kwarto namin.
Oras na ng aming PPD ngayon. Kasalukuyan akong nag-eensayo kasama si Rose. She gave me a worried look.
"Okay ka lang ba Diana?"
Gusto ko mang sabihin na okay lang ako, hindi talaga.
Lumingon ako sa kinalalagyan ni Zean. Nakatalikod siya sa gawi ko. Gusto ko syang tanungin kung may nakapagababag pa sa kanya, pero lagi niya lang ako iniirapan.
Hayssss! Tatlong araw na niya ako iniiwasan! It's making me worried!
I woke up from my reverie nung tinabig ako ni Rose.
"Huy!"
"Okay lang!" Utas ko sa kanya at patuloy ko syang binigyan ng mga blows.
It's been first week of November at gusto ko nang magflashforward ang oras para maging Disyembre na. Gusto ko nang samahan ang mga kaibigan ko sa mall ngayong Pasko.
Pagkatapos ng ilang oras ay natapos ulit sa wakas ang PPD namin. We all ran down the mountain, meeting the sun that's going down too.
Sabay kaming tumakbo ni Rose papunta sa tore ng mga First years at umakyat na sa aming mga dorm. Pagkabukas ko ng pinto sa kwarto namin ay agad akong humiga sa kama.
Hindi ko na ramdam ang nakakasuklam na cramps kada PPD. Mukhang nasanay na akong tumatakbo sa bundok.
Ang lagi ko lang nararamdaman ay pagod.
"Arf! Arf!" Tahol sa'kin ni Pringles. Lumingon ako just to see him beside me.
I brushed his soft fur. Sadyang malambot talaga ang buhok niya..
Nilapit ko siya sa aking bisig at kasama ko siyang natulog.
---MEREDITH FAUREN'S POV
@Fuerza's Training Grounds (Top of West Tower)
"Hoy Meredith ngumisi ka nga! Mas blanko pa yung ekspresyon mo sa assignment ko eh!", utas ni Tike sa'kin.
Oo, yung pangit na Ikeustus Tike. Nag-eensayo kami ngayon kasama ang ibang Fuerza.
Naaasar na talaga ako. Ngumisi? Hindi ko nga magawang ngumiti.
Hindi ko kayang ngumiti.
Tumalon ako para iwasan yung sipa niya. Mabilis akong bumaba para agad sipain yung pangit niyang mukha.
Pero sa kasamaang palad ay agad siyang nakaiwas. Hinila niya yung kaliwa kong paa at binagsak yung buo kong katawan sa matigas na sahig.
Bwiset, ang sakit! Parang gusto nang lumabas ang sikmura ko dahil don!
Hindi ako nagpatinag sa sakit at sinipa ko yung tyan niya gamit ang kanan kong paa. Dahil don ay kumalas siya sa mahigpit niyang pagkahawak sa kabila kong paa.
Ngumisi siya sa'kin at mabilis niya akong sinugod. Sumugod din ako.
Sa ayaw ko ay yung taong hindi matitinag sa lakas ko. Ayoko sa Tike na ito.
BINABASA MO ANG
The Second Dimension
FantasyDiana's life revolved on the ordinary until she discovers that it wasn't after all. - Start: 2014 Published: 2016 Edited: 2019 Republished: 2020