Thirty

67 7 0
                                    

Tinignan ko ang walang malay na si Zean sa dilim. Kasalukuyan kaming nandito sa bodega ng bahay ni Eymie. Kami muna ni Meredith ang naatasang magbantay sakanya dahil busy ang ibang members. Wala rin si Ate Zaye dahil busy siya sa kaharian nila at may importanteng meeting daw ngayon kasama si Kuya Dylan. Si Eymie mismo ang humalili muna kay Zean hanggang sa magclose ang cafe ng 9 PM.

Mahimbing na natutulog si Zean sa sahig. I'm hugging my knees dahil malamig dito at naubos ko ang mga hiniram kong kumot para tumigil siya sa panginginig. Meredith leaned her head on my shoulders at nagpahinga muna. I can hear her silent breaths beside me, and I can hear Zean's too. Mahimbing silang natutulog samantalang kailangan ko namang magising, baka sakaling biglang magwild si Zean.

I can't help but think of those days na wala pa ako rito sa Celestria, na hindi ko pa sila nakilala. I remember Jillian na laging tahimik sa gilid gaya ni Meredith. I remember Krish, Angel at Sussie na laging nakabungnisngis gaya ni Eymie. Si John naman, mukhang may pagkakatulad sa personality ni Berthud pero mas tahimik lang. John is smart kasi.

Naaalala ko lahat ng mga ginagawa namin, lalo na nung grade 6 pa kami at lagi kaming naglalaro sa field. Naaalala ko ang araw na binully si John na "bakla" dahil lagi niya kaming kasama at pinagtanggol namin siya dahil hindi naman yon totoo. Naaalala ko ang araw na umiyak si Krish sa harapan ko dahil pagod na siyang pamunuan ang classroom nila bilang presidente. Naaalala ko ang araw na lagi kaming nagbabasaan sa CR nina Angel at Sussie kahit gumagabi na sa school.

Naaalala ko parin sila. Magpapasko na bukas but I failed to raise my ranks para maka-log in ako sa mga pwedeng lumabas sa kabilang dimensyon. Ranks are a big deal dito sa Celestria. Nasabi yan ni Professor Gubblehur sa mga trainings namin. Ito daw ay dahil dito binabase ang lakas ng isang Celestrian, at kinailangan munang iprove ng isang Celestrian ang lakas niya para handa na siyang pumunta sa kabilang dimensyon. Kahit halfblood o chumgrul na hinandugan ng element ay hindi pinalagpas ng batas na ito. Meron pa sigurong mga hamon na kagaya lang sa mga hamon dito sa Celestria.

Kung tutuusin, lagi naman akong nasasapawan ng iba sa mga trainings ko. Si Rose nga na hinandugan lang ng element ay tinalo ako. Kahit pa naman halfblood ako eh wala naman akong binatbat sa hinandugan lang ng element. Hindi talaga ako naging malakas kailanlang.

"Lagi mong pinagdududahan ang sarili mong kakayahan, Diana."

Kumurap ako nung nagsalita bigla si Meredith sa tabi ko. Can she read minds? Have I accidentally opened my mind link? Ewan ko! Kanina pa ba niya 'to ginagawa!

"Nakuha ko ang kakayahan ko sa inang ko, kaya nakakabasa ako ng isip." Dagdag pa niya as she rubbed her eyes.

I nearly raised my eyebrows, "Isang psychic?"

"Hindi ko alam kung ano yan, pero nakakabasa lang ako ng isip at hindi ko nahuhulaan ang hinaharap."

I face palmed. All those time, baka nabasa ni Meredith ang mga isipan namin? Gosh! I never really knew her dahil hindi siya laging nagsasalita. Nagsasalita lang 'to kapag kailangan.

T-teka. I think I'm getting it. Hindi ako dapat nagugulat.

She doesn't have the mouth to speak because she always listens. She judges everyone quietly.

"P-pano naman yun? Diba sabi ni Professor Maryhill noon na ang mind reading ay mas lamang pa sa mind link at iilan lang ang merong kakayahan nito?" I'm doubting her because

Umusog siya kaunti at narinig ko siyang suminghap.

"Ewan. Kaya hindi ko ito pinagsasabi sa iba, maliban na lang sa'yo Diana."

Kahit madilim ay nakikita ko ng mabuti ang mukha ni Meredith. Wala parin itong reaksyon na kusang nakatitig sa kawalan. Sa ekspresyon ng mukha niya, ay halatang mabigat ang mga pinagdadaanan nito. Ngayon ko lang siyang nakausap ng ganito.

The Second DimensionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon