Thirty-seven.

46 5 0
                                    

DIANA APRIL ESTIN'S POV

Puchang buhay 'to. Umaga na, pero wala parin akong tulog dahil sa nangyari kagabi.

Nandito ako ngayon sa salas ng Forbidden Mansion, kasama si Kuya Nufierre, sina Dos at Tres, Ate Mirana at Ate Antoniette.

Si Zean? Ayun, tulog na tulog naman doon sa silid niya.

Nagbabasa lang ng libro si Ate Antoniette. Si Ate Mirana naman, umiinom ng tea. Mukhang may seryosong pinag-uusapan naman ang kambal na sina Dos at Tres kasama si Kuya Nufierre. Ako naman, tamang antay lang with titig sa pader.

Ako na kasi ang dakilang tanga rito.

Bumuhay naman ang loob ko nung may narinig akong maraming yapak mula sa labas. I think my hearing's been getting louder every now and then.

"The Headmaster's here." Sabay na sabi nina Dos at Tres.

Napatayo naman kaming lahat nung pumasok nga ang Headmaster galing sa pinto.. Kasama sina Berthud, Ike, Coshar, Nate, Meredith at ang mga Fuerza.

Napatingin ako kay Meredith na agad umiwas ng tingin. My heart sank. Naalala ko yung nagawa ko sa kanya kailanlang.

Ngayon, nawawala ang totoong Eymie. I even believed the shapeshifter Eymie more than I did for Meredith. Nakakashemay ng kaluluwa't isipan pero nahihiya naman akong humingi ng patawad.

Nufierre bowed at the Headmaster. He only gave his grandson a pat on the head.

Bumukas ulit ang pinto, revealing Kuya Dylan, Ate Zaye, and the other Superiors na nakita kong rumampa sa gitna ng aisle noong First day ng New Year.

Sunod namang pumasok ang mga Fuerzas na agaw pansin dahil sa kulay ng kanilang mga buhok. It's just like Meredith's. Orange ang buhok niya na may green highlights naman.

Nufierre gave Berthud and the others seats. The Fuerzas sat on the sofas, kaya nagsiksikan kami. Some just stood, while the others sat on the carpet. Napatingin ako sa mga mukha nila. They looked so mesmerized with the interiors of the room. Mukhang ako lang din nung una kong pasok rito. Parang nasa London lang kami eh. Hehe.

Ewan ko kung bakit narito ang mga Superiors at Fuerzas. Binabaan ko tuloy ang aking tingin sa aking mga kamay na nanginginig na. What am I really scared of right now?

Is it because of last night? Nilabag ko ang curfew ngunit may rason naman ako kung bakit ko nilabag ang rules.

It's for Zean.

Sinalubong naman kami ng isang seryosong tingin ng Headmaster. Huli siyang tumingin sa'kin, "I want to conduct a special meeting for all of us today. You all have to know that the campus is still not yet safe, as long as the wolves will still dress like sheep."

Taimtim naman kaming nag-antay sa kanyang susunod na sasabihin, "In contrary, I have made my decision." Tumingin siya sa gawi namin at ng mga Fuerzas, "Everyone in this room, except the Superiors of all year levels, will be evacuated to an allied school-- Harvine Academy. Dadalhin namin kayo sa mga chumgrul para hindi kayo masundan ng mga Pitch."

"S-sir.." Kuya Dylan raised his hand, "Hindi ba't nakulong ang mga Pitch sa Carnavus dahil sa kapangyarihan ng aking ina? Hindi maaaring makatakas sila!"

"Hindi sila nakatakas, Dylan." Tugon ng Headmaster, "Pero may koneksyon sila sa mga kalabang hindi nakulong. These group of Shapeshifters-- they usually portray someone else, not only because they wanted to trick people, but they also want to use somebody else's power. Kinailangan nilang manlinlang para maging makapangyarihan sila--powerful enough to set the Pitch free from an unknown underground prison and to rule the whole Celestria again."

The Second DimensionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon