Nung nakarating ako sa dorm ay binulabog kaagad ako ni Meredith pero agad din syang bumagsak sa sahig. Tinamaan nya kasi ang berdeng shield!
I cringed.
"Bwiset!" Mura nya.
Tinulungan sya ni Ike pero agad nya itong binatukan. "Wag kang lumapit sa'kin."
"Aray! Tinutulungan nga kita eh! Yabang!"
Tumakbo papunta sa gawi ko si Eymie. Nakatingin lang sina Nate, Berthud at Coshar na taimtim na umuupo sa dining area.
Hinihintay ba nila ang pagdating ko?
"Diana! Buti nalang at--" tumigil sya at kinoot ang noo nung nakita nya ang nakapalibot sa'kin. "A-ano yan?!"
Bago paman ako sumagot ay sinumbatan ako ni Berthud, "Guys, umupo muna kayo." Sinenyasan ako ni Berthud na umupo sa tabi nya, "Diana, dito ka. May pag-uusapan tayo."
I gulped. Hindi naman sa nakasanayan ko nang makitang seryoso si Berthud, pero iba na'to.
Mahinhin akong umupo sa tabi nya. Nacoconcious tuloy ako dahil nakatingin silang lahat sa'kin!
Dahan-dahang nilagay ni Berthud ang kamay nya sa shield na ginawa ni Zean. It created a tiny spark before my eyes at--
"Aray!"
"Berthud!" Alalang sigaw ng lahat.
"Hindi, it's okay. Wala yon." Grabe, ang dali nyang nakarecover. Inayos agad nya ang kanyang glasses at inobserbahan ang kabuoan ng shield. "Zean's shield. Nagcocompose ito ng fiber glass at plasma."
"P-plasma?" Pag-uulit ko. "Diba electricity yon, Berthud?"
Terra lang kasi ang element ni Zean. Hindi kaya nagagawa din nyang magkontrol ng ibang element? Pitch dragonel sya diba?
"Electricity and Heat." Berthud corrected, "Bakit nya ito ginawa ha? Saan ka galing?"
"E-eh.. k-kasi--"
"Sa Forbidden section siguro noh?" Nakapout na sumbat ni Eymie.
Tinanguan ko lang sya. Siguro mga sampung segundo silang natahimik sa naging sagot ko. Nagtinginan pa nga sila.
Akala ko magsisigawan silang lahat sa akin pero..
"Kamusta si Zean doon?" Biglang tanong ni Nate.
I widened my eyes, "A-alam mo?!"
Nagkibitbalikat sya, "Ay duh, ofcourse. Kaibigan niya kami, kaya alam naming lahat ang sikreto nya sa simula palang."
"Kailan mo lang nalaman, Diana?" Tanong ni Coshar.
"Nung..." I thought. "N-nung nabasag ko ang bintana.."
Tumango si Berthud, "I see."
Tumahimik ulit ang buong dorm. Naiilang ako, pucha! Inasahan ko kasing magagalit sila sa'kin kapag ako mismo ang magsasabi. Akala ko kasi, hindi pa nila alam.
Inangatan ko ng tingin sina Eymie at Meredith na nakatingin din pala sa'kin.
"A-alam nyo na ang tungkol kay Zean?"
Tumango si Eymie at ngumiti nang kaunti, "Oo bes, sinabi ito ni Berthud kanina nung wala ka."
"Ahh.."
Alam na pala nila. Mabuti na yon para walang misunderstandings sa mga nangyayari sa kasalukuyan.
"Diana, ano ang sinabi sa'yo ng taga-Forbidden?" Tanong ni Ike, "May sinabi ba sila sa'yo?"
BINABASA MO ANG
The Second Dimension
FantasyDiana's life revolved on the ordinary until she discovers that it wasn't after all. - Start: 2014 Published: 2016 Edited: 2019 Republished: 2020