Fifteen.

61 8 0
                                    

"Let's be partners, noob."

Kumukulo na talaga yung dugo ko sa kanya. Noob daw! Hindi ba pwedeng beginner lang? Na bago pa ako sa mga ganito?

"Hindi. Lumayo ka sa'kin." Tugon ko, "Gusto mo lang akong lamangan, dahil alam mong 'noob' ako. Alam mo na madali mo akong matalo at mauto, kaya pinili mo ako."

Ngumisi na naman siya. His blonde hair was reflecting the sunlight, his green eyes are dilating.

"So?"

"So lumayo ka."

Sinubukan kong maglakad palayo pero agad akong natumba. I heard sniggers around me. Pucha!

Tumingin ako sa mga paa ko. May mga vine na pumapalibot hanggang sa mga binti ko. It was tight. Hindi na ako makagalaw.

Nakalimutan kong Terra Prince pala si Zean. Siya lang ang makakagawa nito.

"I told you not to walk out when I'm around." Tabang niyang sabi, "Stay here."

Nagsquat siya sa tapat ko. Patuloy niya akong tinitignan.

Oo, aaminin ko talagang gwapo siya kapag tinitignan niya ako. Pero mas lamang talaga yung galit ko sa kanya, sa puntong masasabi kong siya ang PINAKAPANGIT na taong nakita ko!

"Bwiset ka." Mahina kong mura.

"I heard that."

Suminghap ako. Kung malapit lang dito yung tubig eh sana kanina pa siyang naanod sa tsunami na nalikha ko.

"Diana right?"

Tumango ako. Hindi ako makatingin sa mga mata niya.

Kinukulong niya ako sa mga tingin niya! Dagdagan mo pa itong mga bwiset na baging sa mga binti ko! Nakukulong na ako! Lord tulong!

"Be good, Diana." Seryosong sabi niya, "Gusto kong tayo ang magkapartners. Seeing how noob you are almost made me puke. Gusto kong turuan ka."

"Turuan ako?!" Sigaw ko, "Sa pagsusuplado mo pa ipahahayag ang gusto mong sabihin?! Ako pa 'tong sinasabihan mo na 'Be good' kahit na ikaw ang dapat pagsabihan non? Kainin mo nga yang mga sinasabi mo! Wag mo akong ginaganito! Be good Zean!"

Patuloy parin niya akong tinitignan sa mga mata. Seryoso ko siyang tinignan pabalik.

Wala akong paki kung prinsipe siya. Wala siyang respeto sa'kin!

Nakailang segundo na siya bago niya akong sagutin.

"Very well. I just want to teach you swordfighting so that I would like you for our band! Kung ayaw mo ang tulong ko edi wag!"

"Ah ganon. So tuturuan mo pa ako para madali mo akong magustuhan, ganon? Wag na! Bwiset ka kasi!"

Pinutol ko yung mga vines na pumalibot sa'kin gamit ang espada ko at nagwalk-out. Grrr! Ang suplado niya! Sobrang suplado niya!

Buti na lang at walang masyadong nagbigay pansin sa pagwalk-out ko. Dumerecho ako sa may gubat at hinanap ko yung source ng talon. Naririnig ko kasi ang malakas ng pag-agos ng tubig mula rito.

Tumakbo ako, hitting branches and some vines. Pagkatapos ng ilang minuto ay nakita ko na yung talon.

Hinubad ko yung medyas at sapatos ko, tsaka umupo ako sa isang bato. Wala akong paki kung kasalukuyan nila akong hinahanap. Gusto kong lumayo kay Zean.

Maganda talaga ang tubig dito. Kahit sa lawa ay maganda din. Napakalinis ng tubig, at kita ko ang mga mabilog na bato sa ilalim ng surface. May maliliit din na isda akong nakikita.

Sana ganito din kaganda ang tubig sa kabilang dimensyon. Pero pano ba kasi.. kahit ang dagat ay marumi na. May talon din akong nabisita na may lumulutang na basura.

The Second DimensionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon