Thirty-two.

72 8 4
                                    

"Ready ka na?"

Lumingon ako kay Eymie na nag-aantay ng sagot. Si Meredith naman, nakatungo sa view sa harapan namin habang kumakain ng lolipop.

I inhaled and exhaled. This will be a new day, a new life, a new start.

"Ready."

"Sige," Lumingon naman si Eymie kay Meredith, "Hoy 'dith, lez go?"

"Geh."

At sabay kaming naglakad papunta sa entrance ng Serenity High. Yup! Back to school now!

Nakatingala ako sa mga krystal na bolang palutang-lutang sa malaking kisame ng Pasilio de Grande. Eto talaga ang unang napusuan kong lugar nung una akong tumapak dito sa Serenity High. The place itself is so enchanting. But the fact that brown-suited students are on the four long tables, made the great hall looking more alive.

Nagsipuntahan na kami sa kanya-kanyang mga long tables. May apat na mesang tutugma rin sa apat na seksyon ng Serenity High. Warriors', Sorcerers', Archers' at Fuerzas'. The sections were made to fit the students' fighting capabilities and variety of weapons. Nabibilang ako sa Warriors' section na may pinakamaraming estudyante dahil common ang mga matatalim na weapons sa'min.

Si Eymie naman ay nabibilang sa Sorcerer's section. Sila ay may weapons gaya ng wand at staffs. Most of the Sorcerers' have Mavic Magic, o yung kakayahan na gumamit ng mahika kahit walang weapon. Sorcerers' are way too privilaged than us kasi mukhang may pagka-superior sila sa mahika.

Next naman ay ang Archers' section. Hindi ko pa nakikita sina Berthud at Nate pero nabibilang sila sa section na yon. They feature this bow and arrow weapon. Mas lamang sila sa aiming skills.

Last but not the least ay ang section nina Meredith at Ike, ang Fuerzas'. Sila ay walang kapangyarihan o mahika, ngunit may pisikal na lakas at bilis sila. I see Meredith sitting with a few Fuerzas. Medyo may pagka-identical sila dahil magkaiba ang kulay ng kanilang mga mata, at ang buhok nila mukhang may highlight na color.

I see Meredith's orange-like hair with green streaks in it. Hindi ko pa nakikita si Ike.

I wonder what took the Zeroes this long? Mukhang dumadami na ang mga estudyanteng umuupo sa kani-kaniyang mga sections. I see Rose approaching me with a big smile on her face. Kumaway naman ako sa kanya. Umupo siya sa tabi ko.

"Oy Diana! Long time no see!"

"Heyyy!" Ngiti ko. Maliban kay Kuya Dylan at Ate Zaye, si Rose lang talaga ang tinuri kong kaibigan sa mga trainings namin.

Oo, natalo niya ako noon. I downed myself because of that. Now I just want to get over it at maging kaibigan siya and never hold grudges against her.

"How's life naman?" She asked.

"Okay lang naman. Nag-enjoy ako don sa New Celestria."

"Luh! Bakit hindi kita nakita doon?"

"Baka nasa malayo ka." I grinned.

Pagkatapos ng ilang interrogations namin ni Rose ay napuno bigla ng hiyawan ang buong Pasilio nung sabay-sabay na pumasok ang mga Superiors ng bawat Sections. Sunod na pumasok ang limang boys na kanina ko pa hinahanap. Nasa unahan si Zean na tamad na nakatungo sa harap. Si Berthud naman ay ngumiti sa isang kawan ng babae sa Sorcerer's section. Si Coshar? Well, kumakaway at looking manyak as usual. Casual namang nakikipag-apir sina Ike at Nate sa mga boys. They all sat in their round tables na separate sa'min.

Huli namang pumasok ang mga guro namin. I see Professor Gubblehur in her usual robe kapag hindi PPD. Si Professor Maryhill naman ay buhat-buhat ang picture frame ni Professor Snivel. Si Professor Kennley naman ay kinagigilawan ng mga babae na malapit sa aisle. Si Sir Tero naman na Science teacher namin ay nakasuot ng kanyang usual sweater at glasses. I see other teachers na hindi ko kilala.

The Second DimensionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon