Thirty-five.

57 6 0
                                    


I can see the Golden castle nearby. Kahit malayo ito ay nagmukha itong malapit lang dahils sa laki nito.

Parang sumasabay ang paghuni ng Sol sa tinig ng aking mga nararamdaman para kay Zean. I think I never paid attention to it, until he said it infront of my face. We have no words for each other, but we knew.

Mainit ang kanyang mga kamay na kasalukuyang nakahawak sa'kin. He led me to different places in this village. Sadyang maingay at festive talaga ang lugar ngayon kaya mukhang walang nakakapansin sa'min kahit pa nakakapansin talaga ang buong suot ni Zean! Pucha! Huhu nakakakilig 'tong ginagawa niya! He doesn't even know I appreciate this so much..

Nadatnan namin sina Eymie at Meredith na kasama ang mga bata. The kids seem to be braiding their hair. Meredith had her hair decorated with small, yellow flowers na kasalukuyang nilalagyan ng mga bata. May mala-indian na face paint naman si Eymie sa kabila

"I don't want us to be obvious.." Ngiti ni Zean at nilet-go ang mga kamay ko, "Puntahan mo na sila."

"P-pero.."

"It's fine." He said, "Magkikita pa tayo."

Kumaway si Zean at lumayo na. My vision suddenly glitched. I see Berthud in the far distance na mukhang may hinahanap sa direksyon ko, at to be honest lang, hindi ko alam kung paano ko siya nakita nang ganon kalayo.

It happened so fast sa puntong, hindi ko alam kung paano yun nangyari.

Nilapitan ko na lang sina Eymie at Meredith.

"OMG BESSSSHHH!" Eymie hugged me, "Mabuti't nandito kana!"

I hugged her back, "Thank youuu!"

Pinapakilala ako ni Eymie sa mga bata. I can't seem to remember their names pero masigla nila akong pinaupo, as I gave them the whole authority to also braid my hair. Plain lang na tumitig si Meredith sa aking gawi. I smiled at her dahil magandang tignan ang mga maliliit na bulaklak sa buhok niya. The children seem to be enjoying putting those on her hair.

"Hala ate! Ang ganda niyo po!" Sambit ng isang batang lalaki na halos mamantsahan na ang suot dahil sa iba't-ibang kulay ng pinta.

Nung sinabi na ng batang babae na gumagawa sa aking braid na tapos na ito ay tumayo na ako.

"Teka muna ateee!" Pagmamakaawa ng mga bata.

Natawa talaga ako sa mga naging reaksyon nila dahil sabay talaga nilang sinabi, hahaha! Ang cute! "Oh sorry! Ano naman?"

Another little girl showed me a basket of the same, small yellow flowers na nilagyan sa buhok ni Meredith, "Lalagyan pa po namin ito ate eh. Para lalo kang gaganda!"

I chuckled as I let her place the yellow flowers around my hair. Ngiting-ngiting tumitingin si Eymie sa'ming dalawa ni Meredith. Ang kukyut naman talaga kasi ng mga bata! Parang si Feikru lang!

Natigilan kami when we heard drums and xylophones playing from afar. Nagsitakbuhan ang mga tao, happily smiling at each other na mukhang may gustong makita sa dulo ng kalsada.

"Nagsisimula na!" Masayang angil ng mga bata.

"Ang ano?" Tanong ni Eymie na curious na tumingin sa mga taong nagsisitakbuhan.

"Ang Sun Ritual!" Sabay na tugon ni Meredith at ng mga bata.

Now I know why everyone's going happy right now. I see a parade going on, at masiyahin itong sinabayan ng mga tao at bata. May mga nakapaa na dancers na iwinawasiwas ang makukulay na ribbons sa ere.

The Second DimensionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon