Nagbihis ako sa aking uniform sa C.R (Oo, may C.R sa loob ng tren) at bumalik naman ako sa compartment para ilagay sa bagahe ang suot ko kanina. Tinali ko uli ang mataas kong wavy brown na buhok. Nakasuot na rin ng mga uniporme ang mga boys. Madali kasing matapos magbihis ang mga lalaki kaysa sa mga babae. Marami kasi kaming arte eh haha.
Ang uniform ng mga boys ay may light brown suit na may logo ng Serenity High sa may kanan. Tapos naka-gray sweater din sila sa ilalim. At sa ilalim pa ng sweater ay polo at naka-tuck in na pulang necktie. Gayundin ang uniform namin sa mga girls, kaso lang, maiksi ang dark brown na skirt namin tas kailangan pa naming mag-knee socks.
Dahil nga maiksi yung palda, hindi ako makaupo ng maayos. Shemay naman kasi! Bakit lalaki pa yung mga kasama ko dito? Na-coconsious tuloy ako.
Madadaanan lang ang compartment namin papuntang C.R. Kaya nung nagsidaanan ang mga estudyante ay feeling ko nagsitinginan sila sakin tapos sabay bulong sa katabi.
"Huwag mo silang pansinin." Ike naman eh, nakakagulat ka rin minsan.
Biglang dumilim ang paligid. Nung tinignan ko ang bintana, parang dumadaan kami sa isang tunnel.
"Uhhh," ungol ni Coshar habang sinasandal ang ulo niya sa upuan, "Six hours na tayong nasa biyahe. Nakakabagot."
"Malapit na tayong makarating Cosh.. marunong ka namang maghintay." Tumingin si Berthud sa bintana. Coshar grinned.
"Marunong naman akong mag-intay ah.." Aniya. Sumulyap pa siya sakin.
"Nagpaparinig ka ata noh?" Pambatok ni Nate sakanya. I snobbed, "Kailan ka pa magbabagong buhay Cosh?"
"Thank you for that wonderful question.." ah bwiset. May pa-beautiful eyes ka pang nalalaman Cosh? "Kapag kinasal na ako."
Nakita ko ang mga nakapoker face niyang kaibigan. Tumawa siya, "Ano?"
"Imposible." Rinig kong sabi ni Ike.
Nagpigil ako sa aking pagtawa. Parang cotton candy lang si Coshar. Ang sweet-sweet sa labas, pero mahangin naman sa loob. Hay nako.
Nung may dumaan na isang squad na purong babae sa compartment namin, tumayo agad si Coshar at binuksan ang pinto. Na-star struck agad yung mga babae.
"Hi girls! Pa-handshake naman diyan," Sabi niya sa pinakamaganda sa kanila. Hindi namang nagdalawang-isip ang babae at nakipag-handshake siya. Nung sinara ni Coshar ang pintuan, rinig na rinig ko ang pagtili ng girl squad sa labas.
Umupo siya ulit sa tapat ko na para bang walang nangyari. Nakita kong ngumisi si Berthud.
"Sikat ba siya?" Bulong ko kay Berthud. Naramdaman kong gumalaw siya sa kinauupuan niya bago naagkibit-balikat.
"Oo." Seryosong sabi niya, "At hindi basta 'sikat' lang."
At naramdaman ko ulit ang pagkailang sa buong katawan ko. Ano ba 'tong pinasok koooo haaayssst. Kung sana hindi lang ako nagmatapang kanina.. Ang weirdo ng mga bago kong kaibigang.. lalaki.
Bigla akong tumgil nung nag-iba ang view sa labas ng bintana. Nagmukhang kahel ang buong kapaligiran dahil palubog na ang araw-- kahit naman ganon--nakikita ko parin ang magandang view. Pagkatapos ng tunnel ay sa wakas, nandito na kami sa Celestria.
Naainag ko na ang mala-palasyong dating ng Serenity High. Isa itong beige na kastilyo na pinalibutan ng sari-saring puno sa paligid. Sa likuran ng eskwelahan ay isang mountain range. May malaking lake din ito sa harapang bahagi. Tanaw sa lake ang repleksyon ng kastilyo. Nung palapit ng palapit na kami ay nagsimulang bumagal ang takbo ng tren. Bumalot sa'kin ang excitement. Yes!
BINABASA MO ANG
The Second Dimension
FantasyDiana's life revolved on the ordinary until she discovers that it wasn't after all. - Start: 2014 Published: 2016 Edited: 2019 Republished: 2020