Eleven.

67 7 1
                                    

A/N: Pronounciation sa Zean ay "Zeen" hindi "Zeyan"

Pronounication sa Tike (Ikeustus) ay "Tayk" hindi "Teekeh"

Pronouniciation sa Diasra ay "Dayasra" hindi "Diyasra" XD

kbye~~

^^^^^

"Sino kaya si Prinsesa Diasra sa buhay nila noh?" Nag-aalalang tanong ni Eymie sa'kin.

Kasalukuyan kaming nandito sa room, abala sa mga binigay na assignments.

Its been like hours since History class, at kakatapos lang naming magdinner (salamat kay Meredith dahil bumili siya ng pizza sa "mall" ng Serenity High)

Hanggang ngayon wala akong alam kung saan ang Zeroes.

"Ewan." mahina kong tugon sa tanong niya.

"Siguro malapit sila noon sa isa't isa noong buhay pa sila.." Buntong-hininga ni Eymie, "Royal bloods kasi silang lahat eh. Including yung si Zean."

"Oo, talagang malapit sila sa prinsesa." Kasalukuyang hinuhubad ni Meredith ang kanyang medyas, "Sabi nila, kababata silang lahat maliban don kay Tike."

Tumahimik kaming lahat.

"Bakit? Parang pamilya na nila si Ike ah? Akala ko childhood friends din sila?" Tanong ni Eymie.

"Bagong miyembro lang siya sa banda noon."

"Ahh.."

Marami pa talaga akong hindi alam sa pinagsamahan ng mga kumag na yon. Siguro malapit talaga sila sa prinsesa kahit pa wala si Ike.

I continued to write down my Math assignment. Ang hirap naman nito!

"Tapos na!" Masiglang tumalon si Eymie sa kama niya, "Eh? Tulungan na kita diyan Diana!"

"Sige Eymie, salamat!" Ngumiti ako sa kanya at umupo siya sa kama ko.

"Ganito lang kasi yan..." at pinaliwanag niya kung paano gamitin yung PEMDAS at paano mag-add at subtract ng Integers. Grabe! Parang sampung taon na mula nung nandon ako sa Harvine kasama si Miss Sambival.

Ahh, Harvine Academy. Kamusta na kaya ang mga teachers at kaibigan ko? First day palang at marami na akong natutunan dito. Marami talagang interesting na bagay dito lalo pa't nasa ibang dimensyon ako.

Kamusta na kaya sina Kristel, Sussie, Angel, Jillian at John? Ano na kaya ang mga topic na pinag-aaralan nila ngayon? Nag-aassignment din kaya sila?

Hays, namimiss ko na sila. Gaya lang siguro kung gaano na-miss ng Zeroes ang Prinsesa.

Biruin mo? Namatay ang childhood friend mo dahil sa isang na-brain wash na auntie?

Pagkatapos ng ilang minuto ay natapos ko na yung assignment ko. The three of us laid down on our beds, exhausted.

"Mga beshies, first day pa lang ngayon ng klase. Sana kalbo na yung Kathrine na yon. Hmp, gusto kong mas maganda yung mukha ko sa dyaryo at hindi siya."

Tumawa ako.

"Hay nako Eymie. Sana nga. Di ba, Meredith?"

3.. 2... 1...

hindi sumagot si Meredith.

"'Dith?" Tawag ni Eymie sa kanya.

Nakita kong lumingon si Eymie sa kanya. Lumingon na rin ako.

Natutulog na siya.

"Goodnight Meredith." rinig kong bulong ni Eymie sa kanya. Somehow yung hearing powers ko ay nagwowork parin, "Oy siya, matutulog na ako Diana! Goodnight!"

The Second DimensionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon