Twenty Three.

57 7 0
                                    

--DIANA APRIL ESTIN's POV

Kakagaling ko lang sa classroom kasi nakalimutan ko yung libro ko sa Science. Mag-eexperiment daw kasi kami tsaka yung instructions, nasa libro. Ayun tuloy.

Wala pa si Sir Tero sa Lab kaya lumabas muna ako para kunin yung libro ko. Baka mapagalitan ulit ako eh.

Hinanap ko yung libro ko sa lalagyan nito pero wala yon dito. Hinanap ko ito sa buong kwarto, pero wala.

Nasaan kaya yun?

Iniisa-isa ko yung mga side-tables namin na merong shelves. Saktong nakita ko yung sa'kin sa drawer ko.

Bweshet. Sa lahat ng lugar bakit don pa sa obvious?

Kinuha ko ito nung may kasamang nahulog mula rito. Binaba ko yung tingin ko sa isang gintong kwintas na may pocketwatch.

My eyes furrowed as I picked it up. Naalala ko tuloy ang araw kung saan nasagasaan yung sasakyan namin, tsaka bago pa raw makarating ang ambulansya ay inalagaan ako ni Sir Hayakuno.

Itong gintong pocketwatch ang inabot niya sa'kin dahil ito lang yung naiwan doon sa aksidente.

May namumuong luha sa giliran ng mga mata ko. Itong pocketwatch na ito ang nagsilbeng alaala nina mama at papa. Nung nakarating ako sa Serenity High ay agad ko itong itinago para hindi ito masira kung baka sakali.

Napakaimportante nito sa'kin kaya ayaw ko itong masira.

Bigla na lang bumukas ang bintana at umihip ang malakas na hangin. May iilang Sol na lumipad sa direksyon ko.

A sudden opening of a window is creepy kapag nandon ka sa ibang dimensyon, knowing na sinara namin ang bintana bago kami lumabas sa classroom.

Eh, nasa Celestria ako ngayon. Hindi nakakatakot isipin ang mga nagbubukas na bintana basta may Sol lang na kasama. Totoo ang mahika eh.

One Sol fluttered infront of my face. Kahit malapit lang ang Sol sa'kin ay hindi ko maaninag ang totoong mukha nito. Nakikita ko lang ang isang lumilipad na gintong silhouette ng isang maliit na ibon.

Pumadpad ang Sol sa pocketwatch ko. More of the Sols are surrounding me and my pocketwatch. Nagulat na lang ako nung bigla itong lumitaw, kasama ang mga Sol.

Dahan-dahang pinasuot ng Sol ang kwintas sa'kin. Ngumiti na lang ako nung lumapag ang pocketwatch sa dibdib ko.

Hindi ko parin maiwasang mapahanga sa kapangyarihan at kagandahang taglay ng Sol. Misteryoso parin sa'kin kung bakit sila nag-eexist bilang life-source ng isang Celestrian.

"Salamat."

The birds chirped happily as they disappeared.

Ngiting-ngiti akong tumitig sa orasan nito hanggang sa may naalala lang ako. Lumingon ako sa science book sa ibabaw ng kama.

I blinked twice just to see the time... 8:39?! T-teka.. isang minuto na lang bago darating si Sir sa classroom. Hays! Napakastrikto ni Sir Tero sa oras! Naalala ko kasi yung first day of classes.. nung na-late kami nina Eymie at Meredith sa subject niya.. may essay pa ata yun eh.

Hinablot ko na yung libro at dali-dali akong nagtungo sa lab.

Shizzz! Late na ako! Sobrang late na ako! Mapapatay ulit ako ng mga sermon!

Liliko na sana ako papunta sa stairs nung natumba ako.

"Ang lampa--" naputol ang sabi ng estudyante nung umupo na ako.

Nahulog mula sa kamay ko ang libro.. at yung orasan.. natamaan ito sa first step ng staircase, yun ang naalala ko.

I checked kung may scratches ba ito pero wala. Pero.. hindi na ito gumana. The ticking of the two hands stopped.

The Second DimensionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon