DIANA APRIL ESTIN'S POV
Apat na araw na simula nung pinuntahan namin ang Headmaster. Hindi ko nga inakala non na hihiwalay si Ike only to bring his fellow Fuerzas to the office too. Apat na araw na simula non. Sabado na ngayon. So far, wala pang nangyayaring kahit anong kababalaghan sa loob at labas ng campus. Everything stayed the way it was.
Pero hindi pa kampante ang headmaster.
Nakatingin ako ngayon sa harap ng salamin. My hair is in its' usual look-- nakalugay. Pero nakasuot ako ngayon ng isang sleevless, skyblue, flowy dress na below the knee ang haba pero hindi naman umaabot sa paa.
"Ohhh ang ganda ni besh ah!" Ngiti ni Eymie sa'kin. Nakasuot na siya ng yellow, puffy dress na may iilang butterfly accents sa may dibdib. Nakalugay din ang bughaw na buhok ni Eymie na palagi namang nakatwin-tails. Maganda talaga si Eymie ngayon.
Magandang blue na pancit canton.
Mabuti na lang talaga at okay na siya. Ang balita nga na nagspread sa buong campus ay marami ang nalason din nung araw na yon. Kathrine O'Dreary was one of them. Ewan ko kung magiging masaya ba ako o magiging malungkot para sa kanya. To all the things she has done? I don't think so.
"Ayoko nito." Madiin na sambit ni Meredith sa 'ayoko'.
She really looks so good today too! Nakasuot sya ngayon ng olive-green dress na pinagbigyang diin ang green streaks sa buhok niya. Her dress nearly reached her ankles.
"Sige, since wala ang lahat ng boys ngayon for Royal fam purposes, dapat stick together parin tayo." Mala-tonong sambit ni Eymie habang inaayos si Meredith.
Ngumuso si Meredith sa kanya.
"Nandito naman si Ikeustus Tike."
Nagtinginan kami ni Eymie at nag-apir. Alam naming hindi Royal Blood si Ikeustus, ngunit espesyal siya sa mga miyembro. It's just that.. plinano naming lahat na magsama sila ni Meredith.
Ngising-ngisi ako kay Meredith nung bumaba na kami para datnan si Ike na naghihintay para sa'min. Kahit hindi sya prinsipe, he still stood out with the typical-villager outfit he's wearing. His long, green, braided hair was well kept. I see Meredith roll her eyes.
"Hoy Meredith, punta kana don," Ngisi ko ulit, at siyang tumungo ako kay Ike, "Ike, ano ang plano natin?"
He only gave us his typical "tipid smile". Nang tumingin siya kay Meredith ay umiwas ito ng tingin.
"Ajujuju.." Kinikilig na sambit ni Eymie sa kanya.
"Since wala naman kayong alam kung saan ang ating pupuntahan, tutulungan ko kayo kung paano.." He replied, leading us to the door, "Gagamitin natin ang mga kabayo sa stables ng--"
"TEKA! OMAIGHAD!" Halos pasigaw na singit ni Eymie, "Joke. Tig-iisa tayo ng kabayo? I mean, hindi ko kasi alam kung paano--"
Ike cleared his throat, "Gagamitin natin ang mga kabayo sa stables ng Serenity," Pagpapatuloy niya at tumingin kay Eymie, "Mas mabait ang mga kabayo rito kaya mas madali silang paamuhin at makontrol, Eymie."
An idea popped in my head. Ningisihan ko si Eymie na nakangisi rin, "Kung sabay kayo ni Meredith sa iisang kabayo.."
Nagface palm lang si Ike. Meredith just glared at me. Ngumisi lang ako.
"Dapat dalawa ang sasakay sa iisang kabayo. Isang marunong, at isang hindi para patas."
"Sabagay.." Sing-song tone ni Eymie.
We went out of the campus. Everyone is in their attires too. Nagkurumpulan ang halos lahat ng estudyante sa may entrance dahil may mga kalesang handang kumuha sa mga estudyante. The boys are wearing the traditional villagers' attire, samantalang ang mga girls naman ay nakadress in all sorts. Meron ngang iba na nakaflower crown.
BINABASA MO ANG
The Second Dimension
FantasyDiana's life revolved on the ordinary until she discovers that it wasn't after all. - Start: 2014 Published: 2016 Edited: 2019 Republished: 2020