Twelve.

59 9 2
                                    

Nung pinalibutan kami ng isang awkward na katahimikan ay si Berthud na ang pumagitna sa'min.

"Ah Zean.." mahinahong sabi niya, "Eto nga pala si Diana. I thought I could bring her and her friends around because recently, Kathrine tried to hurt them."

Tinignan ulit ako ni Zean, "Ah I see. She looked familiar to me though. Siya ba yung sabi nilang bago mong girlfriend, Berthud?"

Natigilan si Berthud sa sinabi niya. I blushed.

"N-no, that's not certainly true. I'm too young for a girlfriend. Gusto lang siraan ng media si Diana."

"Oh okay." at umakyat na siya sa hagdan, causing the people to scream again.

Hindi manlang siya nag-introduce sa kanyang sarili sa'kin. Okay lang siguro yung 'okay' niya kaysa saktan niya ako. Siguro okay lang naman na sumama ako sa kanila diba?

"Ah, Zean.." pilit kong pinakalma ang sarili ko, hinahabol pa ni Berthud si Zean! "Uhm.. bro."

Tumigil siya sa paglalakad.

"What's it?"

"Uhm.. Gusto kong isama si Diana sa banda."

Patay.

Poker-face lang siyang nakatingin sa'kin. I tried to smile pero agad siyang tumingin kay Berthud.

"Are you already friends that fast?" Taas-kilayng tanong ni Zean, "No."

At parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Ineexpect ko itong mangyari pero bakit affected ako masyado sa pagtanggi niya?

"Zean, she has talent. Magagamit natin siya--"

"Bro, I said no right? Bumalik nga tayo sa loob. I want to eat."

At yun nga. Umakyat na yung mga "helper" niya para ilagay yung mga bagahe niya sa dorm.

Umupo na kami sa long table ng Pasillo de Grande. Nandito parin ako sa tabi ni Berthud. Kanina pang tahimik sina Eymie at Meredith. Gusto ko nang umalis.

"Berthud? Pwede naba akong umalis?" tanong ko.

"Hindi muna ngayon. Zean's observing you."

"She's leaving?" biglang singit ni Zean. Kumakain siya ngayon, "You can go away and leave yourself defenseless against Kathrine. Wala akong paki sa'yo."

Mas mabuti pang buhusan ako ng malamig na tubig kaysa't marinig ang mga salitang binitawan niya. For some reason, masakit talaga yun!

"Zean! Wag ka ngang ganyan!" galit na sabi ni Berthud.

"What?"

Ngumisi pa siya! Jusme gusto ko na siyang sakalin!

Nakita kong nakatingin si Ike sa'kin na para bang may naalala siya sa pangyayaring ito.

"Stop being cold." Hinawakan niya ang palapulsuhan ko, "Tayo na Diana, Eymie, Meredith."

Sa sumunod na subject, hindi kasamang umupo si Berthud sa ibang miyembro ng Zeroes. Instead of Eymie, siya ang katabi ko ngayon.

Tumingin ako sa likuran ni Zean. Hindi ko maiwasang magalit nang husto sa kanya. Ito na siguro ang sinabi ni Ate Zaye na "attitude" niya.

Ewan ko ba kung bakit maraming babae ang nagkakagusto sa kanya. Oo, gwapo talaga siya. Mas umaapaw nga yung kagwapuhan niya dahil blonde siya. Pero walang-wala naman siya sa ugali! Jusme.

"Berthud..."

"Ano 'yon?"

"Berthud kasi..." mahinang sambit ko.. "Gusto kong lumayo ako.. tignan mo, nag-aaway kayo dahil sa'kin."

The Second DimensionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon