Thirty-nine.

46 5 0
                                    

Pagdating ng hapon ay nagpahinga muna kami sa loob ng lagusan. Mukha lang itong malaking condominium unit. It's really minimalistic at may Professor Kennley vibes talaga sa loob.

Malaki ang living room. Not to mention 3 large sofas facing the small, glass table sa harapan. Instead of a flatscreen TV ay hologram ang nag-appear sa harapan ng mga nakaupo sa living room. Malaki din ang kitchen. Malalaki ang kitchen counters, at may natira pang pagkain sa loob ng double-door na ref. Ang long dining table naman ay swak sa sampung tao, with 5 chairs each side.

May dalawang kwarto lang rito. Ang isa mukhang may C.R at yung isa naman ay guestroom lang at may dalawang double-decks sa loob. Hindi na nakapagdesisyon ng maayos ng iba at doon na daw sila sa living room matutulog.

"Ito na lang.." Si Kuya Nufierre na talaga ang nagsisilbing leader namin, "Ang girls doon sa master's bedroom, while tayong mga boys--ang iba doon sa guestroom at yung iba, sa living room."

"Oy! Hindi ba dapat sa master's bedroom tayo dahil marami tayo?" Tanong ng isa sa mga kambal.

Nacoconfuse parin kasi ako sa kanila eh.

Nufierre scratched his head, "Akala ko'y mga gentelman kayo?"

Tumahimik lang naman yung kambal until one of them spoke, "Ang baduy mo talaga Tres! Dapat patulugin natin ang mga binibini sa maayos na kwarto!"

Bumuntong hininga si Tres at sinapak ang kapatid niya. Some people snorted because of what he did.

Ngumisi lang ako. Naalala ko tuloy sina Coshar at Nate sa kanila na laging nagbabangayan noon sa dorm.

I really missed them though.. Kumusta na kaya sila? Si Berthud rin? Sila kasi ang inatasang magbantay sa buong campus, samantalang ang higher-level Superiors naman ay inatasang humanap sa mga nawawala.

Si Eymie naman.. namimiss ko din siya..

Napatingin tuloy ako kay Meredith na kausap ang ibang mga Fuerza. Sana'y malaman ni Eymie na nag-away kaming dalawa dahil mas pinaniwalaan ko ang shapeshifter kaysa sakanya.

Napabuntong hininga ako sa kawalan.

Three days passed. Ganito parin ang scenario namin. Hindi kami lumalabas mula rito not unless it's urgent. Hindi naman kasi kami sumasali sa mga klase, o di kayay magtraining, kasi compulsory lang naman. Most of the time, nahihiya ang mga kasama ko na lumabas.

Kating-kati na ako dito na lumabas. Gustong-gusto ko ng kausapin ang mga kaibigan ko.

Gusto ko rin kausapin si Nikolas.

Pero napaisip ako.. Kilala pa kaya nila ako? Will they also want to talk if they don't know me? I have long brown, wavy hair now. Mas pumuti naman ako. Tumangos din ang ilong ko at nagkulay sea-green ang mga mata ko.

Kada gabi, lumalabas sina Zean, Antoniette at ang kambal na Dos at Tres para makapagtransform. Walang nakakaalam sa mga Fuerza sa mga pinaggagawa nila. Lagi nga akong nakatungaga sa kisame kasi nag-aalala ako para kay Zean.

Hanggang sa dumating ang araw na nawalan na kami ng supply ng pagkain. Tinawag na namin si Mdm. Lavina kahit gabi na to do favors, pero naka-off ang phone niya at mukhang busy. Nagdebate pa kami kung paano kami bibili dahil hindi naman pwedeng lumabas.

"Si Diana po.." Suhestyon ni Ike nung nagtanong ulit si Kuya Nufierre, "Chumgrul po kasi siya at ito ang allied school na pinagmulan niya. I think it's best if sasama din po si Zean para magbantay sa kanya."

Zean shot Ike a glance. Mabuti na lang at napagdesisyunan niyang palihim na uminom ng potion para hindi sya makapagtransform ngayong gabi.

"I wont let Diana walk in the night in those streets, even if with me." Seryosong sambit ni Zean, "We're outside the barrier and we might detect taboos because of our aura. Ikaw naman Ike? You're a Fuerza. It's safer when it's you."

The Second DimensionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon