Forty-one.

50 8 0
                                    

Is she really Eymie? Or the same shapeshifter Eymie that we saw?

Mabilis na binuhat ng kambal si Eymie. Sumama kaming lahat para tignan siya. May ilang Fuerza na nagpaiwan. Nagpaiwan na rin si Mirana para ipagsabi kay Mdm. Lavine ang nangyari.

Nang makarating kami sa loob ng lagusan ay mabilis na sinara ni Kuya Nufierre ang pader. Agad nagsiliparan ang lilang Sol ni Ate Antoniette nang nilagyan niya ng parang barrier si Eymie sa gitna ng living room.

Halos maiyak na ako nang lapitan ko si Eymie na walang malay, "Ano ang g-ginawa niyo--"

Malakas akong hinila ni Zean. Tinignan lang naman ako ni Ate Antoniette with her black-violet eyes.

Creepy!

"Isa yang poisoned barrier, Diana," Seryosong sambit niya, "It's made of acid. Wag kang lalapit hanggang sa magising siya."

Napaupo ako sa sahig. I can feel Meredith's comforting grasp on my shoulder.

"Okay lang yan Diana."

Binungad naman kami ng kinakabahan na mukha ni Kuya Nufierre. He motioned us to sit down.

Ilang minuto ang nakalipas ay nagising si Eymie kaya agad akong lumapit sa kanya. Tanaw ko lang siya mula sa barrier--sumama naman si Meredith.

Napaluhod ako nang inabot niya ang kanyang kamay. Bago ko pa naman siyang balaan na gawa sa asido ang barrier ay nahawakan nya ito gamit ang mga palad niya. Agad syang napabalikwas. Hinahawakan niya ang kanyang kamay na napapaso! I can see her crying! Umiiyak siya!

She mustered some words pero hindi ko ito naririnig. She's pleading me!

"LUMAYO KA DYAN DIANA!" Sigaw ni Zean, "She might be a shapeshifter!"

"Hindi!" Angil ko sa kanya.

Inangat ni Ate Antoniette ang kamay niya, revealing Eymie's barrier-free head. The barrier reached to her neck instead kaya hindi siya nakagalaw. Nakaluhod lang siya at umiiyak.

"Eymie!" Sigaw ko ulit. Hinila naman ako ni Meredith na mukhang malapit na rin umiyak.

"Tatanungin ka namin, binibini." Sabay na sambit ng kambal, "Kailangan mo sumagot na may katotohanan."

"B-bakit ba kayo g-ganito?" Hagulgol niya. Malayong malayo siya sa Eymie na masiyahin at tumatawa.

"Pasensya na pero kailangan namin 'to gawin. Nakasalalay ang buhay ng mga Chumgrul dito--kung shapeshifter ka man." Matter-of-fact na sabi ni Ate Antoniette.

"PERO HINDI AKO SHAPESHIFTER!" Sigaw niya na halos pumipiyok ang boses. Nakatingin ako sa kamay nyang napaso sa asido.

Hindi ko gustong nagkakaganito siya. It hurts. I'm even seeing her collar bones. Lumiliit ang katawan niya.

Nakakakain ba siya? Sheesh! I can't contain myself anymore!

'Nagsasabi siya ng totoo.' Sambit ni Meredith sa isip ko.

"PLEASE! PAKINGGAN NIYO SIYA!" Lumuhod ako kay Ate Antoniette. Pinatahan niya lang kami ni Meredith.

Nakita kong lumapit si Pringles sa gawi ko. Agad ko siyang kinabig sa aking bisig. He only licked my face.

He also knows how to give comfort.

"Did you know that we have to be evacuated here because of damn shapeshifters like you?" Zean gritted his teeth, "Serenity High's on high security--same for this school. Paano ka nakapasok--?"

Mas lumakas ang hagulgol niya, "N-nakatakas ako mula sa mga s-shapeshifters! Nilason nila ako--kami ni K-kathrine O'Dreary-- t-two days ago pa ako nakatakas, nagpaiwan si Kathrine para idistract ang mga kalaban sa pagtakas ko. M-may humabol sa'kin.. Isang araw akong takbo-tako.. pagkarating ko sa g-gubat ng Serenity High ay hindi ko alam na may forcefield kaya n-nasaktan ako." She said, revealing her wounds.

The Second DimensionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon