Pagabi na at pagabi. November 1 na bukas at kita sa mga dekorasyon sa hallway ang paggunita ng Serenity High sa Halloween.
Nung nagdinner na kami ay wala parin si Zean. Isang araw ko siya hindi nakita simula nung tagpo namin sa tore.
Masaya ang naging kainan namin dahil feel na feel ko talaga ang halloween. They made pumpkin pastries as desserts at gumawa din sila ng pumpkin juice.
Akala nga ni Nate na hindi yon magiging masarap, pero nung pinainom siya ni Berthud ay nag-iba ang isip niya.
"Guys! Ihahandog natin ang toast na ito sa ating tagumpay! We all made it to the top 15!" Pinalakpakan namin si Berthud.
"Toast!" sigaw ni Coshar sabay angat ng baso niya.
We did the same thing. Sabay kaming uminom sa mga pumpkin juice namin.
Nung tapos na kaming lahat sa pag-inom ay tumingin ulit ako sa bintana. Full moon kagabi, ngayon ay lumiliit ang buwan.
Kamusta na kaya si Zean? Kung totoo ang hinala kong isa siyang dragonel, sana ay malalagpasan niya ang gabing ito.
I placed my hand to the window to watch the view clearly, pero nabigla na lang ako nung may yelong lumabas sa kamay ko.
It made a frost on the glass window. Lumingon ako sa kanila, pero medyo abala pa sila sa kani-kanilang gawain.
Buti naman at hindi nila nakita.
Pagkatapos ng ilang minuto ay natunaw na ang frost.
Umakyat na ako sa kwarto para tignan ang kamay ko.
Imposible..
Nakita ko ang isang bote ng tubig sa side-table ni Eymie. Kinuha ko ito at kinontrol ang tubig.
I made a water ball using my hand. Nung nasatisfy na ako ay binalik ko yung tubig sa bote at bumuntong hininga.
Guni-guni ko lang siguro yon. Tubig lang yung element ko, wala nang iba.
Nung pumasok na sina Eymie at Meredith sa kwarto ay kinopya na namin yung mga impormasyong nakalap namin sa library para sa assignment namin sa History. Pagkatapos non ay natulog na kami.
Nang sumunod na madaling araw ay nakita ko na si Zean sa dorm. Nakabalot yung sarili niya sa kumot. He was facing the fireplace.
Lamig na lamig din ako kaya nag-jacket ako. I can feel the cold too.
"You cold?" Poker-face niyang tanong sa'kin nung kumuha ako ng isang basong tubig at umigib ng mainit na tubig.
"Oo. Hindi nga ako makatulog eh.. Eh ikaw? Giniginaw ka rin?" Mataray kong tanong sa kanya pabalik.
Pinakita niya sa'kin ang mga kumot na nakabalot sa kanya.
"Obviously?"
Umupo ako sa dining chair at hinawakan ko yung baso kong may mainit na tubig. Hindi man lang ako napaso sa kainitan nito.
"Diana.. tungkol sa kagabi.. I.." His voice trailed off. Suminghap ako.
"Alam ko na Zean. Hindi ko makakalimutan yon." Hindi ako makatingin sa mga mata niya, "Bakit nga pala ako nandon Zean? Wala nga akong maalala eh."
"I thought you know yourself already.."
Lumingon ako sa kanya. His green eyes were reflecting the fire, making hues of orange in it.
Bumuntong hininga ako.
"Hindi ko pa alam Zean..." Mahinang tugon ko, "So.. bakit ako nandon kasama ka? Sabi ni Berthud binasag ko yung bintana namin sa araw na yon. Hindi ko nga alam kung totoo yung sinabi niya."
BINABASA MO ANG
The Second Dimension
FantasyDiana's life revolved on the ordinary until she discovers that it wasn't after all. - Start: 2014 Published: 2016 Edited: 2019 Republished: 2020