Ten.

66 10 1
                                    

Pinagtitinginan kami ng mga kaklase ko. Pucha 'tong classroom na ito, walang backdoor. Doon na lang sana kami pumasok.

Kahit nakakailang, pilit kong nilibot ang tingin ko, hoping na makikita ko ang Zeroes.

At nandon sila sa likod. Nakita kong nakatingin din sila sa akin.

"T-teka.. Eymie?"

"May pwesto pa naman doon sa likod." Mahinang sambit niya, "Okay lang yun."

At pilit kong umupo sa pinaka-corner kung saan malayo ang apat na kumag na yon. May dalawa kasing groups, tsaka four seats kada column.

As usual, umupo sa tabi ko si Eymie, na siyang sinundan ni Meredith.

Sa puntong yon, bumulyaso kaagad sa ingay yung front door, kasi pumasok na yung Professor namin. Tumahimik ang buong classroom.

Babae siya. Nakabob-cut yung itim niyang buhok tsaka nakaglasses siya na bughaw. Honestly ang creepy niyang tignan.

"Goodafternoon class." Dinabog niyang nilagay ang mga hawak niyang libro sa kanyang table, "Im Professor Vrigil. Dahil tradisyon na ito ng Serenity High every first day, I will be discussing about the basic and foremost history of Serenity High and Celestria. Since you're first years already, gusto kong punin ang mga impormasyon na tinalakay ng iyong elementary History teacher na si Professor Mark."

Walang umimik sa klase. Hindi ko kilala yang Professor Mark pero base sa mga mukha ng mga kaklase ko, napupuno na sila sa "basic history" na yan. Ang mga new students lang ang nakikita kong excited sa subject.

Helloooo ako rin kaya! Ang interesting siguro nito!

"When I start to discuss, bawal ang anumang ingay. Kaya hindi pwedeng makikipag-usap sa katabi. Any form of chatting will be banned in my class. Bawal din ang pagbibigay ng senyas na gusto niyo nang matulog, so bawal na bawal ang humikab. Bawal ang mag-slouch sa klase ko, it's a sign of disrespect--" Nung sinabi ni Professor Vrigil yon, kaming lahat ay napa-sit upright. Jusko, "---Bawal din ang lumabas sa klase. And, if you want to ask questions, reserve them at the end of the discussion. Okay?"

Tumango kaming lahat. Nahihirapan na akong huminga sa way ng pag-upo ko. I want to talk to Eymie, pero kahit pag-lingon, hindi ko magawa. May tono kasi sa boses ni Professor na kung lalabag ka sa mga sasabihin niya, talagang may kapalit na parusa.

I gulped.

Gusto ko nang lumabas dito.

"Okay, let me start with how Serenity High was built. Nagsimula ang pagtatayo nito noon pang 35 B.C.E. There were four Celestrians that came to the lot. Sila ay sina Essuelle Deasch na isang magiting na warrior sa Terra Empire. Si Will Handualf na isang pinakamagaling na sorcerer sa East Celestria. Si Rist Legolas na isang skilled Archerer sa Fire Kingdom, at si Herchya Rhodes, isang matapang at malakas na Reyna sa Land of the Fuerzas."

Herchya Rhodes.. san ko nga nakita yon? Parang--

Ahh! Sa estatwa! Isa pala si Herchya Rhodes sa mga nagtayo sa eskwelahan na ito!

Pero bakit kaya siya namatay sa War of the Loss?

Lumingon ako kay Meredith saglit. Emotionless parin ang mukha niya.

"The four of them called out all men and women in their kingdom to help them make a castle. They started with fifty thousand people. Natapos ang malaking kastilyo after 11 years. Nung una, gusto ni Rist Legolas na magtatag ng bagong kaharian sa lugar na ito ngunit tinanggihan ito ng tatlong Celestrian. Oo, alam kong bagay na bagay sa isang kastilyo ang pamumuno ng apat na matataas na opisyal pero... Nasa ideya na pala ni Reyna Rhodes na ang kastilyong ito ay dapat maging isang eskwelahan. Dahil malapit ito sa Lake of Serenity ay pinangalanan niya itong Serenity High."

The Second DimensionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon