A/N: Places and characters are fictional. Lol.
Nagising ako nang mga alas syete ng umaga at nagdali-dali akong naligo at nagbihis. Pagkatapos ay marami-rami din akong nakain dahil masarap talagang magluto si Sir Hayakuno.
"Eat right, Diana. Ramihin mo pa yang pagkain mo, marami pa dito." Naalala kong sabi niya bago kami lumisan.
Nandito ako ngayon sa sasakyan ni Sir na Land Cruiser. Napa-wow talaga ako kasi wala naman akong alam na meron pala siyang sasakyan. Hindi ko kasi nalibot ang buong bahay niya.
Habang tumatagal kami sa kalsada ay parami nang parami ang mga spruce trees na nasa giliran nito. Buti nalang at kinuha rin ni Sir ang mp3 ko sa bahay. "Magic." yon ang naging sagot niya nung takang-taka ko yun kinuha mula sa kanya.
Malaki talaga ang pasalamat ko kay Sir. Tingin ko nga sobra na 'tong kabaitan na ginagawa niya para sa'kin eh. Feel ko tuloy hindi ko deserve tanggapin 'to.
Kaya naman nagpatugtog ako ng Begin again by Taylor Swift para hindi naman ako ma-bored.
"And you throw your head back laughing like a little kid
I think it's strange that you think Im funny 'cause he never did
and Ive been spending the last eight months, thinking all love ever does is break and burn and end
But on a wednesday, in a cafe
I watched it begin again"
Kahit na hindi masyadong relate yung kanta sa buhay ko ngayon ay naalala ko ang pamilya ko, ang mga kaibigan ko, at si Nikolas. Nakatulala lang ako na nakasandal sa bintana at iniisip ko kung paano ako magsisimula ulit sa isang bagong mundo na wala sila. Masakit kasi hindi man lang ako nagpaalam sa kanila. Hindi ko nga nasabi nga mahal na mahal ko sila.
"Diana, are you okay?"
Nabigla ako sa pagtanong ni Sir na nakatuon parin sa pagdadrive niya. Nahulog yung isang earpiece ko sa lap ko dahil sa gulat. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi ko.
Ang basa.. umiiyak na pala ako. Shet.
"Ah," Nahihiya kong sabi. Pinunasan ko ang mga luha ko sabay balik sa pagsandal ng ulo ko sa bintana, "Wala yon sir.. Mejo O.A lang talaga ako minsan haha."
"The term is not 'O.A', you just missed people that you left without saying goodbye."
Napahawak ako sa strap ng shoulder bag ko. Sir, masyado bang obvious sa'yo? O nakakabasa ka ng isip?
"Both." Tipid niyang sagot.
Napangisi nalang ako sa sagot ni Sir Hayakuno. Kung ganon, nakakabasa pala siya ng isip all these time? Hahaha ang galing! Sana pag-aaralan ko yon don sa Serenity High para if-ever na makabalik ako sa Harvine, malalaman ko na ang totoong nararamdaman ni Nikolas para sa akin. Haha charot lang.
Ang sumunod na kanta sa mp3 ko ay Love you Goodbye by One direction. Dahil medyo mellow ang kanta at feel ko na puffy na ang mga eyelids ko sa kakaiyak, natulog nalang ako.
---
"Diana, Diana!"
Dinilat ko nang dahan-dahan ang aking mga mata at naaninag ko si Sir Hayakuno na kumakatok sa bintana ng sasakyan.
"Please be wide awake.." Sabi niya nung nakita niya akong gising, "Nandito na tayo!"
Humikab pa ako nang kaunti at nilagay ko ang aking nakalugay na headsets sa sling bag ko. Inunlock ko na ang pinto at sa wakas! Nakatayo na ako sa ilang oras na pagkakaupo! Feeling ko tuloy, I spent my whole life waiting.
BINABASA MO ANG
The Second Dimension
FantasyDiana's life revolved on the ordinary until she discovers that it wasn't after all. - Start: 2014 Published: 2016 Edited: 2019 Republished: 2020