Nagising ako dahil sa mga mahihinang pag-uusap.
"Bes, gising ka na pala. Anyare?"
Sinubukan kong umupo pero may mga kamay na pilit akong pinabalik sa una kong posisyon. Jusme gusto ko nang tumayo!
"Bes wag muna ngayon ah? May PPD ka pa bukas at kailangan mo pang matulog." Narinig ko ang boses ni Eymie.
"Oo nga Diana. Magpahinga ka." at ngayon naman ay yun kay Meredith.
When my vision came into focus, napangiti lang ako. Sa pintura pa lang, obvious na nakahiga ako ngayon sa clinic. Nandito sina Eymie, Meredith..
at sa pinakacorner ng kwarto ay ang Zeroes. Nakaupo silang lahat sa sofa.
Well silang lahat except kay Zean. Mabuti na yon. Baka siya lang yung rason kung bakit sasakit ulit yung ulo ko.
"Diana! Uy!" masiglang salubong sa'kin ni Nate sa kama, "Magpahinga ka nga muna."
"Eto, kumain ka." Inabot ni Ike ang isang burger, "Hindi lang basta burger yan. It's healthy."
"Salamat guys..." mahina kong tugon.. Hindi ko parin mahanap ang dati kong masigla na boses. Ewan ko kung ano'ng nangyari sa'kin.
Dahil gutom ako, I unwrapped the burger and ate. Parang sampung taon na mula nung kumain ako ng lunch sa Pasillo de Grande.
"Diana, pinagod ka ba ni Professor ha?" tanong ni Coshar sa akin, "Sige, susuntukin ko siya--"
"Wag na, O.A mo talaga." singit ni Nate.
"I think ganon lang talaga ang nangyari-- overfatigue." Komento ni Berthud na alalang nakatingin sa'kin, "Huwag ka nang magtake ng PPD bukas Diana."
"Ano ba kasi ang nangyari?" tanong ni Ike.
Sinubukan kong alalahanin ang nangyari bago pa ako nawalan ng malay.
Ah, oo nga.
"Bigla... bigla kong nakita ang isang batang babae sa isip ko..." Sige Diana! Alalahanin mo! "A-at.. naramdaman kong sumakit ang ulo ko at yun.. siguro bumagsak na ako sa sahig.."
"Isang batang babae?" Eymie asked.
"Oo.."
"Bumagsak ka dahil sa isang vision na nakita mo?" tanong ni Ike.
"P-parang ganon nga."
"Wag niyong pagurin si Diana sa pamamagitan ng pagtanong niyo ng mga ganyan. She needs to rest." Matigas na sabi ni Berthud.
"Okay lang ako... nabigla lang siguro ako sa dami ng tanong.." tumawa ako. Sana na-satisfy sila sa tawa ko.
"So..." simula ni Nate, "Nakita mo ang isang batang babae na nahuhulog sa isang bangin. Pagkatapos non ay sumakit yung ulo mo at bumagsak ka."
"Yep."
At nagsimula na silang tumahimik. Baka nag-iisip na sila.
Ang hirap pala kapag may mga taong nag-aalala sa'yo. They'll suddenly ask you questions kung bakit ka nasaktan.
Sana naman hindi nila sisisihin si Professor Gubblehur. Ginawa lang niya yung dapat, kahit na mahirap yon sundin. Mabuti na yung may natutunan ako eh..
Sa susunod na aakyat ako sa bundok, hindi na ako matatakot. Hindi na ako aasa sa tulong. Kailangan kong harapin yung takot ko mag-isa.
Dahil isa akong Warrior.
Bumukas yung pinto at lumuwal ang dalawang tao. Si Kuya Dylan at Zean.
Guilt suddenly overruled me. Naalala ko yung sampal ni professor kay kuya. Grabe.
BINABASA MO ANG
The Second Dimension
FantasyDiana's life revolved on the ordinary until she discovers that it wasn't after all. - Start: 2014 Published: 2016 Edited: 2019 Republished: 2020