Twenty Eight.

61 7 0
                                    

Nagising akong tulala at wala sa sarili dahil nagising ako sa sofa sa living room. Maraming kumot ang nakapulupot sa'kin. Una kong nakita si Zean na nakapulupot rin ang sarili sa mga kumot sa harapan ng Fireplace. Kahit nakatalikod lang siya, alam kong siya talaga yan. The blonde hair? The prince-like posture? Ay duh.

Nakita ko si Pringles na natutulog sa tabi niya. I scoffed, giving them a closed smile. Dahil na rin sa mga nangyari sa'kin kailanlang ay hindi ko na siya halos nakakapiling.

Sinubukan ko namang inalala ang nangyari sa'kin kahapon.

"Awake?" Walang tono niyang tanong sa habang nakatalikod parin sa'kin. Nashock naman ako don, "You were shaking badly last night kaya pinahihiram kita ng ilang kumot."

Tinignan ko ulit ang mga kumot na nakapulupot sa'kin. Ah ganon pala.

I sat and stared around the dorm. Parang walang tao ah? Saan na yung iba?

"It's Christmas vacation, by the way."

Kumunot lang ang noo ko. So kahapon na yung last day? Wala akong alam ah.

"You fainted, so.."

"So saan na sila?" Off topic kong tanong sa kanya. Tumayo na siya at umupo sa kabilang sofa, turning on the tv.

"They all presented to sleep in Eymie's house in New Celestria. Nandon na sila ngayon."

Halos lumuwal ang mga mata ko sa gulat. Naalala ko tuloy ang discussion namin kahapon, at ang nangyari sa'kin pagkatapos. Sa yaman siguro ng pamilya ni Eymie ay may bahay din sila sa New Celestria.

"Tas dito lang tayo?" Tanong ko while rummaging for another blangket, mas lalong lumalamig eh.

Zean gave me another bored stare.

"Of course not. Berthud and the rest had to go there because of the hectic photoshoot schedule. Dahil hindi pa tayo okay, kaya iniwan muna tayo. We'll come after them when I know we're totally fine."

Bumuntong hininga ako. There was a puff of smoke coming out from my mouth. Siguro ang lamig na talaga sa labas dahil sa snow.

There was a moment of silence. Hindi muna kami nagkaimikan ni Zean. I don't know what to tell him.

Tumayo na ako para kumain. Nakita ko ang mainit na soup sa caldero. I sat on the dining table to start eating.

"Zean, kain tayo." Aya ko sakanya.

Lumingon sya't tumayo na para sumabay sa'kin. Hindi niya tinanggal ang mga kumot sa kanyang katawan. Walang imik siyang umupo sa tapat ko para kumuha din ng soup.

Hindi na ako nagtaka. Ganitong ganito din si Zean kapag nakakasabay namin siyang kumain. Ayain man siya ng kanyang mga kaibigang kumain, hindi parin yan iimik.

Sa limang magkakaibigan na halos magbangayan, si Zean ang laging kalmado, ngunit suplado. When his friends start talking, he only listens. Hindi yan sasabay sa usapan unless may topic na kailangan niyang sabihan sa kanyang point.

"Bakit wala ka pala kahapon?" Tanong ko sakanya.

"Yes. But I was transfered here because it's cold." Walang emosyong tugon niya habang sumimsim ng soup.

Kapag ganito palagi ang kausap ko, parang nawawalan ako ng ganang magbukas ng topic. Mas magandang nandito si Eymie dahil mas marunong siyang kumausap sa mga taong kagaya ni Zean-- si Meredith.

I felt Pringles rub off his fur around my feet. Tumayo muna ako para bigyan siya ng Dog food.

Nakita kong ngumisi si Zean habang kumukuha ako ng pinamili niyang dog food noon. Naalala ko tuloy ang sinabi niya noon:

The Second DimensionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon