Pagkatapos ng lunch, may tatlo pang subjects. At ngayon, last subject na namin, ang MAPEH. Too bad, ang kabilang seksyon pa ang mag-aassessment kaya pupunta pa kami sa school bukas kasama ang ibang grade level.
At ang nakaka-shunga na parte, sabay kaming magkaklase sa section ni Nikolas. Gusto ko ngang mag-cut ng klase kaso hindi ko kaya eh. Hindi uso ang cutting-classes sa'kin. May suspension pa nga ako, maeevaluate pa ako. Masama sa pakiramdam kung may bad record na ako sa Harvine. Mabuti nalang at mabait ako kaya ayokong mag-cutting. Kaya ko pa 'to.
Nandito kami ngayon sa basketball court ng highschool building. Tutal, hapon na kaya hindi na ganon ka-init.
Pero ilan sa aking mga kaklase ay parang nasobrahan sa ka-OAan, konting silaw nga lang ng araw eh mamamatay na daw sila. Ano sila? Mga bampira? Hahahahaha ako naman 'tong shunga na hindi makatingin sa kabilang seksyon.
"Okay class, listen up," Sabi ni Miss Gennalda, MAPEH teacher at adviser ng klase namin, "We'll split you up into groups, parehas lang sa dating nakasanayan. Kailangan niyong i-practice ang mga exercises na diniscuss ko kahapon, then after that, I will call your group number one by one to execute each exercise. And most importantly, bawal na bawal kayong makipagusap sa mga estudyante sa kabilang section. Clear?"
"Yes Miss Gennalda." Sabay naming sabi.
Bawal makipag-usap? Pwede ring bawalan ang pagtingin? Baka titingin siya ulit eh. Haysh.
O baka naman ako yung titingin.
"Okay, so go to your places."
Pumunta na ako sa place namin sa may ring. Nagsimulang magsidatingan yung mga members ko sa pwesto namin.
Nandalian akong lumingon kung saan ang puwesto ni Nikolas. Nandon siya sa isa pang ring ng court.
Ahh salamat sa Diyos! Makakahinga na ako nang maluwag. Kaya tumalikod ako para hindi ko siyang ma-tempt na tignan siya
Nagsimula na rin kaming magpractice. Medyo mahirap yung mga exercises na diniscuss ni Miss Gennalda kahapon kaya nahirapan din kami.
"Diana, ano nga yung isa pang step?" Tanong ni Nead, kaklase ko. Member ko rin siya.
"Ewan." Tipid kong sagot.
"Nead,"
Lumingon ako sa biglang pag-litaw ng boses.
Pucha! Bakit siya nandito??
Diba kani-kanina lang, nandon siya sa place niya?
"Ahh Nikolas!" Nag-apir siya kay Nikolas at tumingin siya sakin, "Si Dia-"
"Yung isang step, yun yung itataas mo yung dalawa mong kamay. Your left foot must be pointing forwards, samantala, yung sole sa kabila mong foot ay dapat nasa point ng foot mo." Turo niya kay Nead na agad namang ngumisi sa'kin. Tumalikod nalang ako at nagwalk out, nagpapanggap na hindi ko yun narinig.
Gusto ko sana siyang pagsabihan na hindi siya pwedeng makipagusap sa kabilang section. Ewan ko ba kung ano ang tawag dito. Naiinis kasi ako kapag malapit siya eh.
Prinaktis ko na lang yung iba kong nalalamang steps. Pero hindi ko magawa..
Nanginginig ako na parang ewan simula nung narinig ko ang boses niya sa unang pagkakataon. It sent me chills beneath my back. Ang laki kasi ng pinagbago sa boses niya. Para ngang hindi sa kanya eh.
Naalala ko tuloy yung unang araw na nakausap ko si Nikolas.
**Flashback last grade 4**
Umiiyak ako ngayon kasi kakagaling ko lang sa performance ko sa MAPEH. Yung nervousness ko kasi kanina, ibang level na. Kaya ayun, naiyak tuloy ako.
BINABASA MO ANG
The Second Dimension
FantasyDiana's life revolved on the ordinary until she discovers that it wasn't after all. - Start: 2014 Published: 2016 Edited: 2019 Republished: 2020